Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 20-22

Ang pagkabihag ng Egipto at ng Etiopia ay hinulaan.

20 Nang taong dumating si (A)Tartan kay (B)Asdod, nang suguin siya ni Sargon na hari sa Asiria, at siya'y makipaglaban kay Asdod, at sakupin niya;

Nang panahong yaon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni (C)Isaias na anak ni Amoz, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, at kalagin mo (D)ang kayong magaspang sa iyong mga balakang, at maghubad ka ng iyong panyapak sa iyong paa. At ginawa niyang gayon (E)na lumakad na hubad at walang panyapak.

At sinabi ng Panginoon, Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at walang panyapak na tatlong taon na (F)pinakatanda at pinakakamanghaan sa Egipto at sa (G)Etiopia;

Gayon ihahatid (H)ng hari sa Asiria ang mga bihag sa Egipto, at (I)ang mga tapon sa Etiopia, bata at matanda, hubad at walang panyapak, at may mga pigi (J)na litaw, sa ikapapahiya ng Egipto.

At sila'y manganglulupaypay (K)at mangapapahiya, dahil sa Etiopia na kanilang pagasa at sa Egipto na kanilang kaluwalhatian.

At ang nananahan sa (L)baybaying ito ay mangagsasabi sa araw na yaon, Narito, gayon na lamang ang aming pagasa, na aming tinakasan na hiningan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria: at kami paanong makatatanan?

Ang hula sa Babilonia.

21 Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng (M)dagat.

Kung paanong umiikot (N)ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain.

Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin; (O)ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan, at ang mananamsam ay nananamsam. (P)Umahon ka, Oh Elam; kumubkob ka, Oh Media; lahat ng buntong-hininga niya'y aking pinatigil.

Kaya't ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan; mga hirap ay dinamdam ko, gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam; ako'y naghihirap na anopa't hindi ako makarinig; ako'y nanglulupaypay na anopa't hindi ako makakita.

Ang aking puso ay sumisikdo, (Q)kakilabutan ay tumakot sa akin: ang pagtatakip-silim na aking ninasa ay naging kapanginigan sa akin.

Sila'y nangaghanda ng dulang, sila'y nangaglagay ng bantay, sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom: magsitindig kayo, kayong mga pangulo, inyong ihanda ang kalasag.

Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, maglagay ka ng bantay; ipahayag niya kung ano ang nakikita niya:

At pagka siya'y nakakita ng pulutong, (R)ng mga nangangabayong dalawa't dalawa, ng mga asno, ng pulutong ng mga kamelyo siya'y masikap na makikinig na ma'y pagiingat.

At siya'y umungal na parang leon: Oh Panginoon, ako'y tumatayong lagi sa moog (S)na bantayan kung araw, at ako'y tumatanod sa aking bantayan na magdamagan:

At, narito, dito'y dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawa't dalawa. At siya'y sumagot at nagsabi, (T)Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at (U)lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa.

10 (V)Oh ikaw na aking giniik, at trigo ng (W)aking giikan: ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo, sa Dios ng Israel, aking ipinahayag sa iyo.

11 (X)Ang hula tungkol sa (Y)Duma.

May tumatawag sa akin mula sa (Z)Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?

12 Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo.

13 Ang hula tungkol sa (AA)Arabia.

Sa gubat ng Arabia ay magsisitigil kayo, Oh kayong nangaglalakbay na pulupulutong na mga (AB)Dedaneo.

14 Ang nauuhaw ay dinadalhan nila ng tubig; sinalubong ng mga nananahan sa lupain ng Tema na may kanilang tinapay ang mga bihag.

15 Sapagka't kanilang tinatakasan ang mga tabak, ang bunot na tabak, at ang akmang busog, at ang lala ng digmaan.

16 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Sa loob ng isang taon, (AC)ayon sa mga taon ng magpapaupa, ang lahat ng kaluwalhatian ng (AD)Cedar ay mapapawi:

17 At ang malabi sa bilang sa mga mangbubusog, sa mga makapangyarihang lalake na mga anak ni Cedar, ay mangiilan: sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng Israel, siyang nagsalita.

Ang Jerusalem ay kinulong.

22 (AE)Ang hula tungkol sa (AF)libis ng pangitain.

Anong ipinakikialam mo ngayon na ikaw ay lubos na sumampa sa mga bubungan?

Oh ikaw na puspos ng mga hiyawan, magulong bayan, (AG)masayang bayan; ang iyong mga patay ay hindi nangapatay ng tabak, o nangamatay man sila sa pakikipagbaka.

(AH)Lahat mong pinuno ay nagsitakas na magkakasama, nangatalian ng mga mangbubusog: lahat na nangasumpungan sa iyo ay nangataliang magkakasama, nagsitakas na malayo.

Kaya't sinabi ko, Bayaan ninyo ako, ako'y iiyak na may kapanglawan; huwag ninyong sikaping aliwin ako, ng dahil sa pagkasamsam sa anak na babae ng aking bayan.

Sapagka't araw na pagkatulig (AI)at ng pagyurak, at ng pagkalito, (AJ)mula sa Panginoon, mula sa Panginoon ng mga hukbo, sa libis ng pangitain; pagkabagsak ng mga kuta at paghiyaw sa mga bundok.

At ang Elam ay may dalang lalagyan ng pana, (AK)may mga karo ng mga tao at mga mangangabayo; at ang (AL)Kir ay Bunot ang kalasag.

At nangyari, na ang iyong pinakapiling libis ay puno ng mga karo, at ang mga mangangabayo ay nagsisihanay sa pintuang-bayan.

At kaniyang inalis ang takip ng Juda; at ikaw ay tumitig ng araw na yaon sa sakbat sa bahay (AM)na kahoy sa gubat.

At inyong nakita ang mga sira (AN)ng bayan ni David, na napakarami: at inyong pinisan ang tubig ng mababang (AO)tangke.

10 At inyong binilang ang mga bahay ng Jerusalem, at inyong iginiba ang mga bahay upang patibayin ang kuta.

11 Kayo'y nagsigawa naman ng tipunang tubig (AP)sa pagitan ng dalawang kuta para sa tubig ng dating tangke. Nguni't hindi ninyo tiningnan siyang gumawa nito, o nagpakundangan man kayo sa kaniya na naganyo nito na malaon na.

12 At nang araw na yao'y (AQ)tumawag ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, sa pagiyak, at sa pagtangis, at (AR)sa pagkakalbo, at sa pagbibigkis ng kayong magaspang.

13 At, narito, kagalakan at kasayahan, pagpatay ng mga baka at pagpatay ng mga tupa, pagkain ng karne, at paginom ng alak: (AS)Tayo'y magsikain at magsiinom, sapagka't bukas tayo ay mangamamatay.

14 At ang Panginoon ng mga hukbo ay naghayag sa aking mga pakinig, Tunay na ang kasamaang ito ay hindi malilinis sa inyo hanggang sa kayo'y mangamatay, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

Si Sebna ay papalitan ni Eliacim.

15 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Ikaw ay yumaon, pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito samakatuwid baga'y kay (AT)Sebna, na katiwala sa bahay, at iyong sabihin,

16 Anong ginagawa mo rito? at sinong ibinaon mo rito, na gumawa ka rito ng isang libingan para sa iyo? na gumagawa ka ng libingan sa itaas, at umuukit ka ng tahanan niyang sarili sa malaking bato!

17 Narito, ibabagsak kang bigla ng Panginoon na gaya ng malakas na tao: oo, kaniyang hihigpitan ka.

18 Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang bola sa malaking lupain; doon ka mamamatay, at doon malalagay ang mga karo ng iyong kaluwalhatian, ikaw na kahihiyan ng sangbahayan ng iyong panginoon.

19 At aalisin kita sa iyong katungkulan, at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal ka.

20 At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si (AU)Eliacim na anak ni Hilcias:

21 At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya'y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda.

22 At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko (AV)sa kaniyang balikat; (AW)at siya'y magbubukas, at walang magsasara; at siya'y magsasara, at walang magbubukas.

23 At aking ikakapit siya na parang (AX)pako sa isang matibay na dako; at siya'y magiging (AY)pinakaluklukan ng kaluwalhatian sa sangbahayan ng kaniyang magulang.

24 At kanilang ipagkakaloob sa kaniya ang buong kaluwalhatian ng sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga anak at ang angkan, bawa't sisidlan, mula sa mga munting sisidlan hanggang sa mga malalaking sisidlan.

25 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (AZ)matatanggal ang pakong nakapit sa matibay na dako; at mababalikwat, at mahuhulog, at (BA)ang mga sabit niyaon ay malalaglag; (BB)sapagka't sinalita ng Panginoon.

Efeso 6

Mga anak, (A)magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.

Igalang mo ang iyong ama (B)at ina (na siyang unang utos na may pangako),

Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.

At, (C)kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi (D)inyong turuan sila ayon sa saway at (E)aral ng Panginoon.

Mga alipin, (F)magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, (G)na may takot at panginginig, sa (H)katapatan ng inyong puso, na (I)gaya ng kay Cristo;

Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga (J)alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;

(K)Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao:

Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, (L)ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, (M)maging alipin o laya.

At kayong (N)mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, (O)at sa kaniya'y walang itinatanging tao.

10 Sa katapustapusa'y (P)magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.

11 Mangagbihis kayo ng (Q)buong kagayakan (R)ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.

12 Sapagka't (S)ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa (T)mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga (U)namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal (V)sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.

14 (W)Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na (X)may sakbat na baluti ng katuwiran,

15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;

16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.

17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at (Y)ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

18 (Z)Na magsipanalangin kayo (AA)sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at (AB)daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, (AC)upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan (AD)ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito (AE)ako'y isang sugong (AF)natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain.

21 Datapuwa't (AG)upang mangaalaman ninyo naman ang mga bagay na ukol sa akin, at ang kalagayan ko, si Tiquico na aking minamahal na kapatid at tapat na ministro sa Panginoon, ay siyang magpapakilala sa inyo (AH)ng lahat ng mga bagay:

22 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang makilala ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso.

23 Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at pagibig na may pananampalataya, mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.

24 Ang biyaya nawa'y sumalahat ng mga nagsisiibig sa ating Panginoong Jesucristo ng pagibig na walang pagkasira. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978