Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Santiago 2-3

Babala Laban sa Pagtatangi ng Tao

Mga kapatid ko, dapat ay pantay-pantay ang tingin ninyo sa lahat ng tao habang pinanghahawakan ninyo ang pananampalataya sa ating maluwalhating Panginoong Jesu-Cristo. Halimbawang pumasok sa inyong pagtitipon ang isang taong may gintong singsing at may magandang kasuotan, at dumating din ang isang dukha na gusgusin ang damit, at binigyang-pansin ninyo ang nakadamit nang maganda at sinabi sa kanya, “Narito ang magandang upuan para sa iyo” at sa dukha ay inyo namang sinabi, “Tumayo ka riyan,” o kaya'y, “Diyan ka na lang maupo sa may paanan ko,” hindi ba nagtatangi na kayo at humahatol nang may masamang pag-iisip? Pakinggan ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at magmana ng kahariang kanyang ipinangako sa mga nagmamahal sa kanya? Ngunit hinahamak ninyo ang mga dukha. Hindi ba't ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa mga hukuman? Hindi ba't sila ang lumalapastangan sa marangal na pangalang itinawag sa inyo? Mabuti (A) ang inyong ginagawa kung tinutupad ninyo ang marangal na Kautusang mula sa ating Hari ayon sa Kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Ngunit kung nagtatangi kayo ng tao, kayo'y nagkakasala at ayon sa Kautusan, kayo'y napatunayang suwail kaya't dapat parusahan. 10 Sinumang tumutupad sa buong Kautusan, subalit lumalabag sa isang bahagi nito, ay nagkakasala sa buong Kautusan. 11 Sapagkat (B) ang Diyos na nagsabi, “Huwag kang mangalunya,” ay siya ring nagsabing, “Huwag kang papatay.” Kung hindi ka man nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, lumalabag ka rin sa Kautusan. 12 Kaya't mag-ingat kayo sa inyong pananalita at gawa, sapagkat hahatulan kayo ayon sa Kautusang nagpapalaya sa inyo. 13 Walang awang hahatulan ang mga hindi nagpakita ng awa. Ngunit ang habag ay magtatagumpay sa paghatol.

Pananampalataya at Gawa

14 Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin man ng isang tao na mayroon siyang pananampalataya, ngunit hindi naman ito nakikita sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? 15 Halimbawang ang isang kapatid ay walang maisuot at walang makain sa araw-araw, 16 at ang isa sa inyo ay magsabi sa kanya, “Pagpalain ka ng Diyos; magbihis ka't mabusog,” ngunit hindi naman ninyo ibinibigay ang mga kailangan ng kanyang katawan, ano'ng pakinabang niyon? 17 Gayundin naman, ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay. 18 Ngunit may magsasabi: Mayroon kang pananampalataya, at mayroon naman akong gawa. Ipakita mo sa akin ang pananampalataya mong walang kalakip na gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. 19 Sumasampalataya kang iisa ang Diyos? Mabuti! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya at nanginginig pa. 20 Nais mo ba ng katibayan, O taong hangal, na walang kabuluhan ang pananampalataya na walang kasamang gawa? 21 Hindi (C) ba't kinalugdan ng Diyos ang ating amang si Abraham dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak niyang si Isaac? 22 Dito'y makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at kanyang mga gawa, at naging ganap ang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. 23 Natupad (D) ang sinasabi ng Kasulatan, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring na matuwid,” at tinawag siyang kaibigan ng Diyos. 24 Dito ninyo makikita na ang tao'y itinuturing na matuwid dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa kanyang pananampalataya lamang. 25 Gayundin, (E) hindi ba't ang masamang babaing si Rahab[a] ay itinuring na matuwid dahil sa mga gawa, nang patuluyin niya ang mga espiya at nagturo ng ibang daan upang makatakas? 26 Sapagkat kung paanong ang katawang walang espiritu ay patay, ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay.

Ang Dila

Mga kapatid ko, huwag magnais maging guro ang marami sa inyo sapagkat alam ninyo na mas mahigpit ang gagawing paghatol sa ating mga nagtuturo. Sapagkat tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pagsasalita ay taong ganap at kayang rendahan ang kanyang sarili. Kapag nilagyan ng renda[b] ang bibig ng kabayo, ito'y napasusunod natin at napababaling saanman natin ibigin. Tingnan ninyo ang mga barko, bagama't malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, ito'y naibabaling sa pamamagitan ng napakaliit na timon saanman ibigin ng piloto. Ganyan din ang dila ng tao; napakaliit na bahagi ng katawan ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan. Isipin na lang ninyo na “gaano kalaking mga gubat ang napaglalagablab ng isang maliit na apoy!” Ang dila'y parang apoy, isang daigdig ng kasamaan na kasama ng ibang bahagi ng ating katawan. Pinarurumi nito ang ating buong pagkatao at tinutupok ang landas na tinatahak ng tao sa pamamagitan ng apoy mula sa impiyerno. Lahat ng uri ng ibon at hayop na lumalakad o gumagapang, at ng mga nilalang sa dagat ay napaaamo at napaamo na ng tao. Ngunit walang taong nakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng lasong nakakamatay. Dila (F) ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at dila din ang ginagamit natin sa panlalait sa ating kapwa na nilalang na kalarawan ng Diyos. 10 Sa iisang bibig lumalabas ang pagpupuri at panlalait. Hindi dapat mangyari ito, mga kapatid. 11 Maaari bang magmula sa iisang bukal ang tubig na matamis at ang tubig na mapait? 12 Mga kapatid, namumunga ba ng olibo ang puno ng igos? Mamumunga ba ng igos ang puno ng ubas? Bumubukal ba ng tubig-tabang ang balon ng maalat na tubig?

Karunungan Mula sa Itaas

13 Sino sa inyo ang marunong at may pang-unawa? Ipakita niya sa pamamagitan ng wastong pamumuhay ang mga gawa na bunga ng kaamuan at karunungan. 14 Ngunit kung nasa inyong puso ang inggit at makasariling hangarin, huwag ninyong ipagmalaki iyan at huwag ikaila ang katotohanan. 15 Ang ganyang karunungan ay hindi buhat sa langit kundi makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo. 16 Sapagkat saanman naroon ang inggit at makasariling hangarin, naroon din ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. 17 Ngunit ang karunungang buhat sa itaas, una'y malinis, saka mapagpayapa, banayad, maunawain, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang pagtatangi, walang pagkukunwari. 18 Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng mga nagtataguyod ng kapayapaan.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.