Readings for Lent and Easter
6 (A)Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; (B)pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pagaari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.
7 Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo (C)ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan:
8 Kundi (D)dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad (E)ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto.
9 Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: (F)ang tapat na Dios, na (G)nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi;
10 At (H)pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: (I)siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.
11 Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978