M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang pangako ng Dios kay Abram.
15 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, (A)Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong (B)kalasag, at ang iyong (C)ganting pala na lubhang dakila.
2 At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?
3 At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak (D)at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.
4 At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi (E)lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.
5 At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, (F)at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging (G)ganiyan ang iyong binhi.
6 (H)At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.
7 At sinabi sa kaniya, (I)Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.
8 At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, (J)paanong pagkakilala ko na aking mamanahin?
9 At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati.
10 At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at (K)pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; (L)datapuwa't hindi hinati ang mga ibon.
11 At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram.
12 At nang lulubog na ang araw, ay (M)nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.
13 At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, (N)na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod (O)sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.
14 At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: (P)at pagkatapos ay aalis silang may malaking pagaari.
15 (Q)Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa (R)iyong mga magulang; (S)at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.
16 At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: (T)sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga (U)Amorrheo.
17 At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.
18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay (V)nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, (W)Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.
19 Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo,
20 At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim,
21 At ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo.
14 Nang panahong yao'y narinig ni (A)Herodes na (B)tetrarka ang balita tungkol kay Jesus,
2 At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod, Ito'y si Juan Bautista; siya'y muling nagbangon sa mga patay; kaya't ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya.
3 Sapagka't (C)hinuli ni Herodes si Juan, at siya'y iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na (D)asawa ni Felipe na kaniyang kapatid.
4 Sapagka't sinabi ni Juan sa kaniya, Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya.
5 At nang ibig niyang ipapatay siya, ay (E)natakot siya sa karamihan, sapagka't siya'y kanilang ibinibilang na (F)propeta.
6 Datapuwa't nang dumating ang araw na kapanganakan kay Herodes, ay sumayaw sa gitna ang anak na babae ni Herodias, at kinalugdan ni Herodes.
7 Dahil dito'y kaniyang ipinangakong may sumpa na sa kaniya'y ibibigay ang anomang hingin niya.
8 At siya, na inudyukan ng kaniyang ina, ay nagsabi, Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.
9 At namanglaw ang hari; datapuwa't dahil sa kaniyang mga sumpa, at sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay ipinagutos niyang ibigay na sa kaniya;
10 At nagutos siya at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.
11 At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga: at dinala nito sa kaniyang ina.
12 At ang kaniyang mga alagad ay nagsiparoon, at kanilang binuhat ang bangkay, at kanilang inilibing; at sila'y nagsialis at isinaysay kay Jesus.
13 (G)Nang marinig nga ito ni Jesus, ay (H)lumigpit sila mula roon, sa isang daong na nasa isang dakong ilang na bukod: at nang mabalitaan ito ng mga karamihan, ay nangaglakad sila na sumunod sa kaniya mula sa mga bayan.
14 At siya'y lumabas, at nakita ang isang malaking karamihan, at (I)nahabag siya sa kanila, at pinagaling niya ang sa kanila'y mga may sakit.
15 At nang (J)nagtatakipsilim na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Ilang ang dakong ito, at lampas na sa panahon; paalisin mo na ang mga karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon, at sila'y mangakabili ng kanilang makakain.
16 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kailangang sila'y magsialis; bigyan ninyo sila ng makakain.
17 At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda.
18 At sinabi niya, Dalhin ninyo rito sa akin.
19 At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila'y magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, (K)at pagtingala sa langit, ay kaniyang (L)pinagpala, at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
20 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol, na labingdalawang (M)bakol na puno.
21 At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake, bukod pa ang mga babae at ang mga bata.
22 (N)At pagdaka'y pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong, at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo, hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan.
23 At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan, ay umahon siyang bukod (O)sa bundok upang manalangin: at nang gumabi na, ay siya'y nagiisa doon.
24 Datapuwa't ang daong ay nasa gitna na ng dagat, na hinahampas ng mga alon; sapagka't pasalungat sa hangin.
25 At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat.
26 At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot.
27 Datapuwa't pagdaka'y nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi, Laksan ninyo ang inyong loob; ako nga: (P)huwag kayong mangatakot.
28 At sumagot sa kaniya si Pedro, at nagsabi, Panginoon, kung ikaw nga, ay papariyanin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig.
29 At sinabi niya, Halika. At lumunsad si Pedro sa daong, at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus.
30 Datapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya, at nang siya'y malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, Panginoon, iligtas mo ako.
31 At pagdaka'y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya'y sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan?
32 At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin.
33 At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay (Q)na ikaw ang Anak ng Dios.
34 At nang makatawid na sila, ay narating nila ang lupa ng (R)Genezaret.
35 At nang siya'y makilala ng mga tao sa dakong yaon, ay nangagpabalita sila sa palibotlibot ng buong lupaing yaon, at sa kaniya'y dinala ang lahat ng mga may sakit;
36 At ipinamamanhik nila sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nangagsihipo ay (S)pawang nagsigaling.
Ang gawain ay tinuya ni Sanballat at ni Tobias.
4 Nguni't nangyari, (A)na nang mabalitaan ni Sanballat na aming itinayo ang kuta, siya'y naginit, at nagalit na mainam, at tinuya ang mga Judio.
2 At siya'y nagsalita sa harap ng kaniyang mga kapatid, at ng hukbo ng Samaria, at nagsabi, Anong ginagawa nitong mahihinang Judio? magpapakatibay ba sila? mangaghahain ba sila? wawakasan ba nila sa isang araw? kanila bang bubuhayin ang mga bato mula sa mga bunton ng dumi, dangang nangasunog na ang mga yaon?
3 Si Tobias nga na Ammonita ay nasa tabi niya, at sinabi niya, Bagaman sila'y nangagtatayo, (B)kung ang isang zorra ay sumampa, ibabagsak ang kanilang mga batong kuta.
4 (C)Dinggin mo, Oh aming Dios: sapagka't kami ay hinamak; at (D)ibalik mo ang kanilang pagdusta sa kanilang sariling ulo, at ibigay mo sila sa pagkasamsam sa isang lupain sa pagkabihag:
5 At (E)huwag mong ikubli ang kanilang kasamaan, at huwag mong pawiin ang kanilang kasalanan sa harap mo: sapagka't kanilang minungkahi ka sa galit sa harap ng mga manggagawa.
6 Sa gayo'y aming itinayo ang kuta; at ang buong kuta ay nahusay hanggang sa kalahatian ng taas niyaon: sapagka't ang bayan ay nagkaroon ng kaloobang gumawa.
Ang pagtutol ng mga kaaway.
7 Nguni't nangyari, na nang mabalitaan ni Sanballat, at ni Tobias, at ng mga taga (F)Arabia, at ng mga Ammonita, at ng mga Asdodita, na ipinatuloy ang paghuhusay ng mga kuta ng Jerusalem, at ang mga sira ay pinasimulang tinakpan, sila nga'y nangaginit na mainam;
8 At nagsipagbanta silang lahat na magkakasama upang magsiparoon, at magsilaban sa Jerusalem, at upang manggulo roon.
9 Nguni't kami ay nagsidalangin sa aming Dios, at naglagay ng bantay laban sa kanila araw at gabi, dahil sa kanila.
10 At ang Juda ay nagsabi, Nawalan ng lakas ang mga tagadala ng mga pasan, at may maraming dumi; na anopa't hindi kami makapagtayo ng kuta.
11 At sinabi ng aming mga kalaban: Sila'y hindi mangakakaalam, o mangakakakita man hanggang sa kami ay magsidating sa gitna nila, at patayin sila, at ipatigil ang gawain.
12 At nangyari, na nang magsidating ang mga Judio na nagsisitahan sa siping nila, sinabi nila sa aming makasangpu, mula sa lahat na dako: Kayo'y marapat magsibalik sa amin.
13 Kaya't inilagay ko sa mga pinakamababang dako ng pagitan ng likuran ng kuta, sa mga luwal na dako, sa makatuwid baga'y aking inilagay ang bayan ayon sa kanilang mga angkan, pati ng kanilang mga tabak, ng kanilang mga sibat, at ng kanilang mga busog.
14 At ako'y tumingin, at tumayo, at nagsabi sa mga mahal na tao, at sa mga pinuno, at sa nalabi sa bayan: Huwag kayong mangatakot sa kanila: inyong alalahanin ang Panginoon, na dakila at kakilakilabot, at ipakipaglaban ninyo ang inyong mga kapatid, ang inyong mga anak na lalake at babae, ang inyong mga asawa at ang inyong mga bahay.
Pagiingat ng mga manggagawa.
15 At nangyari, nang mabalitaan ng aming mga kaaway na naalaman namin, at iniuwi sa wala ng Dios ang kanilang payo, na kami na nagsibalik na lahat sa kuta, bawa't isa'y sa kaniyang gawa.
16 At nangyari, mula nang panahong yaon, na kalahati sa aking mga lingkod ay nagsigawa sa gawain, at kalahati sa kanila ay nagsisihawak ng mga (G)sibat, mga kalasag, at mga busog, at ng mga baluti; at ang mga pinuno ay nangasa likuran ng buong sangbahayan ng Juda.
17 Silang nangagtayo ng kuta, at silang nangagpapasan ng mga pasan ay nagsipagsakbat, bawa't isa'y may isa ng kaniyang mga kamay na iginagawa sa gawain, at may isa na inihahawak ng kaniyang sakbat;
18 At ang mga manggagawa, bawa't isa'y may kaniyang tabak na nakasabit sa kaniyang tagiliran, at gayon gumagawa. At ang nagpapatunog ng pakakak ay nasa siping ko.
19 (H)At sinabi ko sa mga mahal na tao at sa mga pinuno, at sa nalabi sa bayan: Ang gawain ay malaki at malaon, at tayo'y nangagkakahiwalay sa kuta, isa'y malayo sa isa:
20 Sa anomang dako na inyong marinig ang tunog ng pakakak, ay makipisan kayo sa amin; ipakikipaglaban tayo ng (I)ating Dios.
21 Ganito nagsigawa kami sa gawain: at kalahati sa kanila ay nagsisihawak ng mga sibat mula sa pagbubukang liwayway hanggang sa ang mga bituin ay magsilitaw.
22 Sinabi ko rin nang panahong yaon sa bayan: Magsitahan bawa't isa sa Jerusalem, na kasama ng kanikaniyang lingkod upang sa gabi ay maging bantay sila sa atin, at makagawa sa araw.
23 Sa gayo'y maging ako, ni ang aking mga kapatid man, ni ang aking mga lingkod man, ni ang mga lalake mang bantay na nagsisisunod sa akin, ay walang naghubad sa amin ng aming mga suot, na bawa't isa'y yumaon na may kaniyang sandata sa tubig.
14 At nangyari sa (A)Iconio na sila'y magkasamang nagsipasok (B)sa sinagoga ng mga Judio, at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa't nagsisampalataya ang lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego.
2 Datapuwa't (C)inudyukan ng mga Judiong suwail ang mga kaluluwa ng mga Gentil, at pinasama sila laban sa mga kapatid.
3 Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng buong katapangan sa Panginoon, na nagpapatotoo sa (D)salita ng kaniyang biyaya, na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan.
4 Datapuwa't nagkabahabahagi ang karamihan sa bayan; at ang isang bahagi'y nakisama sa mga Judio, at ang ibang bahagi'y nakisama sa mga (E)apostol.
5 At nang gawin ang pagdaluhong ng mga Gentil at ng mga Judio naman na kasama ang kanilang mga pinuno, upang sila'y halayin at batuhin,
6 At sa pagkaalam nila nito, ay (F)nagsitakas na patungo sa mga bayan ng Licaonia, (G)Listra at Derbe, at sa palibotlibot ng lupain:
7 At doon nila ipinangaral ang evangelio.
8 At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y (H)walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.
9 Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya (I)upang mapagaling,
10 Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. (J)At siya'y lumukso at lumakad.
11 At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, (K)Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao.
12 At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita.
13 At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.
14 Datapuwa't nang marinig ito (L)ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay (M)hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw
15 At nagsisipagsabi, Mga ginoo, (N)bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong (O)walang kabuluhan ay magsibalik kayo (P)sa Dios na buhay, (Q)na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:
16 Na nang mga panahong nakaraan (R)ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan.
17 At gayon man ay (S)hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili, na gumawa ng mabuti (T)at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana, na pinupuno ang inyong mga puso ng (U)pagkain at ng katuwaan.
18 At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.
19 Datapuwa't (V)nagsirating ang mga Judiong buhat sa (W)Antioquia at (X)Iconio: at nang mahikayat nila ang mga karamihan, (Y)ay kanilang pinagbabato si Pablo, at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan, na inaakalang siya'y patay na.
20 Datapuwa't samantalang ang mga alagad ay nangakatayo sa paligid niya, ay nagtindig siya, at pumasok sa bayan: at nang kinabukasa'y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa (Z)Derbe.
21 At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa Antioquia,
22 Na (AA)pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian (AB)ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.
23 At nang makapaglagay na sa kanila ng (AC)mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.
24 At kanilang tinahak ang (AD)Pisidia, at nagsiparoon sa Pamfilia.
25 At nang masalita na nila ang salita sa Perga, ay nagsilusong sila sa Atalia;
26 At buhat doo'y nagsilayag sila sa (AE)Antioquia, na doo'y ipinagtagubilin sila sa (AF)biyaya ng Dios dahil sa gawang kanilang natapos na.
27 At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, (AG)at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.
28 At nangatira silang hindi kakaunting panahon na kasama ng mga alagad.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978