M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang paglalakbay mula sa Cades hanggang sa Seir.
2 Nang magkagayo'y pumihit tayo, at lumakad tayo sa ilang na daang patungo sa Dagat na Mapula, (A)gaya ng sinalita sa akin ng Panginoon; at tayo'y (B)malaong lumigid sa bundok ng Seir.
2 At ang Panginoon ay nagsalita sa akin, na sinasabi,
3 Malaon na ninyong naligid ang bundok na ito: lumiko kayo sa dakong hilagaan.
4 At iutos mo sa bayan, na iyong sabihin, (C)Kayo'y dadaan sa hangganan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau, (D)na tumatahan sa Seir; at sila'y matatakot sa inyo. Magsipagingat nga kayong mabuti:
5 Huwag kayong makipagkaalit sa kanila; sapagka't hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain, kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa: sapagka't ibinigay ko kay Esau, na pinakaari ang bundok ng Seir.
6 Kayo'y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makakain; at kayo'y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makainom.
7 Sapagka't pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman.
8 Gayon tayo (E)nagdaan sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, mula sa daan ng Araba, mula sa (F)Elath at mula sa Esion-geber. At tayo'y bumalik at nagdaan sa ilang ng Moab.
9 At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong kaalitin ang Moab, ni kakalabanin sila sa digma; sapagka't hindi kita bibigyan sa kaniyang lupain ng pinakaari; sapagka't aking ibinigay na pinakaari ang (G)Ar sa (H)mga anak ni Lot.
10 ((I)Ang mga Emimeo ay nanahan doon noong una, bayang malaki, at marami, at matataas na gaya ng (J)mga Anaceo:
11 Ang mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim, na gaya ng mga Anaceo; nguni't tinatawag silang Emimeo ng mga Moabita.
12 (K)Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng (L)Israel sa lupaing kaniyang pagaari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)
13 Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At (M)tayo'y tumawid sa batis ng Zered.
14 At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, (N)hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.
15 Bukod dito'y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol.
Dumaan sa Ar at sa Arnon.
16 Kaya't nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma.
17 Ay sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi,
18 Ikaw ay dadaan sa araw na ito sa Ar, na hangganan ng Moab:
19 At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon, ay huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila: sapagka't hindi ko ibibigay sa iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon: (O)sapagka't aking ibinigay na pinakaari sa mga anak ni Lot.
20 (Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim: ang mga Rephaim ang tumatahan doon noong una; nguni't tinawag na mga (P)Zomzommeo ng mga Ammonita;
21 Bayang malaki at marami at matataas na gaya ng mga Anaceo; nguni't nilipol sila ng Panginoon sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila:
22 Gaya ng ginawa ng Panginoon sa mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, nang kaniyang lipulin (Q)ang mga Horeo sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila hanggang sa araw na ito:
23 At (R)ang mga Heveo na nangagsitahan sa mga nayon hanggang sa Gaza, ay nilipol ng (S)mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor, at tumahang kahalili nila.)
24 Magsitindig kayo, kayo'y maglakbay, at magdaan kayo (T)sa libis ng Arnon: narito, aking ibinigay sa iyong kamay si Sehon na Amorrheo, na hari sa Hesbon, at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin, at kalabanin mo siya sa digma.
25 (U)Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay sa mga bayang nangasa silong ng buong langit, ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo, na maririnig nila ang iyong kabantugan, at magsisipanginig, at mangahahapis, dahil sa iyo.
Nilupig ang Hesbon.
26 At ako'y nagsugo ng mga sugo mula sa ilang ng Cademoth kay Sehon na hari sa Hesbon (V)na may mapayapang pananalita, na sinasabi,
27 (W)Paraanin mo ako sa iyong lupain: sa daan lamang ako lalakad, hindi ako liliko maging sa kanan ni sa kaliwa.
28 Pagbibilhan mo ako ng pagkain sa salapi, upang makakain ako, at bibigyan mo ako ng tubig sa salapi, upang makainom ako; (X)paraanin mo lamang ako ng aking mga paa;
29 (Y)Gaya ng ginawa sa akin ng mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, at ng mga Moabita na tumatahan sa Ar; hanggang sa makatawid ako sa Jordan, sa lupaing sa amin ay ibinibigay ng Panginoon naming Dios.
30 Nguni't ayaw tayong paraanin ni (Z)Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa, at (AA)pinapagmatigas ang kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito.
31 At sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, aking pinasimulang ibigay sa harap mo si Sehon at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin upang iyong mamana ang kaniyang lupain.
32 Nang magkagayo'y (AB)lumabas si Sehon laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka sa Jahaz.
33 At ibinigay siya ng (AC)Panginoon nating Dios sa harap natin; at (AD)ating sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak at ang kaniyang buong bayan.
34 At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon, at (AE)ating lubos na nilipol ang bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata; wala tayong itinira:
35 Ang mga hayop lamang ang dinalang pinakasamsam, sangpu ng mga nasamsam sa mga bayan na ating sinakop.
36 (AF)Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon at mula sa bayan na nasa libis, hanggang sa Galaad, ay wala tayong minataas na bayan: (AG)ibinigay na lahat sa harap natin ng Panginoon nating Dios:
37 Sa lupain lamang ng mga anak ni Ammon hindi ka lumapit; sa buong pangpang ng ilog (AH)Jaboc at sa mga bayan ng lupaing maburol, at saan man na ipinagbawal sa atin ng Panginoon nating Dios.
Awit, Salmo ni Asaph.
83 Oh (A)Dios, huwag kang tumahimik:
Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
2 Sapagka't (B)narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
3 Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,
At nangagsanggunian (C)laban sa iyong nangakakubli.
4 Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang (D)ihiwalay sa pagkabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
5 Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon;
Laban sa iyo ay nangagtitipanan:
6 (E)Ang mga tolda ng Edom at ng mga (F)Ismaelita;
Ang Moab at ang mga (G)Agareno;
7 Ang (H)Gebal, at ang Ammon, at ang (I)Amalec;
Ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
8 Pati ng (J)Asiria ay nalalakip sa kanila;
(K)Kanilang tinulungan ang (L)mga anak ni Lot.
9 Gumawa ka sa kanila ng gaya (M)sa Madianita;
Gaya (N)kay Sisara, gaya kay Jabin, sa (O)ilog ng Cison:
10 Na nangamatay sa Endor; (P)Sila'y naging parang dumi sa lupa.
11 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya (Q)ni Oreb at ni Zeeb;
Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni (R)Zeba at ni Zalmuna;
12 Na siyang nagsipagsabi, (S)Kunin natin para sa atin na pinakaari
Ang mga tahanan ng Dios.
13 (T)Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok;
(U)Parang dayami sa harap ng hangin.
14 Parang apoy na sumusunog ng gubat,
At parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
15 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo,
At pangilabutin mo sila ng iyong unos.
16 (V)Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan;
Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;
Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 (W)Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na (X)ang pangalan ay JEHOVA,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.
84 Kay (Y)iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
2 (Z)Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko't laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
3 Oo, (AA)ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
4 (AB)Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang (AC)palagi. (Selah)
5 Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
6 Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
7 (AD)Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan,
Bawa't isa sa kanila ay (AE)napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
9 Masdan mo, (AF)Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng (AG)iyong pinahiran ng langis.
10 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11 Sapagka't ang Panginoong Dios (AH)ay araw at kalasag:
Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
(AI)Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12 Oh Panginoon ng mga hukbo,
(AJ)Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.
Ang kawalang kabuluhan ng pagtitiwala sa Egipto.
30 Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, (A)na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; (B)at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, (C)upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan;
2 Ang nagsisilakad (D)na nagsisilusong sa Egipto, at (E)hindi nangagtanong sa aking bibig; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon, at magsitiwala sa lilim ng Egipto!
3 Kaya't ang lakas ni Faraon (F)ay magiging inyong kahihiyan, at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito.
4 Sapagka't ang kaniyang mga pangulo ay nangasa Zoan, at ang kanilang mga sugo ay nagsidating sa Hanes.
5 (G)Silang lahat ay mangapapahiya dahil sa bayan na hindi nila mapapakinabangan, na hindi tulong o pakinabang man, kundi kahihiyan, at kakutyaan din naman.
6 (H)Ang hula tungkol sa (I)mga hayop ng Timugan.
Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan, na pinanggagalingan ng leong babae at lalake, (J)ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas, kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno, at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo, sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan.
7 Sapagka't ang Egipto ay tumulong na walang kabuluhan, at walang kapararakan: kaya't aking tinawag siyang Rahab na nauupong walang kibo.
8 Ngayo'y yumaon ka, (K)isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan.
9 Sapagka't (L)mapanghimagsik na bayan, mga sinungaling na anak, mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon:
10 Na nagsasabi sa mga (M)tagakita, (N)Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, (O)magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay:
11 Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin.
12 Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel, Sapagka't inyong hinamak ang salitang ito, at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan, at yaon ay inyong inaasahan:
13 Kaya't ang kasamaang ito ay magiging sa inyo'y (P)gaya ng batong sira na madaling mababagsak, na natatanggal sa isang matayog na pader, na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali.
14 At yao'y (Q)kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok, na nababasag na putolputol na walang matitira; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon, na maikukuha ng apoy mula sa apuyan, o maikakadlo ng tubig sa balon.
15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, (R)Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; (S)sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. (T)At hindi ninyo inibig.
16 Kundi inyong sinabi, Hindi, (U)sapagka't kami ay magsisitakas na mangangabayo: kaya kayo'y magsisitakas: at, Kami ay magsisisakay sa mga maliksi; kaya't silang magsisihabol sa inyo ay maliliksi.
17 Isang libo (V)ay tatakas sa saway ng isa; sa saway ng lima ay tatakas kayo: hanggang sa kayo'y maiwang parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok, at (W)gaya ng isang watawat sa isang burol.
Sa matiyagang paghihintay sa biyaya ng Panginoon lamang matatamo ang kasaganaan.
18 (X)At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't (Y)mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; (Z)mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya.
19 Sapagka't ang bayan ay (AA)tatahan sa Sion sa Jerusalem: ikaw ay hindi na iiyak pa; siya'y tunay na magiging mapagbiyaya sa iyo sa tinig ng iyong daing; pagka kaniyang maririnig, sasagutin ka niya.
20 At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng (AB)tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian, gayon may hindi na makukubli pa ang (AC)iyong mga tagapagturo, kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo:
21 At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa.
22 At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo: (AD)iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay: iyong sasabihin, Humayo ka.
23 At Siya ay magbibigay ng ulan sa iyong binhi, na iyong hahasikan ang lupa; at ng pagkaing bunga ng lupa, at magiging mataba at sagana. Sa araw na yaon ay manginginain ang iyong mga hayop sa mga malaking pastulan.
24 Ang mga baka at gayon din ang mga guyang asno na bumubukid ng lupa ay magsisikain ng may lasang pagkain, na pinahanginan ng pala at hunkoy.
25 At magkakaroon ng mga ilog at mga balon ng tubig (AE)sa lahat na mataas na bundok, at sa lahat na matayog na burol, sa araw ng malaking patayan, pagka ang mga moog ay nabubuwal.
26 Bukod dito'y (AF)ang liwanag ng buwan ay magiging gaya ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magpipito, na gaya ng liwanag ng pitong araw, sa araw na talian ng Panginoon ang sugat ng kaniyang bayan, at pagalingin ang bugbog na kanilang sugat.
27 Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:
28 At ang (AG)kaniyang hinga ay gaya ng (AH)umaapaw na ilog, na umaabot hanggang sa leeg, upang igigin ang mga bansa ng pangigig na pangsira; at isang paningkaw na nakapagpapaligaw (AI)ay malalagay sa mga panga ng mga bayan.
29 Kayo'y mangagkakaroon ng awit na gaya ng sa gabi pagka ang banal na kapistahan ay ipinagdidiwang; at kasayahan ng puso, na gaya ng yumayaon na (AJ)may plauta upang masok (AK)sa bundok ng Panginoon, (AL)sa malaking Bato ng Israel.
30 At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo,
31 Sapagka't sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang (AM)taga Asiria, na nananakit ng pamalo.
32 At bawa't hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa; at sa mga pakikipagbakang may (AN)pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila,
33 Sapagka't ang (AO)Topheth ay handa nang malaon; oo, sa ganang hari ay inihanda; kaniyang pinalalim at pinalaki: ang bunton niyaon ay apoy at maraming kahoy: ang hinga ng Panginoon na gaya ng bugso ng azufre, ay nagpapaningas ng apoy.
1 Si Judas, na (A)alipin ni Jesucristo, at kapatid ni (B)Santiago, sa mga (C)tinawag, na minamahal sa Dios Ama, at (D)iniingatang para kay Jesucristo:
2 Kaawaan at (E)kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin.
3 Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo (F)tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong (G)makipaglabang masikap dahil (H)sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal.
4 Sapagka't may ilang taong (I)nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, (J)na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang (K)Guro at Panginoong si Jesucristo.
5 Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo, bagama't nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas (L)ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay (M)nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya.
6 At (N)ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling (O)pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.
7 Gayon din ang (P)Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang (Q)laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata (R)ng parusang apoy na walang hanggan.
8 Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno.
9 Datapuwa't (S)ang arkanghel (T)Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo (U)tungkol sa katawan ni Moises, ay (V)hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, (W)Sawayin ka nawa ng Panginoon.
10 Datapuwa't (X)ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.
11 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni (Y)Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian (Z)ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang (AA)ni Core.
12 Ang mga ito'y pawang mga batong natatago (AB)sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; (AC)mga alapaap na walang tubig, na (AD)tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;
13 Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man.
14 At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na (AE)ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga (AF)laksalaksang banal,
15 Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat (AG)na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.
16 Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang (AH)kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), (AI)nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.
17 Nguni't kayo, mga minamahal, (AJ)ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo;
18 Kung paanong sinabi sa inyo, (AK)Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.
19 Ang mga ito (AL)ang nagsisigawa ng paghihiwalay, (AM)malalayaw, na (AN)walang taglay na Espiritu.
20 Nguni't kayo, mga minamahal, (AO)papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, (AP)na manalangin sa Espiritu Santo,
21 Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, (AQ)na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan.
22 At (AR)ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan;
23 At ang (AS)iba'y inyong iligtas, (AT)na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati (AU)ng damit na nadungisan ng laman.
24 Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y (AV)makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.
25 Sa (AW)iisang Dios na (AX)ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978