Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 30

Tapat na paalaala at pangako.

30 At (A)mangyayari, na pagka (B)ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa iyo, ang pagpapala at ang sumpa na inilagay ko sa harap mo, at (C)iyong mga didilidilihin sa gitna ng lahat ng mga bansa na pinagtabuyan sa iyo ng Panginoon mong Dios.

At (D)magbabalik ka sa Panginoon mong Dios, at iyong susundin ang kaniyang tinig ayon sa lahat na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, ninyo at ng iyong mga anak, ng iyong buong puso at ng iyong buong kaluluwa;

Ay babawiin nga (E)ng Panginoon mong Dios ang iyong pagkabihag, at mahahabag sa iyo, at ibabalik, at (F)titipunin ka sa lahat ng mga bayang pinagkalatan sa iyo ng Panginoon mong Dios.

(G)Kung ang bihag sa iyo ay nasa kaduluduluhang bahagi ng langit, mula roo'y titipunin ka ng Panginoon mong Dios, at mula roo'y kukunin ka.

At dadalhin ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na inari ng iyong mga magulang, at iyong aariin, at gagawan (H)ka niya ng mabuti at pararamihin ka niya ng higit kay sa iyong mga magulang.

At (I)tutuliin ng Panginoon mong Dios ang iyong puso, at ang puso ng iyong binhi, upang ibigin mo ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, upang ikaw ay mabuhay.

At lahat ng mga sumpang ito ng Panginoon mong Dios ay isasa iyong mga kaaway at sa kanila na nangapopoot sa iyo, na nagsiusig sa iyo.

At ikaw ay babalik at susunod sa tinig ng Panginoon, at iyong gagawin ang lahat ng kaniyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito.

(J)At pasasaganain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay, sa bunga ng iyong katawan, at sa anak ng iyong bakahan, at sa bunga ng iyong lupa, sa ikabubuti: sapagka't pagagalakin ka (K)uli ng Panginoon, sa ikabubuti mo, gaya ng kaniyang iginalak sa iyong mga magulang:

10 Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan; kung ikaw ay manunumbalik sa Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa.

11 Sapagka't ang utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, (L)ay hindi totoong mabigat sa iyo, ni malayo.

12 (M)Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, Sinong sasampa sa langit para sa atin, at magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa?

13 Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, Sino ang daraan sa dagat para sa atin, at magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa?

14 Kundi ang salita ay totoong malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso, upang iyong magawa.

15 Tingnan mo, na inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang kasamaan;

16 Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito (N)na ibigin mo ang Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at tuparin mo ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, upang ikaw ay mabuhay at dumami, at upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.

17 Nguni't kung ang (O)iyong puso ay lumiko, at hindi mo didinggin, kundi maliligaw ka at sasamba ka sa ibang mga Dios, at maglilingkod ka sa kanila;

18 Ay aking pinatutunayan sa inyo sa araw na ito, na kayo'y tunay na malilipol; (P)hindi ninyo palalaunin ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na inyong ipinagtatawid ng Jordan, upang pumasok na ariin.

19 Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi;

20 Na iyong ibigin ang Panginoon mong Dios, na sundin ang kaniyang tinig, at (Q)lumakip sa kaniya: sapagka't siya ang iyong (R)buhay, at ang kalaunan ng iyong mga araw; upang matahanan mo ang lupain na (S)isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila.

Mga Awit 119:73-96

JOD.

73 (A)Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay:
(B)Bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
74 (C)Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa;
Sapagka't ako'y umasa (D)sa iyong salita;
75 Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid,
At sa (E)pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
76 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob,
Ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
77 Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay:
Sapagka't (F)ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
78 (G)Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan:
Nguni't (H)ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
79 Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo,
At silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
80 Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan;
Upang huwag akong mapahiya.

CAPH.

81 Pinanglulupaypayan ng (I)aking kaluluwa ang iyong pagliligtas:
Nguni't umaasa ako sa iyong salita.
82 (J)Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita,
Samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
83 Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok;
Gayon ma'y hindi (K)ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
84 (L)Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod?
(M)Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
85 Inihukay ako (N)ng palalo ng mga lungaw
Na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
86 Lahat mong mga utos ay tapat.
Kanilang inuusig ako (O)na may kamalian; (P)tulungan mo ako.
87 Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa;
Nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
88 Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob;
Sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.

LAMED.

89 (Q)Magpakailan man, Oh Panginoon,
Ang iyong salita ay natatag sa langit.
90 Ang iyong (R)pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi:
Iyong itinatag ang lupa, (S)at lumalagi.
91 (T)Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin;
Sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
92 Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan,
Namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
93 Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo;
Sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
94 Ako'y iyo, iligtas mo ako,
Sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
95 Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin;
Nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
96 Aking nakita ang wakas (U)ng buong kasakdalan;
Nguni't ang utos mo'y totoong malawak.

Isaias 57

Makaidolatria na ugali ng Israel.

57 Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating.

Siya'y nanasok sa kapayapaan; sila'y nagpapahinga sa (A)kanilang mga higaan bawa't lumalakad sa kaniyang katuwiran.

Nguni't magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi ng mangangalunya at ng patutot.

Laban kanino nakipagaglahian kayo? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig, at naglalawit ng dila? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang, (B)lahing sinungaling,

Kayong mga nangagaalab (C)sa inyong sarili sa gitna ng mga encina, (D)sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; na (E)pumapatay ng mga anak sa mga libis, sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?

Nasa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi; sila, sila ang iyong bahagi; sa kanila ka nga nagbuhos ng inuming handog, ikaw ay naghandog ng alay. Matatahimik baga ako sa mga bagay na ito?

Sa isang mataas (F)at matayog na bundok ay inilagay mo ang (G)iyong higaan; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain.

At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad (H)sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: (I)iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita.

At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol.

10 Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, (J)Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay.

Ang pagpapakababa at pagtitiis ng Panginoon.

11 At (K)kanino ka nangilabot at natakot, (L)na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? (M)hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan.

12 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo.

13 Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: (N)nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay (O)magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na (P)bundok.

14 At kaniyang sasabihin, (Q)Inyong patagin, inyong patagin, inyong ihanda ang lansangan, inyong alisin ang katitisuran sa lansangan ng aking bayan.

15 Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, (R)na ang pangalan ay (S)Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na (T)kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob (U)ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.

16 Sapagka't hindi ako (V)makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa.

17 (W)Dahil sa kasamaan ng kaniyang kasakiman ay napoot ako, at sinaktan ko siya; aking ikinubli ang aking mukha at ako'y napoot; at siya'y yumaong nanghimagsik ng lakad ng kaniyang puso.

18 Aking nakita ang kaniyang mga lakad, at pagagalingin ko (X)siya; akin ding papatnubayan siya, at bibigyan ko ng mga kaaliwan siya, at ang (Y)kaniyang nangananangis.

19 Aking nililikha ang (Z)bunga ng mga labi: (AA)Kapayapaan, kapayapaan, sa kaniya (AB)na malayo at sa kaniya na malapit, sabi ng Panginoon; at aking pagagalingin siya.

20 Nguni't ang masama (AC)ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi.

21 Walang kapayapaan, (AD)sabi ng aking Dios, sa mga masama.

Mateo 5

At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa (A)bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad:

At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,

(B)Mapapalad ang mga (C)mapagpakumbabang-loob: (D)sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

Mapapalad ang (E)nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

Mapapalad ang maaamo: sapagka't (F)mamanahin nila ang lupa.

Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.

Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

Mapapalad ang mga may (G)malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

10 Mapapalad (H)ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.

12 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang (I)kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

13 Kayo ang asin ng lupa: (J)nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.

14 Kayo ang ilaw (K)ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.

15 Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, (L)at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.

16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; (M)upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at (N)kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

17 Huwag ninyong isiping (O)ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.

18 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, (P)Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

19 Kaya't ang (Q)sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.

20 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.

21 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, (R)Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:

22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang (S)bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa (T)Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.

23 Kaya't (U)kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,

24 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.

25 Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.

26 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles.

27 Narinig ninyong sinabi, (V)Huwag kang mangangalunya:

28 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.

29 At (W)kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay (X)dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno.

30 (Y)At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno.

31 Sinabi rin naman, Ang (Z)sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay:

32 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na (AA)ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.

33 Bukod sa rito'y inyong narinig na sinabi (AB)sa mga tao sa una, (AC)Huwag kang manunumpa ng di katotohanan, kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa:

34 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (AD)Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios;

35 Kahit ang lupa, sapagka't (AE)siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't (AF)siyang bayan ng dakilang Hari.

36 Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim.

37 Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.

38 Narinig ninyong sinabi, (AG)Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:

39 (AH)Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (AI)Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.

40 At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal.

41 At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.

42 Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang.

43 Narinig ninyong sinabi, (AJ)Iibigin mo ang iyong kapuwa, at (AK)kapopootan mo ang iyong kaaway:

44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (AL)Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at (AM)idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;

45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.

46 Sapagka't kung kayo'y iibig (AN)sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa (AO)ng mga maniningil ng buwis?

47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?

48 (AP)Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978