Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 30 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '2 Samuel 14:1-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 22:6-21

Ang Salaysay ni Pablo ng Kanyang Pagbabagong-loob(A)

“Habang ako'y naglalakbay at papalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling-tapat ay biglang kumislap sa aking paligid ang isang matinding liwanag mula sa langit. Bumagsak ako sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?’ Sumagot ako, ‘Sino po kayo, panginoon?’ At sinabi niya sa akin, ‘Ako'y si Jesus na taga-Nazareth na iyong inuusig.’ Nakita ng mga kasamahan ko noon ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang tinig ng nagsalita sa akin. 10 Sinabi ko, ‘Ano po'ng gagawin ko, Panginoon?’ Tumugon siya sa akin, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damasco, at sasabihin sa iyo doon ang lahat ng dapat mong gawin.’ 11 Hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng liwanag na iyon, kaya't inakay na lamang ako ng aking mga kasamahan patungong Damasco.

12 “Doon ay may lalaking ang pangalan ay Ananias. Masipag siya sa kabanalan, sumusunod sa kautusan, at iginagalang ng mga Judio na naninirahan doon. 13 Pinuntahan niya ako, tumayo sa aking tabi at sinabi sa akin, ‘Kapatid na Saulo, tanggapin mong muli ang iyong paningin!’ Noon di'y bumalik ang aking paningin at nakita ko siya. 14 Pagkatapos ay sinabi ni Ananias sa akin, ‘Hinirang ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang mabatid mo ang kanyang kalooban, makita ang kanyang Matuwid na Lingkod, at marinig ang kanyang tinig. 15 Sapagkat magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig. 16 At ngayon, ano pa'ng hinihintay mo? Tumindig ka, tumawag ka sa kanyang pangalan at magpabautismo, magpahugas ng iyong mga kasalanan.’

Isinugo si Pablo sa mga Hentil

17 “Pagbalik ko sa Jerusalem, habang ako'y nananalangin sa templo ay nagkaroon ako ng pangitain. 18 Nakita ko ang Panginoon na nagsasabi sa akin, ‘Magmadali ka at umalis agad sa Jerusalem, sapagkat hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo tungkol sa akin.’ 19 At aking sinabi, ‘Panginoon, sila mismo ang nakaaalam na sa bawat sinagoga ay ibinilanggo ko at hinampas ang mga sumampalataya sa iyo. 20 Nang (B) patayin si Esteban na iyong saksi, ako mismo ay nakatayo sa malapit at sumang-ayon pa sa ginawa nila. Ako pa nga ang nagbantay sa mga damit ng mga pumatay sa kanya.’ 21 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Humayo ka, sapagkat susuguin kita sa malayo, sa mga Hentil.’ ”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.