M’Cheyne Bible Reading Plan
Si Jacob sa Mahanaim.
32 At ipinagpatuloy ni Jacob ang kaniyang paglakad, at sinalubong siya ng mga anghel ng Dios.
2 At sinabi ni Jacob nang makita niya sila, (A)Ito'y hukbo ng Dios: at tinawag niya ang pangalan ng dakong yaon na Mahanaim.
Ang takot ni Jacob kay Esau.
3 At si Jacob ay nagpasugo sa unahan niya kay Esau, na kaniyang kapatid sa lupain ng Seir, na (B)parang ng Edom.
4 At inutusan niya sila, na sinasabi, Ganito ninyo sabihin sa aking panginoong kay Esau, Ganito ang sabi ng iyong lingkod na si Jacob, Dumoon ako kay Laban at ako'y natira roon hanggang ngayon.
5 At mayroon akong mga baka, at mga asno, at mga kawan, at mga aliping lalake at babae: at ako'y nagpasugo upang magbigay alam sa aking panginoon, (C)upang makasumpong ng biyaya sa iyong paningin.
6 At ang mga sugo ay nagsipagbalik kay Jacob, na nagsipagsabi, Dumating kami sa iyong kapatid na kay Esau, (D)at siya rin naman ay sumasalubong sa iyo, at apat na raang tao ang kasama niya.
7 Nang magkagayo'y natakot na mainam si Jacob at (E)nahapis at kaniyang binahagi ang bayang kasama niya, at ang mga kawan, at ang mga bakahan, at ang mga kamelyo ng dalawang pulutong.
8 At kaniyang sinabi, Kung dumating si Esau sa isang pulutong, at kaniyang saktan, ang pulutong ngang natitira ay tatanan.
9 (F)At sinabi ni Jacob, Oh (G)Dios ng aking amang si Abraham, at Dios ng aking amang si Isaac, Oh Panginoon, (H)na nagsabi sa akin, Magbalik ka sa iyong lupain at sa iyong kamaganakan, at gagawan kita ng magaling:
10 Hindi ako marapat sa kababababaan ng lahat ng kaawaan, at ng buong katotohanan na iyong ipinakita sa iyong lingkod: sapagka't dala ko ang aking tungkod, na dinaanan ko ang Jordang ito; at ngayo'y naging dalawang pulutong ako.
11 Iligtas mo ako, ipinamamanhik ko sa iyo, sa kamay ng aking kapatid, sa kamay ni Esau; sapagka't ako'y (I)natatakot sa kaniya, baka siya'y dumating at ako'y saktan niya, ang ina pati ng mga anak.
12 (J)At ikaw ang nagsabi, Tunay na ikaw ay gagawan ko ng magaling, at gagawin ko ang iyong binhi na parang buhangin sa dagat, na hindi mabibilang dahil sa karamihan.
13 At siya'y nagparaan doon ng gabing yaon; at kumuha ng mayroon siya na (K)ipagkakaloob kay Esau na kaniyang kapatid;
14 Dalawang daang kambing na babae, at dalawang pung lalaking kambing; dalawang daang tupang babae, at dalawang pung tupang lalake,
15 Tatlong pung kamelyong inahin na pati ng kanilang mga anak; apat na pung baka at sangpung toro, dalawang pung asna at sangpung anak ng mga yaon.
16 At ipinagbibigay sa kamay ng kaniyang mga bataan, bawa't kawan ay bukod; at sinabi sa kaniyang mga bataan, Lumagpas kayo sa unahan ko, at iiwanan ninyo ng isang pagitan ang bawa't kawan.
17 At iniutos sa una, na sinasabi, Pagka ikaw ay nasumpungan ni Esau na aking kapatid, at ikaw ay tinanong na sinasabi, Kanino ka? at saan ka paroroon? at kanino itong nangasa unahan mo.
18 Kung magkagayo'y sasabihin mo, Sa iyong lingkod na kay Jacob; isang kaloob nga, na padala sa aking panginoong kay Esau: at, narito, siya'y nasa hulihan din naman namin.
19 At iniutos din sa ikalawa, at sa ikatlo, at sa lahat ng sumusunod sa mga kawan, na sinasabi, Sa ganitong paraan sasalitain ninyo kay Esau, pagkasumpong ninyo sa kaniya;
20 At sasabihin ninyo, Saka, narito, ang iyong lingkod na si Jacob, ay nasa hulihan namin, sapagka't kaniyang sinabi, Paglulubagin ko ang kaniyang galit sa pamamagitan ng kaloob na sumasaunahan ko, at pagkatapos ay makikita ko ang kaniyang mukha; marahil ay tatanggapin niya ako.
21 Gayon isinaunahan niya ang mga kaloob; at siya'y natira ng gabing yaon sa pulutong.
Siya'y nakipagtunggali sa anghel.
22 At siya'y bumangon ng gabing yaon, at isinama niya ang kaniyang dalawang asawa, at ang kaniyang dalawang alilang babae, at ang kaniyang labing isang anak at (L)tumawid sa tawiran ng Jaboc.
23 At sila'y kaniyang isinama at itinawid sa batis, at kaniyang itinawid ang kaniyang tinatangkilik.
24 At naiwang magisa si Jacob: (M)at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway.
25 At nang makita nitong siya'y hindi manaig sa kaniya ay hinipo ang kasukasuan ng hita niya; at ang kasukasuan ni Jacob ay sinaktan samantalang nakikipagbuno sa kaniya.
26 At sinabi, Bitawan mo ako, sapagka't nagbubukang liwayway na. At kaniyang sinabi, (N)Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan.
27 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang pangalan mo? At kaniyang sinabi, Jacob.
28 At sinabi niya, (O)Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel;[a] sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi (P)sa Dios at (Q)sa mga tao, at ikaw ay nanaig.
29 At siya'y tinanong ni Jacob, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyong sabihin mo sa akin ang iyong pangalan. At kaniyang sinabi, (R)Bakit nagtatanong ka ng aking pangalan? At siya'y binasbasan doon.
30 At tinawag ni Jacob ang pangalan ng dakong yaon na Peniel; (S)sapagka't aniya'y nakita ko ang Dios ng mukhaan, at naligtas ang aking buhay.
31 At sinikatan siya ng araw ng siya'y nagdadaan sa Penuel; at siya'y napipilay sa hita niya.
32 Kaya't hindi kumakain ang mga anak ni Israel ng litid ng balakang na nasa kasukasuan ng hita, hanggang ngayon: sapagka't hinipo ng taong yaon ang kasukasuan ng hita ni Jacob, sa litid ng pigi.
3 At siya'y (A)muling pumasok (B)sa sinagoga; at doo'y may isang lalake na tuyo ang kaniyang kamay.
2 At siya'y inaabangan nila kung pagagalingin siya sa araw ng sabbath; upang siya'y maisakdal nila.
3 At sinabi sa lalaking tuyo ang kamay, Magtindig ka.
4 At sinabi niya sa kanila, Katuwiran baga ang gumawa ng magaling sa araw ng sabbath, o ang gumawa ng masama? magligtas ng isang buhay, o pumatay? Datapuwa't sila'y hindi nagsiimik.
5 At nang siya'y lumingap sa kanila sa palibotlibot na may galit, sapagka't ikinalungkot niya ang katigasan ng kanilang puso, ay sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya: at gumaling ang kaniyang kamay.
6 At nagsilabas ang mga Fariseo, at pagdaka'y nakipagsanggunian sa (C)mga Herodiano laban sa kaniya, kung paanong siya'y maipapupuksa nila.
7 (D)At si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad ay lumigpit sa dagat: at nagsisunod sa kaniya ang (E)lubhang karamihang taong mula sa Galilea; at mula sa Judea,
8 At mula sa Jerusalem, at mula sa (F)Idumea, at mula sa dakong ibayo ng Jordan, at sa palibotlibot ng (G)Tiro, at Sidon, na lubhang maraming tao, nang mabalitaan ang lubhang mga dakilang bagay na kaniyang ginagawa, ay nagsiparoon sa kaniya.
9 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na ihanda sa kaniya ang isang maliit na daong dahil sa karamihan, baka siya'y kanilang siksikin:
10 Sapagka't siya'y nakapagpagaling sa marami; ano pa't sinisiksik siya ng lahat ng mga nasasalot upang siya'y mahipo nila.
11 At ang mga karumaldumal na espiritu, pagkakita sa kaniya, ay nangagpatirapa sa kaniyang harapan, at nangagsisisigaw, na nangagsasabi, Ikaw ang Anak ng Dios.
12 At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit (H)na siya'y huwag nilang ihayag.
13 At siya'y umahon sa bundok, (I)at tinawag niya ang balang kaniyang maibigan: at nagsilapit sila sa kaniya.
14 At naghalal siya ng labingdalawa, upang sila'y makisama sa kaniya, at upang sila'y suguin niyang magsipangaral,
15 At magkaroon ng kapamahalaang magpalayas ng mga demonio:
16 At (J)si Simon ay kaniyang pinamagatang Pedro;
17 At si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kapatid ni Santiago; at sila'y pinamagatan niyang (K)Boanerges, na sa makatuwid baga'y mga Anak ng kulog:
18 At si Andres, at si Felipe, at si Bartolome, at si Mateo, at si Tomas, at si Santiago, na anak ni Alfeo, at si Tadeo, at si Simon ang Cananeo,
19 At si Judas Iscariote, na siya ring nagkanulo sa kaniya. At pumasok siya sa isang bahay.
20 At muling nagkatipon ang karamihan, (L)ano pa't sila'y hindi man lamang makakain ng tinapay.
21 At nang mabalitaan yaon (M)ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya'y hulihin: (N)sapagka't kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait.
22 At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem, (O)Nasa kaniya si Beelzebub, at, Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.
23 At sila'y kaniyang pinalapit sa kaniya, at sinabi (P)sa kanila sa mga talinghaga, Paanong mapalalabas ni Satanas si Satanas?
24 At kung ang isang kaharian ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili, hindi mangyayaring makapanatili ang kaharian yaon.
25 At kung ang isang bahay ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili, ay hindi mangyayaring makapanatili ang bahay na yaon.
26 At kung manghihimagsik si Satanas laban sa kaniyang sarili, at magkabahabahagi, hindi siya makapanananatili, kundi magkakaroon ng isang wakas.
27 Datapuwa't walang makapapasok sa bahay ng malakas na tao, at samsamin ang kaniyang mga pagaari, malibang gapusin muna niya ang malakas na tao; at kung magkagayo'y masasamsaman ang kaniyang bahay.
28 (Q)Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ipatatawad ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa mga anak ng mga tao, at ang mga kapusungan nila kailan ma't sila'y mangagsasalita ng kapusungan:
29 Datapuwa't sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan:
30 Sapagka't sinabi nila, Siya'y may isang karumaldumal na espiritu.
31 At (R)dumating nga ang kaniyang ina at ang (S)kaniyang mga kapatid; at, palibhasa'y nangakatayo sila sa labas, ay nangagpasugo sila sa kaniya, na siya'y tinatawag.
32 At nangakaupo ang isang karamihan sa palibot niya; at sinabi nila sa kaniya, Narito, nangasa labas ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na hinahanap ka.
33 At sinagot niya sila, at sinabi, Sino ang aking ina at aking mga kapatid?
34 At paglingap niya sa nangakaupo sa palibot niya, ay sinabi niya, Narito, ang aking ina at aking mga kapatid!
35 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng Dios, ito'y ang aking kapatid na lalake, at aking kapatid na babae, at ina.
Si Mardocheo ay itinaas.
8 Nang araw na yaon ay ibinigay ng haring Assuero ang bahay ni Aman na kaaway ng mga Judio kay Esther na reina. At si Mardocheo ay naparoon sa harap ng hari; sapagka't isinaysay ni Esther (A)kung ano niya siya.
2 At hinubad ng hari ang (B)kaniyang singsing na hinubad niya kay Aman, at ibinigay kay Mardocheo. At inilagay ni Esther si Mardocheo sa bahay ni Aman.
Ang hiling ni Esther.
3 At si Esther ay nagsalita pa uli sa harap ng hari, at nagpatirapa sa kaniyang mga paa, at ipinamanhik sa kaniya na may luha, na pawiin ang kasamaan ni Aman na Agageo, at ang kaniyang banta na kaniyang ibinanta sa mga Judio.
4 (C)Nang magkagayo'y inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro. Sa gayo'y tumindig si Esther, at tumayo sa harap ng hari.
5 At sinabi niya, Kung kinalulugdan ng hari at kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa kaniyang paningin, at ang bagay ay inaakalang matuwid sa harap ng hari, at ako'y nakalulugod sa kaniyang mga mata, masulat na tiwaliin ang mga sulat na ibinanta ni Aman na anak ni Amedata, na Agageo, na kaniyang sinulat upang lipulin ang mga Judio na nangasa lahat na lalawigan ng hari:
6 Sapagka't paanong ako'y makapagtitiis na makita ang kasamaan na darating sa aking bayan? o paanong ako'y makapagtitiis na makita ang paglipol sa aking kamaganakan?
7 Nang magkagayo'y sinabi ng haring Assuero kay Esther na reina, at kay Mardocheo na Judio: (D)Narito, ibinigay ko kay Esther ang bahay ni Aman, at siya ang kanilang binitay sa bibitayan, sapagka't siya'y nagbuhat ng kaniyang kamay sa mga Judio.
8 Sumulat naman kayo sa mga Judio, kung anong maibigan ninyo (E)sa pangalan ng hari, at tatakan ninyo ng singsing ng hari: sapagka't ang sulat na nasusulat sa pangalan ng hari, at natatakan ng singsing ng hari (F)ay walang taong makatitiwali.
9 (G)Nang magkagayo'y tinawag ang mga kalihim ng hari ng panahong yaon, sa ikatlong buwan, na siyang buwan ng Sivan, nang ikadalawang pu't tatlo niyaon; at nasulat ayon sa lahat na iniutos ni Mardocheo sa mga Judio at sa mga (H)satrapa, at sa mga tagapamahala at mga prinsipe ng mga lalawigan na nandoon (I)mula sa India hanggang sa Etiopia, na isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan, sa bawa't lalawigan ayon sa sulat niyaon, at sa bawa't bayan ayon sa wika nila, at sa mga Judio ayon sa sulat nila, at ayon sa wika nila.
10 (J)At kaniyang sinulat sa pangalan ng haring Assuero, at tinatakan ng singsing ng hari, at nagpadala ng mga sulat sa pamamagitan ng mga sugo na nagsisipangabayo na nangakasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari, at sa mga batang dromedario;
11 Na pinagkakalooban ng hari ang mga Judio na nangasa bawa't bayan, na magpipisan, at ipagsanggalang ang kanilang buhay, upang magpahamak, pumatay, at magpalipol, sa buong kapangyarihan ng bayan at lalawigan na loloob sa kanila, (K)sa kanilang mga bata at mga babae, at kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli,
12 (L)Sa isang araw sa lahat na lalawigan ng haring Assuero, nang ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan, na siyang buwan ng Adar.
13 (M)Isang salin ng sulat na ang pasiya'y ihayag sa bawa't lalawigan, ay nahayag sa lahat ng mga bayan, at upang ang mga Judio ay magsihanda sa araw na yaon na magsipanghiganti sa kanilang mga kaaway.
14 Sa gayo'y ang mga sugo na nangasasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari ay nagsilabas, na nangagmamadali at nangagtutumulin sa utos ng hari; at ang pasiya ay nahayag sa Susan na bahay-hari.
Ang mga Judio ay may pahintulot na tumutol sa mga kaaway.
15 At si Mardocheo ay lumabas mula sa harapan ng hari na (N)nakapanamit hari na (O)bughaw, at puti, at may dakilang putong na ginto, at may balabal na mainam na lino at kulay ube: at (P)ang bayan ng Susan ay humiyaw at natuwa.
16 Nagkaroon ang mga Judio ng kaliwanagan at ng kasayahan, at ng kagalakan at ng karangalan.
17 At sa bawa't lalawigan, at sa bawa't bayan, saan man dumating ang utos ng hari at pasiya niya, ay nagkaroon ang mga Judio ng kasayahan at kagalakan, ng kapistahan at (Q)mabuting araw. At marami na mula sa mga bayan ng lupain ay naging mga Judio; sapagka't (R)ang takot sa mga Judio ay suma kanila.
3 Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli?
2 Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay (A)ipinagkatiwala sa kanila (B)ang mga aral ng Dios.
3 Ano nga (C)kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa (D)pagtatapat ng Dios?
4 Huwag nawang mangyari: oo, bagkus pa nga ang (E)Dios ay tapat, datapuwa't ang (F)bawa't tao'y sinungaling; gaya ng nasusulat,
(G)Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita,
At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan.
5 Datapuwa't kung ang ating kalikuan (H)ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? ((I)nagsasalita akong ayon sa pagkatao.)
6 Huwag nawang mangyari: sapagka't kung gayo'y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan?
7 Datapuwa't kung (J)ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako'y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?
8 At bakit hindi (gaya ng pagkalibak sa atin, at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi), (K)Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid.
9 Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, (L)na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan;
10 Gaya ng nasusulat,
(M)Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
11 Walang nakatatalastas,
Walang humahanap sa Dios;
12 Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
13 Ang kanilang lalamunan (N)ay isang libingang bukas;
Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila:
(O)Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:
14 Ang kanilang bibig (P)ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:
15 Ang kanilang mga paa (Q)ay matulin sa pagbububo ng dugo;
16 Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;
17 At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;
18 Walang pagkatakot sa Dios (R)sa harap ng kanilang mga mata.
19 Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; (S)upang matikom ang bawa't bibig, at (T)ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:
20 Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa (U)ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't (V)sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.
21 Datapuwa't ngayon (W)bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;
22 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios (X)sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't (Y)walang pagkakaiba;
23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;
24 Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad (Z)ng kaniyang biyaya (AA)sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:
25 Na siyang inilagay ng Dios (AB)na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa (AC)kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga (AD)kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;
26 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.
27 (AE)Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.
28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya (AF)na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.
29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:
30 Kung gayon (AG)nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi (AH)pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978