New Testament in a Year
25 At narito, may isang lalake sa Jerusalem, na nagngangalang Simeon; at ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan, (A)na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo.
26 At ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo, (B)na di niya makikita ang kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon.
27 At siya'y napasa templo (C)sa Espiritu: at nang ipasok sa templo ang sanggol na si Jesus ng kaniyang mga magulang, (D)upang sa kaniya'y magawa nila ang nauukol alinsunod sa kaugalian ng kautusan,
28 Ay tinanggap nga niya siya sa kaniyang mga bisig, at pinuri ang Dios, at nagsabi,
29 (E)Ngayo'y papanawin mo,
Panginoon, ang iyong alipin,
(F)Ayon sa iyong salita, sa kapayapaan,
30 Sapagka't (G)nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
31 (H)Na iyong inihanda sa unahan ng mukha ng lahat ng mga tao;
32 Isang ilaw upang ipahayag sa (I)mga Gentil,
At ang kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.
33 At ang kaniyang ama at ang kaniyang ina ay nagsisipanggilalas sa mga bagay na sinasabi tungkol sa kaniya;
34 At sila'y pinagpala ni Simeon, at sinabi sa kaniyang inang si Maria, Narito, ito (J)ay itinalaga sa (K)ikararapa at sa ikatitindig ng marami sa Israel; at pinakatandang tudlaan (L)ng pagsalangsang:
35 Oo at paglalampasanan ng (M)isang tabak ang iyong sariling kaluluwa; upang mangahayag ang mga pagiisip ng maraming puso.
36 At naroroon din naman si Ana, na isang propetisa, anak na babae ni Fanuel, sa angkan ni (N)Aser, (siya'y lubhang matanda na, at may pitong taong nakisama sa kaniyang asawa mula sa kaniyang kadalagahan,
37 At siya'y bao nang walongpu't apat na taon), na hindi humihiwalay sa templo, (O)at sumasamba sa gabi at araw sa pamamagitan ng mga (P)pagaayuno at mga pagdaing.
38 At pagdating niya sa oras ding yaon, siya'y nagpasalamat sa Dios, at nagsalita ng tungkol sa sanggol sa lahat ng (Q)nagsisipaghintay ng (R)katubusan sa Jerusalem.
39 At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan ng Panginoon, ay nangagbalik sila sa (S)Galilea, sa (T)kanilang sariling bayang Nazaret.
40 At lumalaki ang bata, at lumalakas, at napupuspos ng karunungan: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios.
41 At nagsisiparoon (U)taon-taon ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem (V)sa kapistahan ng paskua.
42 At nang siya'y may labindalawang taon na, ay nagsiahon sila ayon sa kaugalian ng kapistahan;
43 At nang kanilang maganap na (W)ang mga araw, sa pagbalik nila, ay naiwan ang batang si Jesus sa Jerusalem; at di nalalaman ng kaniyang mga magulang;
44 Ngunit sa pagaakala nilang siya'y nasa kasamahan, ay nagsiyaon sila nang isang araw na paglalakbay; at hinahanap nila siya sa mga kamaganak at mga kakilala;
45 At nang di nila siya matagpuan, ay nagsipagbalik sila sa Jerusalem, na hinahanap siya.
46 At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw, ay nangatagpuan nila siya sa templo, na nakaupo sa gitna ng mga (X)guro, na sila'y pinakikinggan, at sila'y tinatanong:
47 At ang lahat ng sa kaniya'y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot.
48 At nang siya'y mangakita nila, ay nangagtaka sila; at sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganyan? narito, ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis.
49 At sinabi niya sa kanila, Bakit ninyo ako hinahanap? di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng (Y)aking Ama.
50 At di nila naunawa ang pananalitang sa kanila'y sinabi.
51 At lumusong siyang kasama nila, at napasa (Z)Nazaret; at napasakop sa kanila: at (AA)iniingatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga pananalitang ito.
52 At lumalaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan, at (AB)sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978