Proverbs Monthly
Iba't ibang halimbawa at aral sa kalinisan.
26 Kung paano ang niebe sa taginit, (A)at kung paano ang ulan sa pagaani,
Gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang.
2 Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad,
Gayon (B)ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.
3 (C)Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno,
At (D)ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.
4 (E)Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan,
Baka ikaw man ay maging gaya rin niya.
5 (F)Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan,
Baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.
6 Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang
Naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.
7 Ang mga hita ng pilay ay nabibitin:
Gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
8 Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog,
Gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang.
9 Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango,
Gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
10 Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat,
Gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.
11 Kung paano ang (G)aso na bumabalik sa kaniyang suka,
Gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.
12 (H)Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili.
May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
13 (I)Sinabi ng tamad, May leon sa daan;
Isang leon ay nasa mga lansangan.
14 Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra,
Gayon ang tamad sa kaniyang higaan.
15 (J)Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan;
Napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig.
16 Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili
Kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.
17 Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya,
Ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga.
18 Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy,
Mga pana, at kamatayan;
19 Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa,
At nagsasabi, (K)Hindi ko ba ginagawa sa paglilibang?
20 Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy:
(L)At kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.
21 Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy;
Gayon (M)ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.
22 (N)Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo,
At nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
23 Mga mapusok na labi at masamang puso
Ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak.
24 Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi,
Nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya:
25 (O)Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan;
Sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso:
26 Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan,
At ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan.
27 (P)Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon:
At siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya.
28 Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya;
At ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan.
Iba't ibang halimbawa at aral sa kalinisan.
27 Huwag (Q)mong ipaghambog ang kinabukasan;
Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw.
2 (R)Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig;
Ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.
3 Ang bato ay mabigat, at ang buhangin ay matimbang;
Nguni't ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon.
4 Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw,
Nguni't (S)sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?
5 (T)Maigi ang saway na hayag
Kay sa pagibig na nakukubli.
6 (U)Tapat ang mga sugat ng kaibigan:
Nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.
7 Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan:
Nguni't sa gutom na (V)tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay.
8 Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad,
Gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.
9 Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso:
Gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.
10 Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay (W)huwag mong pabayaan;
At huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan:
Maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.
11 Anak ko, (X)ikaw ay magpakadunong, at iyong pasayahin ang aking puso,
Upang aking masagot siya na tumutuya sa akin.
12 (Y)Ang taong mabait ay nakakakita ng kasamaan, at nagkukubli:
(Z)Nguni't dinadaanan ng musmos, at naghihirap.
13 (AA)Kunin mo ang kaniyang kasuutan na nananagot sa di kilala;
At tanggapan mo siya ng sanla na nananagot sa babaing di kilala.
14 Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig, na bumabangong maaga sa kinaumagahan,
Mabibilang na sumpa sa kaniya.
15 (AB)Ang laging tulo sa araw na maulan
At ang babaing palatalo ay magkahalintulad:
16 Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin,
At ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis.
17 Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal;
Gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan.
18 (AC)Ang nagiingat ng puno ng higos ay kakain ng bunga niyaon;
At ang naghihintay sa kaniyang panginoon ay pararangalin.
19 Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha,
Gayon ang puso ng tao sa tao.
20 (AD)Ang Sheol at ang Kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man;
(AE)At ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man.
21 (AF)Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto,
At ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri.
22 (AG)Bagaman iyong piitin ang mangmang sa isang piitan na kasama ng pangbayo sa mga bayong trigo,
Gayon ma'y hindi hihiwalay ang kaniyang kamangmangan sa kaniya.
23 Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan,
At tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan:
24 Sapagka't ang mga kayamanan ay (AH)hindi magpakailan man:
At namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi?
25 (AI)Ang tuyong damo ay pinupulot, at ang sariwang damo ay lumilitaw,
At ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan.
26 Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan,
At ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid:
27 At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan;
At pagkain sa iyong mga alilang babae.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978