Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Readings for Lent and Easter

Short readings from throughout the Bible that focus on the meaning and events of Easter.
Duration: 47 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Roma 8:18-25

18 Sapagka't napatutunayan ko na (A)ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.

19 Sapagka't (B)ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios.

20 Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng (C)kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi (D)dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa

21 Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng (E)kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.

22 Sapagka't nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon.

23 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong (F)mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y (G)tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay (H)ng pagkukupkop, na dili iba't, (I)ang pagtubos sa ating katawan.

24 Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita?

25 Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978