Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Mga Hari 24

Si Joacim ay sakop ng Babilonia.

24 Nang (A)kaniyang mga kaarawan ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at si Joacim ay naging kaniyang alipin na (B)tatlong taon: nang magkagayo'y bumalik siya at nanghimagsik laban sa kaniya.

(C)At ang Panginoon ay nagsugo laban sa kaniya ng mga pulutong ng mga Caldeo, at ng mga pulutong ng mga taga Siria, at ng mga pulutong ng mga Moabita, at ng mga pulutong ng mga anak ni Ammon, at sinugo sila laban sa Juda upang lipulin (D)ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta.

Tunay na sa utos ng Panginoon ay dumating ito sa Juda, upang alisin sila sa kaniyang paningin, (E)dahil sa mga kasalanan ni Manases, ayon sa lahat niyang ginawa.

(F)At dahil naman sa walang salang dugo na kaniyang ibinubo; sapagka't kaniyang pinuno ang Jerusalem ng walang salang dugo: at hindi pinatawad ng Panginoon.

(G)Ang iba nga sa mga gawa ni Joacim, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda.

Sa gayo'y natulog si Joacim na kasama ng kaniyang mga magulang: at si Joachin na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

At ang hari sa Egipto ay (H)hindi na bumalik pa mula sa kaniyang lupain: sapagka't sinakop (I)ng hari ng Babilonia, mula sa batis ng Egipto hanggang sa ilog Eufrates, lahat na nauukol sa hari sa Egipto.

Si Joachin ay naghari.

Si (J)Joachin ay may labing walong taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y naghari sa Jerusalem na tatlong buwan: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Neusta na anak na babae ni Elnathan na taga Jerusalem.

At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama.

10 Nang panahong yao'y ang mga lingkod ni Nabucodonosor, na hari sa Babilonia ay nagsiahon sa Jerusalem, at ang bayan ay nakubkob.

11 At si Nabucodonosor, na hari sa Babilonia ay naparoon sa bayan, samantalang ang kaniyang mga lingkod ay nangakukulong.

12 (K)At nilabas ni Joachin na hari sa Juda ang hari sa Babilonia, niya, at ng kaniyang ina, at ng kaniyang mga lingkod, at ng kaniyang mga prinsipe, at ng kaniyang mga pinuno: at kinuha siya ng hari ng Babilonia sa ikawalong taon ng kaniyang (L)paghahari.

13 (M)At dinala niya mula roon ang lahat na kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari, at (N)pinagputolputol ang lahat na kasangkapang ginto na ginawa ng haring (O)Salomon sa templo ng Panginoon, (P)gaya ng sinabi ng Panginoon.

14 At kaniyang dinala ang buong Jerusalem, at ang lahat na prinsipe, at ang lahat na makapangyarihang lalake na may tapang, (Q)sa makatuwid baga'y sangpung libong bihag, at ang lahat na manggagawa at mangbabakal; walang nalabi liban sa (R)mga pinakadukha sa bayan ng lupain.

15 At (S)dinala niya si Joachin sa Babilonia; at ang ina ng hari, at ang mga asawa ng hari, at ang kaniyang mga pinuno, at ang mga pinakamahal sa lupain, ay dinala niya sa pagkabihag sa Babilonia mula sa Jerusalem.

16 At ang lahat na makapangyarihang lalake na pitong libo, at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal na isang libo, lahat na sa kanila ay malakas at matalino sa pakikipagdigma, ay pinagdadalang bihag sa Babilonia ng hari.

17 (T)At ginawa ng hari sa Babilonia na hari si Matanias (U)na kapatid ng ama ni Joachin na kahalili niya, at (V)binago ang kaniyang pangalan ng Sedecias.

18 (W)Si Sedecias ay may dalawangpu't isang taon nang magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay (X)Amutal na anak ni Jeremias na taga Libna.

19 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni Joachin.

20 Sapagka't sa pamamagitan ng galit ng Panginoon ay nangyari sa Jerusalem at sa Juda, hanggang sa kaniyang itinaboy sila sa kaniyang harap: at si (Y)Sedecias ay nanghimagsik laban sa hari sa Babilonia.

Mga Hebreo 6

Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi (A)sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios,

Ng aral (B)na tungkol sa mga paglilinis, (C)at ng pagpapatong ng mga kamay, (D)at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, (E)at ng paghuhukom na walang hanggan.

At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios.

Sapagka't tungkol sa mga minsang (F)naliwanagan at nakalasap (G)ng kaloob ng kalangitan, at mga (H)nakabahagi ng Espiritu Santo,

At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan (I)ng panahong darating,

At saka nahiwalay sa Dios ay (J)di maaaring baguhin silang muli (K)sa pagsisisi; (L)yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.

Sapagka't ang lupang (M)humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios:

Datapuwa't (N)kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.

Nguni't, mga minamahal, naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo, at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas, bagama't kami ay nagsasalita ng ganito:

10 Sapagka't ang (O)Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong (P)paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo.

11 At ninanasa namin na ang (Q)bawa't isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan:

12 Na huwag kayong (R)mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana (S)ng mga pangako.

13 Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay (T)ipinanumpa ang kaniyang sarili,

14 Na sinasabi, (U)Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita.

15 At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.

16 Sapagka't ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas: at sa bawa't pagtatalo nila'y (V)ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan.

17 Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga (W)tagapagmana ng pangako (X)ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa;

18 Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y (Y)di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:

19 Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag (Z)at pumapasok sa nasa loob ng (AA)tabing;

20 Na doo'y (AB)pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, (AC)na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

Joel 3

Ang mga bansa ay hahatulan. Ang Juda ay ililigtas.

Sapagka't, narito, (A)sa mga kaarawang yaon, at sa panahong yaon, pagka aking ibabalik ang mangabihag sa Juda at Jerusalem.

(B)Aking pipisanin ang lahat na bansa, at aking ibababa sila (C)sa libis ni Josaphat; at ako'y makikipagtanggol sa kanila (D)roon dahil sa aking bayan at dahil sa aking manang Israel, na kanilang pinangalat sa mga bansa, at binahagi ang aking lupain,

At (E)kanilang pinagsapalaran ang aking bayan, at kanilang ibinigay ang isang batang lalake dahil sa isang patutot, at ipinagbili ang isang batang babae dahil sa alak, upang sila'y mangakainom.

Oo, at ano kayo sa akin. Oh (F)Tiro, at Sidon, at buong lupain ng Filistia? gagantihin baga ninyo ako? at kung ako'y inyong gantihin, maliksi at madali na aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo.

Yamang (G)inyong kinuha ang aking pilak at aking ginto, at inyong dinala sa inyong mga templo ang aking mainam at maligayang mga bagay,

At ipinagbili ang mga anak ng Juda at ang mga anak ng Jerusalem ay inyong ipinagbili sa mga anak ng mga taga Grecia, upang inyong mailayo sa kanilang hangganan;

Narito, aking pasisiglahin sila sa dako na inyong pinagbilhan sa kanila, at aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo;

At aking ipagbibili ang inyong mga anak na lalake at babae sa kamay ng mga anak ni Juda, at ipagbibili nila sila sa mga tao sa Seba, sa isang bansang malayo: sapagka't sinalita ng Panginoon.

Itanyag ninyo ito sa mga bansa: mangaghanda kayo ng digma; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma, sila'y magsisampa.

10 Gawin ninyong mga (H)tabak ang inyong mga sudsod, at mga sibat ang inyong mga karit: magsabi ang mahina, Ako'y malakas.

11 Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon.

12 Magpakasigla ang mga bansa, at magsisampa sa (I)libis ni Josaphat; sapagka't doo'y uupo ako upang (J)hatulan ang lahat na bansa sa palibot.

13 Gamitin ninyo ang karit; (K)sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't (L)ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki.

14 Mga karamihan, mga karamihan (M)sa libis ng pasiya! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya.

15 (N)Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap.

16 At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.

17 (O)Sa gayo'y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios, na tumatahan sa Sion, na aking banal na (P)bundok: kung magkagayo'y magiging banal ang Jerusalem, at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga (Q)taga ibang lupa.

18 At mangyayari sa araw na yaon, na ang mga bundok ay (R)tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay aagusan ng gatas, at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig; at isang bukal ay (S)babalong sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng (T)Sittim.

19 Ang Egipto ay masisira, at ang (U)Edom ay magiging ilang na sira, dahil sa karahasang ginawa sa mga anak ni Juda, sapagka't sila'y nagbubo ng walang salang dugo sa kanilang lupain.

20 Nguni't ang Juda'y tatahan magpakailan man, at ang Jerusalem ay sa sali't saling lahi.

21 At aking lilinisin ang kanilang dugo na hindi ko nilinis: sapagka't ang Panginoon ay tumatahan sa Sion.

Mga Awit 143

Panalangin upang iligtas at akayin. Awit ni David.

143 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:
Sa iyong pagtatapat ay (A)sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
(B)At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;
Sapagka't sa iyong paningin ay (C)walang taong may buhay na aariing ganap.
Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;
Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:
Kaniyang pinatahan ako (D)sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;
Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
(E)Aking naaalaala ang mga araw ng una;
Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:
Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
(F)Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:
(G)Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay:
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob (H)sa kinaumagahan;
Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:
(I)Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 (J)Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka't ikaw ay aking Dios:
(K)Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako (L)sa lupain ng katuwiran.
11 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, (M)dahil sa iyong pangalan:
Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
12 At sa iyong kagandahang-loob ay (N)ihiwalay mo ang aking mga kaaway,
At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;
Sapagka't (O)ako'y iyong lingkod.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978