Read the New Testament in 24 Weeks
3 Kung kayo nga'y (A)muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.
2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.
3 Sapagka't (B)kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.
4 Pagka si Cristo na (C)ating buhay ay mahayag, (D)ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya (E)sa kaluwalhatian.
5 (F)Patayin nga ninyo ang (G)inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, (H)pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, (I)na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan;
6 Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating (J)ang kagalitan ng Dios sa (K)mga anak ng pagsuway:
7 Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito;
8 Datapuwa't ngayon ay (L)inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: (M)galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, (N)mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:
9 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; (O)yamang hinubad na ninyo (P)ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,
10 At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon (Q)sa larawan niyaong lumalang sa kaniya:
11 Doo'y hindi maaaring magkaroon ng (R)Griego at ng Judio, ng (S)pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng laya; kundi si (T)Cristo ang lahat, at sa lahat.
12 Mangagbihis nga kayo (U)gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, (V)ng isang pusong mahabagin, ng (W)kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:
13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at (X)mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:
14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay (Y)mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.
15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, (Z)na diya'y tinawag din naman kayo (AA)sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.
16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa (AB)sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
17 At anomang inyong ginagawa, (AC)sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.
18 Mga babae, (AD)pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
19 Mga lalake, (AE)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.
20 Mga anak, (AF)magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod sa Panginoon.
21 Mga ama, (AG)huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
22 (AH)Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon:
23 Anomang inyong ginagawa, (AI)ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;
24 Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay (AJ)tatanggapin ninyo ang ganting (AK)mana; sapagka't naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo.
25 Sapagka't ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; (AL)at walang itinatanging mga tao.
4 Mga panginoon, (AM)gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid, at katampatan; yamang nalalaman ninyo na kayo naman ay mayroong ding isang Panginoon sa langit.
2 (AN)Manatili kayong palagi (AO)sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na (AP)may pagpapasalamat;
3 (AQ)Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain (AR)ang hiwaga ni Cristo, (AS)na dahil din dito'y may mga tanikala ako;
4 Upang ito'y aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain.
5 Magsilakad kayo na may karunungan (AT)sa nangasa labas, (AU)na inyong samantalahin ang panahon.
6 Ang inyong pananalita nawa'y (AV)laging may biyaya, (AW)na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.
7 (AX)Ang lahat na mga bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kasamang lingkod sa Panginoon:
8 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang maalaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso;
9 Na kasama ni (AY)Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magpapatalastas sa inyo ng lahat ng mga bagay na nangyayari dini.
10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan, at ni (AZ)Marcos na pinsan ni Bernabe (tungkol sa kaniya'y tinanggap na ninyo ang mga utos: kung paririyan siya sa inyo, ay inyong tanggapin),
11 At si Jesus na tinatawag na Justo, (BA)na pawang sa pagtutuli: ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios, mga taong naging kaaliwan ko.
12 Binabati kayo ni Epafras, (BB)na isa sa inyo, na lingkod ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo'y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Dios.
13 Sapagka't siya'y binibigyan kong patotoo na siya'y totoong nagpapagal sa inyo, at sa nangasa (BC)Laodicea, at sa nangasa Hierapolis.
14 Binabati kayo ni (BD)Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni (BE)Demas.
15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea, at si Nimfas, at (BF)ang iglesiang nasa kanilang bahay.
16 At pagkabasa (BG)ng sulat na ito sa inyo, ay ipabasa naman ninyo sa iglesia ng mga taga Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.
17 At sabihin ninyo kay (BH)Arquipo, Ingatan mong tuparin ang ministerio na tinanggap mo sa Panginoon.
18 Ang bating sinulat ng aking sariling kamay, (BI)akong si Pablo. Alalahanin ninyo ang (BJ)aking mga tanikala. (BK)Ang biyaya'y sumasainyo nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978