Old/New Testament
27 At nangyari, nang matanda na si Isaac, (A)at malabo na ang kaniyang mga mata, na ano pa't hindi na siya makakita, ay tinawag si Esau na kaniyang anak na panganay, at sinabi sa kaniya, Anak ko: at kaniyang sinabi, Narito ako.
2 At sinabi niya, Narito, ako'y matanda, at hindi ko nalalaman ang kaarawan ng aking kamatayan.
3 Ngayon nga'y (B)kunin mo ipinamamanhik ko sa iyo, ang iyong almás, ang iyong lalagyan ng pana, at ang iyong busog, at lumabas ka sa parang, at ihuli mo ako ng usa;
4 At igawa mo ako ng masarap na pagkain, na aking ibig, at dalhin mo rito sa akin, upang ako'y kumain; (C)upang ikaw ay basbasan ko bago ako mamatay.
5 At pinakikinggan ni Rebeca nang nagsasalita si Isaac kay Esau na kaniyang anak. At naparoon si Esau sa parang upang manghuli ng usa, at upang madala.
6 At isinaysay ni Rebeca kay Jacob na kaniyang anak na sinasabi, Narito, narinig ko ang iyong ama na nagsasalita kay Esau na iyong kapatid, na sinasabi,
7 Dalhan mo ako ng usa, at igawa mo ako ng pagkaing masarap, upang ako'y kumain, at ikaw ay aking basbasan sa harap ng Panginoon, bago ako mamatay,
8 Ngayon nga, anak (D)ko, sundin mo ang aking tinig, ayon sa iniutos ko sa iyo.
9 Pumaroon ka ngayon sa kawan, at dalhin mo rito sa akin ang dalawang mabuting anak ng kambing; at gagawin kong masarap na pagkain sa iyong ama, (E)ayon sa kaniyang ibig.
10 At dadalhin mo sa iyong ama, upang kumain, ano pa't ikaw ay kaniyang basbasan bago siya mamatay.
11 At sinabi ni Jacob kay Rebeca na kaniyang ina, Narito, si (F)Esau na aking kapatid ay taong mabalahibo, at ako'y taong makinis.
12 Marahil ay hihipuin (G)ako ng aking ama, at aariin niya akong parang nagdaraya sa kaniya; at ang aking mahihita ay (H)sumpa at hindi basbas.
13 At sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, (I)Sa akin mapunta ang sumpa sa iyo, anak ko: sundin mo lamang ang aking tinig, at yumaon ka, na dalhin mo sa akin.
14 At siya'y yumaon at dinala sa kaniyang ina: at gumawa ang kaniyang ina ng masarap na pagkain, na ibig ng kaniyang ama.
15 At kinuha ni Rebeca ang mainam na (J)damit ni Esau, na kaniyang anak na panganay, na nasa kaniya sa bahay, at isinuot kay Jacob na kaniyang bunsong anak:
16 At ang mga balat ng mga anak ng kambing ay ibinalot sa kaniyang mga kamay, at sa kinis ng kaniyang leeg.
Tinanggap ni Jacob ang pagpapala ni Isaac.
17 At kaniyang ibinigay ang pagkaing masarap, at ang tinapay na kaniyang inihanda, sa kamay ni Jacob na kaniyang anak.
18 At siya'y lumapit sa kaniyang ama, at nagsabi, Ama ko; at sinabi niya: Narito ako; sino ka, anak ko?
19 At sinabi ni Jacob sa kaniyang ama, Ako'y si Esau na iyong panganay; ginawa ko ang ayon sa sinabi mo sa akin: bumangon ka, ipinamamanhik ko sa iyo, maupo ka at kumain ka ng aking usa, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa.
20 At sinabi ni Isaac sa kaniyang anak, Ano't kay dali mong nakasumpong, anak ko? At sinabi niya, Sapagka't binigyan ako ng mabuting kapalaran ng Panginoon mong Dios.
21 At sinabi ni Isaac kay Jacob, Lumapit ka rito, ipinamamanhik ko sa iyo (K)upang hipuin kita, anak ko, kung tunay na ikaw ang aking anak na si Esau o hindi.
22 At lumapit si Jacob kay Isaac na kaniyang ama: at hinipo siya, at sinabi, Ang tinig ay tinig ni Jacob, nguni't ang mga kamay ay mga kamay ni Esau.
23 At hindi siya nakilala, (L)sapagka't ang kaniyang kamay ay mabalahibo, gaya ng mga kamay ni Esau na kaniyang kapatid: at sa gayo'y binasbasan siya.
24 At sinabi niya, Ikaw bang tunay ang aking anak na si Esau? At sinabi niya, Ako nga.
25 At kaniyang sinabi, Ilapit mo sa akin, at kakain ako ng usa ng aking anak, upang basbasan ka ng aking kaluluwa. At kaniyang inilapit sa kaniya at kumain siya: at siya'y dinalhan niya ng alak, at uminom.
26 At sinabi sa kaniya ni Isaac na kaniyang ama, Lumapit ka ngayon at humalik ka sa akin, anak ko.
27 At siya'y lumapit at humalik siya sa kaniya: at naamoy ng ama ang amoy ng kaniyang mga suot, at siya'y binasbasan, na sinabi,
Narito, ang (M)amoy ng aking anak
Ay gaya ng amoy ng isang parang na pinagpala ng Panginoon:
28 At bigyan ka ng (N)Dios ng (O)hamog ng langit,
At ng taba ng lupa,
(P)At ng saganang trigo at alak:
29 Ang mga bayan ay mangaglingkod nawa sa iyo.
At ang mga bansa ay mangagsiyukod sa iyo:
Maging panginoon ka nawa ng iyong mga kapatid,
(Q)At magsiyukod sa iyo ang mga anak ng iyong ina:
(R)Sumpain nawa ang mga sumusumpa sa iyo.
At maging mapapalad ang mga magpapala sa iyo.
30 At nangyari pagkatapos ng pagbabasbas ni Isaac kay Jacob, at bahagya nang kaaalis ni Jacob sa harap ni Isaac na kaniyang ama, ay dumating si Esau na kaniyang kapatid, na galing sa kaniyang panghuhuli.
31 At siya ma'y gumawa ng masarap na pagkain, at dinala niya sa kaniyang ama; at sinabi niya sa kaniyang ama, Bumangon ang ama ko, at kumain ng usa ng kaniyang anak, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa.
32 At sinabi ni Isaac na kaniyang ama sa kaniya, Sino ka? At kaniyang sinabi, Ako ang iyong anak, ang iyong panganay na si Esau.
33 At nangilabot na mainam si Isaac, at sinabi, Sino nga yaong kumuha ng usa at dinala sa akin, at ako'y kumain niyaon bago ka dumating, at aking binasbasan siya? oo, at siya'y magiging mapalad!
34 Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kaniyang ama ay (S)humiyaw ng malakas at ng di kawasang kapanglawan: at sinabi sa kaniyang ama. Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko.
35 At kaniyang sinabi, Naparito ang iyong kapatid sa pamamagitan ng daya, at kinuha ang basbas sa iyo.
36 At kaniyang sinabi, Hindi ba (T)matuwid ang pagkatawag sa kaniyang Jacob? sapagka't kaniyang inagawan ako nitong makalawa: (U)kaniyang kinuha ang aking pagkapanganay; at, narito, ngayo'y kinuha ang basbas sa akin. At kaniyang sinabi, Hindi mo ba ako ipinaglaan ng basbas.
37 At sumagot si Isaac, at sinabi kay Esau. (V)Narito, inilagay ko siyang panginoon mo, at sa kaniya'y ibinigay kong lingkod ang lahat niyang mga kapatid; at (W)sa trigo at sa bagong alak, ay kinandili ko siya; at sa iyo'y ano ngang magagawa ko ngayon anak ko?
38 At sinabi ni Esau sa kaniyang ama, Wala ka ba, kundi isa lamang basbas, ama ko? Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko. (X)At humiyaw si Esau at umiyak.
39 At sumagot si Isaac na kaniyang ama, at sinabi sa kaniya,
(Y)Narito, magiging sadya sa taba ng lupa ang iyong tahanan,
At sa hamog ng langit mula sa itaas;
40 At sa iyong tabak ay mabubuhay ka, (Z)at sa iyong kapatid ay maglilingkod ka;
(AA)At mangyayari na pagka nakalaya ka,
Papagpagin mo sa iyong leeg ang pamatok niya.
Pinapunta si Jacob sa Padan-aram.
41 (AB)At kinapootan ni Esau si Jacob, dahil sa basbas na ibinasbas sa kaniya ng kaniyang ama; at sinasabi ni Esau sa sarili, (AC)Malapit na ang mga araw ng pagluluksa sa aking ama; kung magkagayo'y papatayin (AD)ko si Jacob na aking kapatid.
42 At ang mga salita ni Esau na kaniyang panganay ay nangaibalita kay Rebeca; at kaniyang pinasuguan at tinawag si Jacob, na kaniyang bunso at sa kaniya'y sinabi, Narito, ang iyong kapatid na si Esau ay naaaliw tungkol sa iyo, na inaakalang patayin ka.
43 Ngayon nga, anak ko, sundin mo ang aking tinig; at bumangon ka, at tumakas ka hanggang kay Laban na aking kapatid, sa Haran;
44 At dumoon ka sa kaniyang ilang araw hanggang sa mapawi ang galit ng iyong kapatid.
45 Hanggang ang galit sa iyo, ng iyong kapatid ay mapawi at malimutan niya ang ginawa mo sa kaniya: kung magkagayo'y pasusuguan kita at ipasusundo kita mula roon: bakit kapuwa mawawala kayo sa akin sa isang araw?
46 At sinabi ni Rebeca kay Isaac, Ako'y (AE)yamot na sa aking buhay, dahil sa mga anak na babae ni Heth: kung (AF)si Jacob ay magasawa sa mga anak ni Heth na gaya ng mga ito, ng mga anak ng lupaing ito, ano pang kabuluhan sa akin ng aking buhay?
28 At tinawag ni Isaac si Jacob, at siya'y binasbasan, at siya'y pinagbilinan, na sinabi sa kaniya, (AG)Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan.
2 (AH)Tumindig ka, (AI)pumaroon ka sa Padan-aram, sa bahay ni (AJ)Bethuel, na ama ng iyong ina, at magasawa ka roon sa mga anak ni Laban, na kapatid na lalake ng iyong ina.
3 (AK)At ikaw ay pagpalain nawa ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay palaguin, at ikaw ay paramihin, upang ikaw ay maging kapisanan ng mga bayan;
4 (AL)At ibigay nawa sa iyo ang pagpapala kay Abraham, sa iyo, at sangpu sa iyong binhi; upang iyong ariin ang (AM)lupaing iyong pinaglakbayan, na ibinigay ng Dios kay Abraham.
5 At pinapagpaalam ni Isaac si Jacob: at naparoon siya sa Padan-aram kay Laban, anak ni Bethuel na taga Siria, na kapatid ni Rebeca, na ina ni Jacob at ni Esau.
6 Nakita nga ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob, at siya'y pinaparoon sa Padan-aram, upang doon magasawa; at nang siya'y basbasan ay ipinagbilin sa kaniya, na sinasabi, Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan.
7 At sumunod si Jacob sa kaniyang ama at sa kaniyang ina, at naparoon sa Padan-aram;
8 (AN)At nakita ni Esau na hindi nakalulugod ang mga anak ng Canaan kay Isaac na kaniyang ama;
9 At naparoon si Esau kay Ismael, at nagasawa kay Mahaleth, anak ni Ismael, na anak ni Abraham, na (AO)kapatid na babae ni Nabaioth, bukod pa sa mga asawang mayroon na siya.
Ang panaginip ni Jacob sa Betel.
10 At umalis si Jacob sa (AP)Beer-seba at napasa dakong Haran.
11 At dumating sa isang dako, at nagparaan ng buong gabi roon, sapagka't lumubog na ang araw; at kumuha ng isa sa mga bato sa dakong yaon, at inilagay sa kaniyang ulunan, at nahiga sa dakong yaon upang matulog.
12 (AQ)At nanaginip, at narito, ang isang hagdan, na ang puno ay nasa lupa, at ang dulo ay umaabot sa langit; (AR)at narito, ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon.
13 (AS)At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, (AT)Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: (AU)ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;
14 (AV)At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa, at kakalat ka sa kalunuran, at sa silanganan, at sa hilagaan, at sa timugan (AW)at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa.
15 At, narito't (AX)ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, (AY)at pababalikin kita sa lupaing ito (AZ)sapagka't hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo.
16 At nagising si Jacob sa kaniyang panaginip, at nagsabi, (BA)Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman.
17 At siya'y natakot, at kaniyang sinabi, Kakilakilabot na dako ito! ito'y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.
18 At si Jacob ay bumangong maaga ng kinaumagahan, at kinuha ang batong kaniyang inilagay sa ulunan niya, (BB)at kaniyang itinayo na pinakaalaala, (BC)at kaniyang binuhusan ng langis sa ibabaw.
19 (BD)At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay Betel: datapuwa't ang pangalan ng bayan nang una ay Luz.
Ang pangako ni Jacob.
20 (BE)At si Jacob ay nagpanata, na sinasabi, Kung sasaakin ang Dios, at ako'y iingatan sa daang ito na aking nilalakaran, at ako'y bibigyan ng tinapay na makakain, at damit na maisusuot,
21 Na ano pa't ako'y makabalik na payapa sa bahay ng aking ama, ay ang (BF)Panginoon nga ang magiging aking Dios,
22 At ang batong ito na aking itinayo na pinakaalaala ay magiging (BG)bahay ng Dios; (BH)at sa lahat ng ibigay mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasangpung bahagi ay ibibigay ko sa iyo.
18 Nang makita nga ni Jesus ang lubhang maraming tao sa palibot niya, ay ipinagutos niyang tumawid sa kabilang ibayo.
19 At lumapit ang isang eskriba, at (A)sa kaniya'y nagsabi, Guro, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.
20 At sinabi sa kaniya ni Jesus, May mga lungga ang mga zorra, at may mga pugad ang mga ibon sa langit; datapuwa't ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo.
21 At ang isa naman sa kaniyang mga alagad ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.
22 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Sumunod ka sa akin; at pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay.
23 (B)At pagkalulan niya sa isang daong, ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad.
24 At narito, bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa't inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa't siya'y natutulog.
25 At nagsilapit sila sa kaniya, at siya'y ginising, na sinasabi, Panginoon, iligtas mo kami; kami'y mangamamatay.
26 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangatatakot, Oh (C)kayong kakaunti ang pananampalataya? Nang magkagayo'y nagbangon siya, at sinaway ang mga hangin at ang dagat; at humusay na totoo ang panahon.
27 At ang mga tao ay nangagtaka, na sinasabi, Anong tao ito, na maging ang mga hangin at ang mga dagat ay nagsisitalima sa kaniya?
28 At nang siya'y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa't sinoma'y walang makapagdaan sa daang yaon.
29 At narito, sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na (D)Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?
30 Sa malayo sa kanila ay may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain.
31 At namanhik sa kaniya ang mga demonio, na nangagsasabi, Kung kami'y palalayasin mo, ay paparoonin mo kami sa kawan ng mga baboy.
32 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo. At sila'y nagsilabas, at nagsipasok sa mga baboy: at narito, ang buong kawan ng mga baboy ay nangapadaluhong sa bangin hanggang sa dagat, at nangamatay sa tubig.
33 At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon, at nagsitungo sa bayan, at sinabi ang lahat ng mga nangyari, at ang kinahinatnan ng mga inalihan ng mga demonio.
34 At narito, lumabas ang buong bayan upang sumalubong kay Jesus: at pagkakita nila sa kaniya, ay pinamanhikan (E)siyang umalis sa kanilang mga hangganan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978