Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Mga Hebreo 1-2

Nagsalita ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Anak

Noong unang panahon, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga propeta sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan. Ngunit sa mga huling araw na ito, nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng Anak. Siya ang hinirang ng Diyos na maging tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya'y ginawa ng Diyos ang buong sanlibutan. Ang Anak ang maningning na sinag ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang kalikasan bilang Diyos. Siya ang nagpapanatili sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kaitaasan sa kanan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. Higit na mataas ang Anak kaysa mga anghel, kung paanong binigyan siya ng pangalang higit na mataas kaysa kanilang lahat.

Higit na Dakila ang Anak kaysa mga Anghel

Sinabi (A) ba ito ng Diyos kailanman kahit kaninong anghel,

“Ikaw ang aking Anak,
    naging Ama mo ako ngayon”?

o kaya nama'y,

“Ako'y magiging Ama niya,
    at siya'y magiging Anak ko”?

At muli, (B) nang kanyang isinugo sa daigdig ang kanyang panganay na Anak ay sinabi niya,

“Sumamba kayo sa kanya, kayong mga anghel ng Diyos.”

Tungkol (C) naman sa mga anghel ay sinabi niya,

“Ang mga anghel ay ginagawa niyang hangin,
    at ang kanyang mga lingkod ay ningas ng apoy.”

Ngunit, (D) tungkol naman sa Anak ay sinabi niya,

“Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanman;
    at ang setro ng katarunga'y ang setro ng iyong kaharian.
Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan ang kasamaan;
    kaya't ang Diyos, na iyong Diyos, ang humirang sa iyo na may langis ng kagalakang higit pa sa iyong mga kasamahan.”

10 Sinabi (E) rin niya,

“Ikaw, Panginoon, ang sa simula pa'y nagtatag ng sandigan ng sanlibutan,
    at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
11 Ang mga ito'y mawawalang lahat, ngunit mananatili ka kailanman.
    Maluluma silang lahat gaya ng kasuotan;
12 ibabalumbon mo silang parang balabal,
    at papalitan silang tulad ng kasuotan.
Ngunit ikaw ay hindi nagbabago,
    at hindi magwawakas ang mga taon mo.”

13 Kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa kahit sinong anghel,

“Maupo ka sa aking kanan,
    hanggang maipailalim ko sa iyong mga paa ang iyong mga kaaway.”

14 Hindi ba ang lahat ng anghel ay mga espiritung naglilingkod at sinugo upang tumulong sa mga magmamana ng kaligtasan?

Ang Dakilang Kaligtasan

Kung gayo'y dapat nating mas bigyang pansin ang mga bagay na narinig natin upang hindi tayo maligaw. Napatunayang totoo ang mensaheng ipinahayag ng mga anghel at sinumang lumabag dito ay tumanggap ng kaukulang parusa. Kaya paano tayo makakaiwas sa parusa kung ipagwawalang-bahala natin ang ganito kadakilang kaligtasan? Ang Panginoon ang nagpahayag nito noong una, at pinatunayan din sa atin ng mga nakarinig sa kanya. Lalo pa itong pinatunayan ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, ng mga kababalaghan at iba't ibang himala gayundin sa pamamagitan ng mga kaloob ng Banal na Espiritu, na ipinamahagi ayon sa kanyang kapasyahan.

Ang Nagpasimula ng Kaligtasan

Sapagkat hindi sa mga anghel ipinasakop ng Diyos ang sanlibutang darating, na siyang tinutukoy namin. Ngunit (F) may nagpatunay sa isang dako, na sinasabi,

“Ano ang tao upang siya'y iyong alalahanin?
    O ang anak ng tao upang siya'y iyong kalingain?
Siya'y ginawa mong mababa kaysa mga anghel nang sandaling panahon;
    siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan,
    at siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay.[a]
Ipinasakop mo ang lahat ng bagay sa kanyang mga paanan.”

Nang masakop niya ang bawat bagay, wala siyang iniwan na hindi niya nasasakop. Ngunit ngayon ay hindi pa natin nakikitang nasasakop niya ang lahat ng mga bagay, kundi nakikita natin si Jesus, na sa sandaling panahon ay ginawang mababa kaysa mga anghel, na dahil sa pagdurusa ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay maranasan niya ang kamatayan alang-alang sa lahat.

10 Sapagkat nararapat na ang Diyos na lumikha sa lahat at siyang patutunguhan ng lahat ng mga bagay ay nagdadala ng maraming anak tungo sa kaluwalhatian, at gawing sakdal ang tagapagtatag ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng mga pagdurusa. 11 Sapagkat iisa ang pinagmulan ng gumagawang banal at ng mga ginawang banal. Dahil dito'y hindi nahihiya si Jesus na tawagin silang mga kapatid. 12 Sinabi(G) niya,

“Ipahahayag ko sa aking mga kapatid ang iyong pangalan,
    aawitan kita ng mga himno sa gitna ng kapulungan.”

13 At (H) muli,

“Ilalagak ko ang aking pagtitiwala sa kanya.”

Sinabi din niya,

“Narito ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Diyos.”

14 Kaya, yamang nakikibahagi ang mga anak sa laman at dugo, at siya man ay nakibahagi rin sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kanyang mapuksa ang may kapangyarihan sa kamatayan, samakatuwid ay ang diyablo, 15 at mapalaya silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nasa ilalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila. 16 Sapagkat (I) maliwanag na hindi ang mga anghel ang kanyang tinutulungan, kundi ang mga nagmula sa binhi ni Abraham. 17 Kaya't kailangang siya ay maging kagaya ng kanyang mga kapatid sa lahat ng mga bagay, upang siya ay maging isang maawain at tapat na Kataas-taasang Pari sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang gumawa ng handog na pantubos sa mga kasalanan ng mga tao. 18 Palibhasa'y naranasan niyang tuksuhin, siya'y may kakayahang tumulong sa mga tinutukso.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.