Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 36-38

Mga Inanak ni Esau.

36 Ito nga ang mga lahi ni Esau ((A)na siyang Edom).

(B)Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh, (C)at kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo.

(D)At kay Basemath na anak ni Ismael, na kapatid ni Nabaiot.

(E)At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;

At ipinanganak ni Aholibama si Jeus, at si Jaalam at si Cora; ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kaniya sa lupain ng Canaan.

At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid.

(F)Sapagka't ang kanilang pagaari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama (G)at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila, sapagka't napakarami ang kanilang hayop.

(H)At tumahan si Esau sa bundok ng Seir: si (I)Esau ay siyang Edom.

At ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir:

10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

11 At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz.

12 At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si (J)Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.

13 At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau.

14 At ito ang mga anak ni (K)Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon, na asawa ni Esau: at ipinanganak niya kay Esau: si Jeus at si Jaalam at si Cora.

15 Ito ang mga (L)pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga (M)anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz,

16 Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.

17 At ito ang mga anak ni (N)Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

18 At ito ang mga anak ni (O)Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.

19 Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom.

Mga anak ni Seir.

20 (P)Ito ang mga anak ni Seir na (Q)Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana,

21 At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.

22 At ang mga anak ni Lotan, ay si Hori at si Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.

23 At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam.

24 At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama.

25 At ito ang mga anak ni Ana; si Dison at si Aholibama, na anak na babae ni Ana.

26 At ito ang mga anak ni Dizon: si Hemdan, at si Eshban, at si Ithram, at si Cheran.

27 Ito ang mga anak ni Ezer: si Bilhan, at si Zaavan at si Acan.

28 Ito ang mga anak ni Disan: si Huz at si Aran.

29 Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong (R)Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana,

30 Ang pangulong Dison, ang pangulong Ezer, ang pangulong Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo, sa lupain ng Seir.

Mga Hari ng Edom.

31 (S)At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel.

32 At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

33 At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra.

34 At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo.

35 At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita.

36 At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca.

37 At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga (T)Rehoboth na tabi ng Ilog.

38 At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor.

39 At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, (U)at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

40 (V)At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau, ayon sa kanikaniyang angkan, ayon sa kanikaniyang dako, alinsunod sa kanikaniyang pangalan; ang pangulong Timma, ang pangulong Alva, ang pangulong Jetheth;

41 Ang pangulong Aholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Pinon.

42 Ang pangulong Cenaz, ang pangulong Teman, ang pangulong Mibzar.

43 Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Hiram: ito ang mga pangulo ni Edom, ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pagaari. Ito'y si Esau na ama ng mga Edomita.

Ang pagmamahal ni Jacob kay Jose.

37 At tumahan si Jacob sa lupaing pinangibahang lupain ng kaniyang ama, sa lupain ng Canaan.

Ito ang lahi ni Jacob. Si Jose, na may labing pitong taon, ay nagpapastol ng kawan na kasama ng kaniyang mga kapatid; at siya'y batang kasamahan ng mga anak ni Bilha at ng mga anak ni Zilpa, na mga asawa ng kaniyang ama; (W)at ibinalita ni Jose sa kanilang ama ang kasamaan nila.

Minamahal nga ni Israel si Jose ng higit kay sa lahat niyang anak, (X)sapagka't siya ang anak ng kaniyang katandaan: at siya'y iginawa ng isang tunika na may (Y)sarisaring kulay.

At nakita ng kaniyang mga kapatid na siya'y minamahal ng kanilang ama ng higit kay sa lahat niyang kapatid; at siya'y kinapootan, at hindi nila mapagsalitaan siya ng payapa.

Panaginip ni Jose.

At nanaginip si Jose ng isang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid: at lalo pa nilang kinapootan siya.

At sinabi niya sa kanila. Pakinggan ninyo, ipinamamanhik ko sa inyo, itong panaginip na aking napanaginip:

Sapagka't, narito, tayo'y nagtatali ng mga bigkis ng trigo sa bukid, at, narito, na tumindig ang aking bigkis, at tumuwid din naman at, narito, ang inyong mga bigkis ay napasa palibot at (Z)yumukod sa aking bigkis.

At sa kaniya'y sinabi ng kaniyang mga kapatid, Maghahari ka ba sa amin? o papapanginoon ka sa amin? At lalo pa siyang kinapootan nila dahil sa kaniyang mga panaginip at sa kaniyang mga salita.

At siya'y nanaginip pa ng ibang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid, at sinabi, Narito, ako'y nanaginip pa ng isang panaginip; at narito, na ang araw, at ang buwan at ang labing isang bituin ay yumukod sa akin.

10 At kaniyang isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang mga kapatid; at sinaway siya ng kaniyang ama, at sa kaniya'y sinabi, Anong panaginip itong iyong napanaginip? Tunay bang ako at ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay yuyukod sa lupa sa harap mo?

11 (AA)At ang kaniyang mga kapatid ay nainggit sa kaniya: (AB)datapuwa't iningatan ng kaniyang ama ang salita sa pagiisip.

12 At yumaon ang kaniyang mga kapatid upang magpastol ng kawan ng kanilang ama, sa Sichem.

13 At sinabi ni Israel kay Jose, Di ba nagpapastol ng kawan sa Sichem ang iyong mga kapatid? Halika, at uutusan kita sa kanila. At sinabi niya sa kaniya, Narito ako.

14 At kaniyang sinabi sa kaniya, Yumaon ka, tingnan mo kung mabuti ang lagay ng iyong mga kapatid, at kung mabuti ang lagay ng kawan; at balitaan mo ako. Gayon sinugo siya mula sa libis ng (AC)Hebron, at siya'y naparoon sa Sichem.

15 At nasumpungan siya ng isang tao, at, narito, na siya'y naggagala sa parang; at siya'y tinanong ng taong yaon, na sinasabi, Anong hinahanap mo?

16 At kaniyang sinabi, Hinahanap ko ang aking mga kapatid; ipinamamanhik ko sa iyo na sabihin mo sa akin kung saan sila nagpapastol.

17 At sinabi ng tao, Nagsialis na sila: sapagka't narinig kong kanilang sinabi, Tayo na sa Dotan. At sinundan ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at nasumpungan niya sila sa (AD)Dotan.

18 At kanilang natanawan siya sa malayo, at bago nakalapit sa kanila ay nagbanta sila laban sa kaniya na siya'y patayin.

19 At nagsangusapan, Narito, dumarating itong mapanaginipin.

20 Halikayo ngayon, siya'y ating patayin, at siya'y ating itapon sa isa sa mga balon, at ating sasabihin, Sinakmal siya ng isang masamang hayop: at ating makikita kung anong mangyayari sa kaniyang mga panaginip.

21 At narinig ni Ruben, at iniligtas siya sa kanilang kamay; at sinabi, Huwag nating kitlin ang kaniyang buhay.

22 At sinabi ni Ruben sa kanila, (AE)Huwag kayong magbubo ng dugo; itapon ninyo sa balong ito na nasa ilang, datapuwa't huwag ninyong pagbuhatan ng kamay; upang iligtas sa kanilang kamay ng mapabalik sa kaniyang ama.

23 At nangyari, nang dumating si Jose sa kaniyang mga kapatid, na hinubdan siya ng kaniyang tunika, ng tunikang may sarisaring kulay na kaniyang suot;

24 At kanilang sinunggaban, at kanilang itinapon sa balon: at ang balon ay tuyo, walang tubig.

Ipinagbili si Jose sa Egipto.

25 At nagsiupo upang kumain ng tinapay, at kanilang itiningin ang kanilang mga mata at tumingin sila, at, narito, ang isang pulutong na mga (AF)Ismaelita na nagsisipanggaling sa Gilead sangpu ng kanilang mga kamelyo at may dalang mga (AG)pabango, at mga (AH)balsamo, at mga mirra, na kanilang dadalhin sa Egipto.

26 At sinabi ni Juda sa kaniyang mga kapatid. Anong ating mapapakinabang kung ating patayin ang ating kapatid, (AI)at ilihim ang kaniyang dugo?

27 Halikayo, at atin siyang ipagbili sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; sapagka't (AJ)siya'y ating kapatid, atin din laman. At dininig siya ng kaniyang mga kapatid.

28 At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga (AK)Midianita; at kanilang isinampa si Jose sa balon, (AL)at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng (AM)dalawang pung putol na pilak. At dinala si Jose sa Egipto.

29 At nagbalik si Ruben sa balon; at, narito, na si Jose ay wala sa balon; (AN)at kaniyang hinapak ang kaniyang mga suot.

30 At siya'y nagbalik sa kaniyang mga kapatid, at kaniyang sinabi, (AO)Wala ang bata; at ako, saan ako paroroon?

31 At kanilang kinuha ang (AP)tunika ni Jose, at sila'y pumatay ng isang lalaking kambing, at kanilang inilubog ang tunika sa dugo:

32 At kanilang ipinadala ang tunikang may sarisaring kulay, at dinala sa kanilang ama; at kanilang sinabi, Ito'y aming nasumpungan: kilalanin mo ngayon, kung tunika ng iyong anak o hindi.

33 At kaniyang kinilala, at sinabi, Siya ngang tunika ng aking anak; sinakmal siya ng (AQ)isang masamang hayop; si Jose ay walang pagsalang nilapa.

Ang panangis ni Jacob.

34 At hinapak ni Jacob ang kaniyang mga suot, at kaniyang nilagyan ng magaspang na damit ang kaniyang mga balakang, at tinangisang maraming araw ang kaniyang anak.

35 (AR)At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya'y aliwin; datapuwa't tumanggi siyang maaliw; at kaniyang sinabi, (AS)Sapagka't lulusong akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol. At tinangisan siya ng kaniyang ama.

36 At ipinagbili siya ng mga Midianita sa Egipto kay Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay.

38 At nangyari nang panahong yaon, na humiwalay si Juda sa kaniyang mga kapatid, (AT)at nagdaan sa isang Adullamita na ang pangalan ay Hira.

At nakita roon ni Juda ang anak na babae ng isang Cananeo, na tinatawag na (AU)Sua; at kinuha niya at kaniyang sinipingan.

At naglihi, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang (AV)Er.

At naglihi uli, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Onan.

At muling naglihi at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Selah: at si Juda ay nasa sa Chezib nang siya'y manganak.

At pinapag-asawa ni Juda si Er na kaniyang panganay, at ang pangalan niyao'y Thamar.

At si Er, na panganay ni Juda, ay naging masama sa paningin ng Panginoon; (AW)at siya'y pinatay ng Panginoon.

At sinabi ni Juda kay Onan, (AX)Sumiping ka sa asawa ng iyong kapatid, at tuparin mo sa kaniya ang tungkulin ng kapatid ng asawa, at ipagbangon mo ng binhi ang iyong kapatid.

At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi; at nangyari, na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid, ay pinatutulo niya sa lupa, nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid.

10 At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon, at siya'y pinatay rin naman.

11 Nang magkagayo'y sinabi ni Juda kay Thamar na kaniyang manugang na babae: (AY)Manatili kang bao sa bahay ng iyong ama, hanggang sa lumaki si Selah na aking anak: sapagka't sinabi niya, Marahil ay hindi siya mamamatay ng gaya ng kaniyang mga kapatid. At yumaon si Thamar (AZ)at tumahan sa bahay ng kaniyang ama.

12 At nagdaan ang maraming araw; at namatay ang anak na babae ni Sua, na asawa ni Juda; (BA)at nag-aliw si Juda, at umahon sa Timnath sa mga manggugupit sa kaniyang mga tupa, siya at ang kaniyang kaibigang si Hira na Adullamita.

13 At naibalita kay Thamar, na sinasabi, Narito, ang iyong biyanang lalake ay umaahon sa Timnath upang pagupitan ang kaniyang mga tupa.

14 At siya'y nagalis ng (BB)suot pagkabao, at nagtakip ng kaniyang lambong, at pagkapagtakip ay naupo sa pasukan ng Enaim, na nasa daan ng Timnath; (BC)sapagka't kaniyang nakikita, na si Selah ay malaki na, at hindi pa siya ibinibigay na asawa.

15 Nang makita siya ni Juda ay ipinalagay siyang patutot, sapagka't siya'y nagtakip ng kaniyang mukha.

16 At lumapit sa kaniya, sa tabi ng daan, at sinabi, Narito nga, ipinamamanhik ko sa iyo na ako'y pasipingin mo sa iyo: sapagka't hindi niya nakilalang kaniyang manugang. At kaniyang sinabi, Anong ibibigay mo sa akin sa iyong pagsiping sa akin?

17 At kaniyang sinabi, Padadalhan kita ng isang anak ng kambing na mula sa kawan. At kaniyang sinabi, Bibigyan mo ba ako ng sangla hanggang sa maipadala mo?

18 At kaniyang sinabi, Anong sangla ang ibibigay ko sa iyo? At kaniyang sinabi, (BD)Ang iyong singsing, at ang iyong pamigkis, at ang tungkod na dala mo sa kamay. At kaniyang ipinagbibigay sa kaniya, at sumiping sa kaniya; at siya'y naglihi sa pamamagitan niya.

19 At siya'y bumangon, at yumaon, (BE)at siya'y nagalis ng kaniyang lambong, at isinuot ang mga kasuutan ng kaniyang pagkabao.

20 At ipinadala ni Juda ang anak ng kambing sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang kaibigan, na Adullamita, upang tanggapin ang sangla sa kamay ng babae: datapuwa't hindi niya nasumpungan.

21 Nang magkagayo'y kaniyang itinanong sa mga tao sa dakong yaon na sinasabi, Saan nandoon ang patutot na nasa tabi ng daan sa Enaim? At kanilang sinabi, Walang naparitong sinomang patutot.

22 At nagbalik siya kay Juda, at sinabi, Hindi ko nasumpungan: at sinabi rin naman ng mga tao sa dakong yaon, Walang naging patutot rito.

23 At sinabi ni Juda, Pabayaang ariin niya, baka tayo'y mapahiya: narito, aking ipinadala itong anak ng kambing at hindi mo siya nasumpungan.

Mga anak ni Juda kay Thamar.

24 At nangyari, na pagkaraan ng tatlong buwan, humigit kumulang, ay naibalita kay Juda, na sinasabi, Ang iyong manugang na si Thamar ay (BF)nagpatutot; at, narito, siya'y buntis sa pakikiapid. At sinabi ni Juda, Siya'y ilabas (BG)upang sunugin.

25 Nang siya'y ilabas, ay nagpasabi siya sa kaniyang biyanan. Sa lalaking may-ari ng mga ito, ay nagdalang-tao ako: at kaniyang sinabi pang, Ipinamamanhik ko sa iyo, na kilalanin mo kung kanino ang mga ito, (BH)ang singsing, ang pamigkis, at ang tungkod.

26 At nangakilala ni Juda, at sinabi, (BI)Siya'y matuwid kay sa akin; (BJ)sapagka't hindi ko ibinigay sa kaniya si Selah na aking anak. At hindi na niya muling sinipingan pa.

27 At nangyari, na sa pagdaramdam niya, na, narito, kambal ang nasa kaniyang tiyan.

28 At nangyari, nang nanganganak siya, na inilabas ng isa ang kamay: at hinawakan ng hilot at tinalian sa kamay ng isang sinulid na mapula, na sinasabi, Ito ang unang lumabas.

29 At nangyari, na pagkaurong ng kaniyang kamay, na, narito, ang kaniyang kapatid ang lumabas. At kaniyang sinabi, Bakit nagpumiglas ka? (BK)kaya't tinawag ang pangalan niyang Phares.

30 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, na siyang may sinulid na mapula sa kamay: at tinawag na Zara ang kaniyang pangalan.

Mateo 10:21-42

21 At ibibigay (A)ng kapatid ang kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak: at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang, at sila'y ipapapatay.

22 (B)At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.

23 Datapuwa't (C)pagka kayo'y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan: sapagka't sa katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel, (D)hanggang sa pumarito ang Anak ng tao.

24 (E)Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon.

25 Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro, at sa alila ang maging katulad ng kaniyang panginoon. Kung pinanganlan nilang Beelzebub (F)ang panginoon ng sangbahayan, gaano pa kaya ang mga kasangbahay niya!

26 Huwag nga ninyo silang katakutan: (G)sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman.

27 Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.

28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa (H)impierno.

29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:

30 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.

31 Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.

32 Kaya't ang bawa't kumikilala (I)sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman (J)siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.

33 Datapuwa't (K)sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.

34 Huwag ninyong (L)isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.

35 Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake (M)laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae:

36 At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay.

37 Ang (N)umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.

38 At (O)ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin, ay hindi karapatdapat sa akin.

39 Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay ay (P)mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon.

40 Ang tumatanggap sa inyo ay (Q)ako ang tinatanggap, at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.

41 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa pangalan ng propeta ay tatanggap ng ganti ng isang propeta: at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa pangalan ng isang taong matuwid ay tatanggap ng ganti ng isang taong matuwid.

42 At (R)sinomang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng kahit isang sarong tubig na malamig, dahil sa pangalang alagad, katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978