Old/New Testament
Ibinababala ang parusa sa pagtanggi ng Israel sa Dios.
9 Huwag kang magalak, Oh Israel sa katuwaan, na gaya ng mga bayan; sapagka't (A)ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios; iyong inibig ang (B)upa sa bawa't giikan.
2 Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila, at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya.
3 Sila'y hindi magsisitahan (C)sa lupain ng Panginoon; kundi ang Ephraim ay (D)babalik sa Egipto, (E)at sila'y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria.
4 Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang (F)tinapay ng nangagluksa; (G)lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon.
5 Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon?
6 Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng (H)Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda.
7 Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay (I)ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki.
8 Ang Ephraim ay (J)bantay na kasama ng aking Dios: tungkol sa propeta, ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan, at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios.
9 Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng (K)Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan.
10 Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang (L)bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay (M)Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig.
11 Tungkol sa Ephraim, (N)ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi.
12 Bagaman (O)kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma`y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila!
13 Ang Ephraim, (P)gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay.
14 Bigyan mo sila, Oh Panginoon—anong iyong ibibigay? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso.
15 Lahat nilang kasamaan ay (Q)nasa Gilgal; sapagka't doo'y kinapootan ko sila; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa, akin silang palalayasin sa aking bahay; hindi ko na sila iibigin; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang.
16 Ang Ephraim ay nasaktan, ang kaniyang ugat ay natuyo, sila'y hindi mangagbubunga: oo, bagaman sila'y nanganak, gayon ma'y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata.
17 Itatakuwil sila ng aking Dios, sapagka't hindi nila dininig siya; at (R)sila'y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa.
Ang kasalanan ng Israel ay magbubunga ng pagkakahatihati.
10 Ang Israel ay isang mayabong na baging, na (S)nagbunga: ayon sa karamihan ng kaniyang bunga (T)kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay (U)nagsigawa sila ng mga mainam na haligi.
2 Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi.
3 Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin?
4 Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang.
5 Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa (V)mga guya ng (W)Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.
6 (X)Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob (Y)sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo.
7 Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig.
8 Ang mataas na dako naman ng (Z)Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; (AA)at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.
9 (AB)Oh Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa: doon sila nagsitayo; (AC)ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa.
10 Pagka siya kong nasa, ay aking parurusahan sila; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila, pagka sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang.
11 At ang Ephraim ay isang (AD)dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal.
12 (AE)Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; (AF)bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at (AG)magdala ng katuwiran sa inyo.
13 Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake.
14 Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni (AH)Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: (AI)ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.
15 Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan: sa pagbubukang liwayway, ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay.
Nananabik ang Panginoon sa naliligaw niyang bayan.
11 (AJ)Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at (AK)tinawag kong aking anak mula (AL)sa Egipto.
2 Lalo (AM)silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain (AN)sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.
3 Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim (AO)na lumakad; (AP)aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.
4 Akin silang pinatnubayan (AQ)ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.
5 Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; (AR)kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin.
6 At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, (AS)dahil sa kanilang sariling mga payo.
7 At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya.
8 (AT)Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? (AU)paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang (AV)Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.
9 Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: (AW)sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
10 Sila'y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka't (AX)siya'y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na (AY)mula sa kalunuran.
11 Sila'y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; (AZ)at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.
12 Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni't ang Juda'y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.
3 At sa anghel ng iglesia sa (A)Sardis ay isulat mo:
Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng (B)may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, (C)at ikaw ay patay.
2 Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka't wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios.
3 Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat (D)ay paririyan akong (E)gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.
4 Nguni't mayroon kang (F)ilang pangalan sa Sardis na hindi (G)nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad (H)na may mga damit na maputi; sapagka't sila'y karapatdapat.
5 (I)Ang magtagumpay (J)ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko (K)papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan (L)sa aklat ng buhay, at (M)ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at (N)sa harapan ng kaniyang mga anghel.
6 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
7 At (O)sa anghel ng iglesia sa (P)Filadelfia ay isulat mo:
Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong (Q)totoo, (R)niyaong may susi ni David, (S)niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:
8 Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.
9 Narito, ibinibigay ko (T)sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y (U)aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.
10 Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.
11 (V)Ako'y dumarating na madali: (W)panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang (X)iyong putong.
12 (Y)Ang magtagumpay, ay gagawin kong (Z)haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya (AA)ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang (AB)bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang (AC)aking sariling bagong pangalan.
13 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
14 At sa anghel ng iglesia sa (AD)Laodicea ay isulat mo:
Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng (AE)Siya (AF)Nawa, ng saksing tapat at totoo, (AG)ng pasimula ng paglalang ng Dios:
15 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit.
16 Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig.
17 Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad:
18 Ipinapayo ko sa iyo (AH)na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng (AI)mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.
19 Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway (AJ)at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at (AK)magsisi.
20 Narito ako'y nakatayo sa pintuan at (AL)tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, (AM)ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.
21 Ang magtagumpay, (AN)ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na (AO)nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.
22 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978