Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 32 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '2 Samuel 13:23-39' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Santiago 4:1-7

Pakikipagkaibigan sa Sanlibutan

Ano ba ang sanhi ng inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't ang mga ito'y dahil sa inyong mga layaw na naglalaban-laban sa loob ng inyong pagkatao? Naghahangad kayo ngunit hindi mapasainyo. Kaya't pumapatay kayo. Hindi ninyo makuha ang mga bagay na hinahangad ninyo kaya kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi ninyo makuha ang inyong hinahangad dahil hindi kayo humihingi sa Diyos. Kung humingi man kayo, hindi rin ninyo matatanggap sapagkat hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang gamitin sa inyong kalayawan. Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya't sinumang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos. Huwag ninyong ipagwalang-bahala ang sinasabi ng Kasulatan, “Ayaw ng Diyos na may kaagaw siya sa espiritu na ibinigay niya upang manirahan sa atin.” Ngunit (A) ang Diyos ay nagkakaloob ng higit pang biyaya. Kaya naman sinasabi, “Sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.” Kaya't pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo, at siya ay tatakbo palayo sa inyo.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.