Old/New Testament
Masquil ni Asaph.
74 Oh Dios, bakit mo itinakuwil (A)kami magpakailan man?
Bakit ang iyong galit ay (B)umuusok laban sa mga (C)tupa ng iyong pastulan?
2 Alalahanin mo ang iyong kapisanan (D)na iyong binili ng una,
Na iyong tinubos upang maging lipi ng (E)iyong mana;
At ang bundok ng Sion na iyong tinahanan.
3 Itaas mo ang iyong mga paa (F)sa mga walang hanggang guho,
Ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario.
4 (G)Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan;
(H)Kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
5 Sila'y tila mga tao na nangagtaas
Ng mga palakol sa mga kakahuyan.
6 At ngayo'y lahat (I)ng gawang inanyuan doon.
Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok.
7 (J)Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario;
Kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa.
8 (K)Kanilang sinabi sa kanilang puso,
Ating gibaing paminsan:
Kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain.
9 Hindi namin nakikita ang aming mga tanda:
(L)Wala nang propeta pa;
At wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan.
10 Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway?
Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man?
11 (M)Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan?
Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila.
12 Gayon ma'y ang (N)Dios ay aking Hari ng una,
Na nagliligtas sa gitna ng lupa.
13 (O)Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan:
(P)Iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga (Q)buwaya sa mga tubig.
14 Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng (R)leviatan,
Ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang.
15 (S)Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog:
(T)Iyong tinutuyo ang mga malaking ilog.
16 Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin:
Iyong inihanda ang liwanag at ang araw.
17 Iyong (U)inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa:
Iyong ginawa ang taginit at taginaw.
18 (V)Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon,
At nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan.
19 Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa (W)ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop:
Huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man.
20 (X)Magkaroong pitagan ka sa tipan:
Sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan.
21 (Y)Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi:
Pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan.
22 Bumangon ka, Oh Dios, ipaglaban mo ang iyong sariling usap:
Alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw.
23 Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway:
Ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Salmo ni Asaph, Awit.
75 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios:
Kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay (Z)malapit:
Isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
2 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan,
Hahatol ako ng matuwid.
3 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw:
Aking itinayo ang mga (AA)haligi niyaon. (Selah)
4 Aking sinabi sa (AB)hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan:
At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
5 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas;
Huwag kang magsalitang may (AC)matigas na ulo.
6 Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran,
O mula man sa timugan, ang pagkataas.
7 Kundi ang (AD)Dios ay siyang hukom:
(AE)Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
8 Sapagka't (AF)sa kamay ng Panginoon ay may (AG)isang saro, at ang alak ay bumubula;
Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din:
Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
9 Nguni't aking ipahahayag magpakailan man,
Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10 (AH)Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay;
Nguni't (AI)ang mga sungay ng matuwid ay matataas.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo ni Asaph, Awit.
76 Sa Juda (AJ)ay kilala ang Dios:
Ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
2 Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo,
At ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
3 (AK)Doo'y binali niya ang mga pana ng busog;
At kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
4 Maluwalhati ka at marilag, (AL)Mula sa mga bundok na hulihan.
5 Ang mga puso na matapang ay nasamsaman,
Sila'y (AM)nangatulog ng kanilang pagtulog;
At wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
6 (AN)Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob,
Ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
7 Ikaw, ikaw ay katatakutan:
At (AO)sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
8 Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit;
Ang lupa ay natakot, at tumahimik,
9 Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol,
Upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)
10 (AP)Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao:
Ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
11 (AQ)Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios:
Magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, (AR)yaong lahat na nangasa buong palibot niya.
12 Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo:
Siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.
16 Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa.
17 Sapagka't sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, (A)Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangala'y maitanyag sa buong lupa.
18 Kaya nga sa kaniyang ibig siya'y naaawa, at sa kaniyang ibig siya'y nagpapatigas.
19 Sasabihin mo nga sa akin, Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagka't sino ang sumasalangsang sa kaniyang kalooban?
20 (B)Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? (C)Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito?
21 O wala bagang (D)kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang (E)isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya.
22 Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan, at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiis ng malaking (F)pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira:
23 At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na (G)kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian,
24 Maging sa atin na kaniya namang tinawag, (H)hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil?
25 Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas,
(I)Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan;
At iniibig, na hindi dating iniibig.
26 At mangyayari, (J)na sa dakong pinagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi ko bayan,
Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay.
27 At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, (K)Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, (L)ay ang nalalabi lamang ang maliligtas:
28 Sapagka't isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa, na tatapusin (M)at paiikliin.
29 At gaya ng sinabi nang una ni Isaias,
(N)Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo,
(O)Tayo'y naging katulad sana ng Sodoma, at naging gaya ng Gomorra.
30 Ano nga ang ating sasabihin? Na ang mga Gentil, na hindi nangagsisisunod sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, sa makatuwid baga'y (P)ng katuwiran sa pananampalataya:
31 Datapuwa't ang Israel (Q)sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan.
32 Bakit? Sapagka't hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. (R)Sila'y nangatisod sa batong katitisuran;
33 Gaya ng nasusulat,
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978