Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Corinto 2-3

At ako, mga kapatid, nang pumariyan sa inyo, ay (A)hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan, na nagbabalita sa inyo (B)ng patotoo ng Dios.

Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, (C)maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus.

At ako'y nakisama sa inyo (D)na may kahinaan, at may katakutan, at may lubhang panginginig.

At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi (E)sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan:

Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi (F)sa kapangyarihan ng Dios.

Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan (G)sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan (H)ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala:

Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, (I)yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin:

(J)Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't (K)kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang (L)Panginoon ng kaluwalhatian:

Datapuwa't gaya ng nasusulat,

(M)Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga,
Ni hindi pumasok sa puso ng tao,
Anomang mga bagay na (N)inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.

10 Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin (O)ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.

11 Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na (P)ng Espiritu ng Dios.

12 Nguni't (Q)ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios.

13 Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, (R)hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na (S)iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.

14 Nguni't ang (T)taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: (U)sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at (V)hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu.

15 Nguni't ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay, at siya'y hindi sinisiyasat ng sinoman.

16 Sapagka't (W)sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon, upang siya'y turuan niya? Datapuwa't (X)nasa atin ang pagiisip ni Cristo.

At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa (Y)espiritu, kundi tulad sa mga nasa (Z)laman, tulad sa (AA)mga sanggol kay Cristo.

Kinandili ko kayo ng (AB)gatas, at hindi ng lamang-kati; (AC)sapagka't kayo'y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya;

Sapagka't kayo'y mga sa laman pa: sapagka't samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at (AD)mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?

Sapagka't kung sinasabi ng isa, (AE)Ako'y kay Pablo; at ng iba, (AF)Ako'y kay Apolos; hindi baga kayo'y mga tao?

Ano nga si Apolos? at Ano si Pablo? (AG)Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawa't isa (AH)ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon (AI)sa kaniya.

Ako ang (AJ)nagtanim, (AK)si Apolos ang nagdilig; (AL)nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.

Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.

Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang (AM)bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.

Sapagka't (AN)tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, (AO)ang gusali ng Dios.

10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.

11 Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, (AP)na ito'y si Cristo Jesus.

12 Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;

13 Ang gawa (AQ)ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't (AR)ang araw (AS)ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon.

14 Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan.

15 Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, (AT)ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y (AU)tulad sa pamamagitan ng apoy.

16 Hindi baga ninyo nalalaman (AV)na kayo'y templo ng Dios, at (AW)ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?

17 Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.

18 Sinoma'y huwag (AX)magdaya sa kaniyang sarili. (AY)Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang (AZ)ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong.

19 Sapagka't ang (BA)karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, (BB)Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:

20 At muli, (BC)Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan.

21 Kaya't (BD)huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo.

22 Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si (BE)Cefas, kahit ang sanglibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit (BF)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; (BG)lahat ay sa inyo:

23 At (BH)kayo'y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978