Readings for Lent and Easter
4 Silang(A) napopoot nang walang dahilan,
    higit na marami sa buhok kong taglay;
mga sinungaling na nagpaparatang,
    ang hangad sa akin, ako ay mapatay.
Ang pag-aari kong di naman ninakaw,
    nais nilang kuni't dapat daw ibigay.
5 Batid mo, O Diyos, naging baliw ako,
    ako'y nagkasala, di pa lingid sa iyo.
6 Huwag mo pong tulutan na dahil sa akin,
    ang nagtitiwala sa iyo'y hiyain;
Yahweh, Makapangyarihang Panginoon ng Israel!
    Huwag mo ring itulot, bigyang kahihiyan ang nagsisisamba sa iyong pangalan.
7 Ako ay nilait nang dahil sa iyo,
    napahiyang lubos sa kabiguan ko.
8 Sa mga kapatid parang ako'y iba,
    kasambahay ko na'y di pa ako kilala.
9 Ang(B) malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban;
    ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan.
10 Nagpapakumbaba akong nag-ayuno,
    at ako'y hinamak ng maraming tao;
11 ang suot kong damit, na aking panluksa,
    ay pinagtawana't hinamak na lubha.
12 Sa mga lansanga'y ako ang usapan,
    ang awit ng lasing sa aki'y pag-uyam.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.