Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)
Version
Awit 6

Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong galit, ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.

Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.

Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: at ikaw, Oh Panginoon, hanggang kailan?

Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.

Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?

Ako'y pagal ng aking pagdaing; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.

Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.

Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan: sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.

Narinig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.

10 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam: sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.

Mikas 7:1-7

Sa aba ko! sapagka't ako'y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa taginit, gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan: walang kumpol na makain; ako'y nananabik sa unang bunga ng igos.

Ang mabuting tao ay namatay sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao: silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo; hinuhuli ng bawa't isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo.

Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa; ang prinsipe ay humihingi, at ang hukom ay maagap sa suhol; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa: ganito nila nilalala.

Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila.

Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan.

Sapagka't sinisiraang puri ng anak na lalake ang ama, ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina, ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay.

Nguni't sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan: didinggin ako ng aking Dios.

Pahayag 2:1-7

Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:

Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;

At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.

Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig.

Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.

Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.

Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)

Public Domain