M’Cheyne Bible Reading Plan
Pananakot ni Jezabel.
19 At sinaysay ni Achab kay Jezabel ang lahat na ginawa ni Elias, at kung paanong (A)kaniyang pinatay ng tabak ang lahat ng mga propeta.
2 Nang magkagayo'y nagsugo si Jezabel ng sugo kay Elias, na nagsasabi, (B)Ganito ang gawin sa akin ng mga dios, at lalo na, kung hindi ko gawin ang buhay mo na gaya ng buhay ng isa sa kanila kinabukasan sa may ganitong panahon.
3 At nang makita niya ay bumangon siya, at yumaon dahil sa kaniyang buhay, at naparoon sa (C)Beerseba, na nauukol sa Juda, at iniwan ang kaniyang lingkod doon.
4 Nguni't siya'y lumakad ng paglalakbay na isang araw sa ilang at naparoon, at umupo sa ilalim ng isang punong kahoy na enebro: at siya'y humiling sa ganang kaniya na siya'y mamatay sana, at nagsabi, Sukat na; ngayon, Oh Panginoon (D)kunin mo ang aking buhay; sapagka't hindi ako mabuti kay sa aking mga magulang.
5 At siya'y nahiga at natulog sa ilalim ng punong kahoy na enebro; at, narito, kinalabit siya ng isang anghel, at sinabi sa kaniya, Ikaw ay gumising at kumain.
6 At siya'y tumingin, at, narito, na sa kaniyang ulunan ang isang munting tinapay na luto sa baga, at isang sarong tubig. At siya'y kumain at uminom, at nahiga uli.
7 At ang anghel ng Panginoon ay nagbalik na ikalawa, at kinalabit siya, at sinabi, Ikaw ay bumangon at kumain; sapagka't ang paglalakbay ay totoong malayo sa ganang iyo.
8 At siya'y bumangon, at kumain, at uminom, at siya'y yumaon sa lakas ng pagkaing yaon, na (E)apat na pung araw at (F)apat na pung gabi hanggang sa Horeb sa bundok ng Dios.
Ang tinig ng Panginoon.
9 At siya'y naparoon sa isang yungib, at tumuloy roon: at, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya, Ano ang ginagawa mo rito Elias?
10 At sinabi niya, Ako'y naging totoong (G)marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo; sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at (H)pinatay ng tabak ang iyong mga propeta: (I)at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang aking buhay, upang kitlin.
11 At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka (J)sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, (K)at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni't ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni't ang Panginoon ay wala sa lindol:
12 At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay (L)isang marahang bulong na tinig.
13 At nangyari, nang marinig ni Elias, ay (M)tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan sa yungib. At, narito, dumating ang isang tinig sa kaniya, at nagsabi, Ano ang ginagawa mo rito Elias?
14 At kaniyang sinabi, Ako'y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo: sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at pinatay ng tabak ang iyong mga propeta; at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang buhay ko, upang kitlin.
15 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay yumaon, bumalik ka sa iyong lakad sa ilang ng Damasco: at pagdating mo, ay iyong (N)pahiran ng langis si Hazael upang maging hari sa Siria.
16 At (O)si Jehu na anak ni Nimsi ay iyong papahiran ng langis upang maging hari sa Israel: at si Eliseo na anak ni Saphat sa Abel-mehula ay iyong papahiran ng langis upang maging propeta na kahalili mo.
17 At mangyayari (P)na ang makatanan sa tabak ni Hazael ay (Q)papatayin ni Jehu: at ang makatanan sa tabak ni Jehu ay (R)papatayin ni Eliseo.
18 (S)Gayon ma'y iiwan ko'y pitong libo sa Israel, lahat na tuhod na hindi nagsiluhod kay Baal, at lahat ng bibig na hindi nagsihalik sa kaniya.
Si Eliseo ay naging kahalili ni Elias.
19 Sa gayo'y umalis siya roon at nasumpungan niya si Eliseo na anak ni Saphat, na nag-aararo, na may labing dalawang parehang baka sa unahan niya, at siya'y kasabay ng ikalabing dalawa: at dinaanan siya ni Elias at (T)inihagis sa kaniya ang balabal niya.
20 At kaniyang iniwan ang mga baka, at tumakbong sinundan si Elias, at sinabi, (U)Isinasamo ko sa iyo na pahagkan mo sa akin ang aking ama at aking ina, at susunod nga ako sa iyo. At sinabi niya sa kaniya, Bumalik ka uli; sapagka't ano ang ginawa ko sa iyo?
21 At siya'y bumalik na mula sa pagsunod sa kaniya, at kinuha ang parehang mga baka, at pinatay ang mga yaon, at inilaga ang laman ng mga yaon (V)sa pamamagitan ng mga kasangkapan ng mga baka, at ibinigay sa bayan, at kanilang kinain. Nang magkagayo'y tumindig siya, at (W)sumunod kay Elias, at (X)naglingkod sa kaniya.
2 Kaya nga nalalaman ninyo rin, (A)mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan:
2 Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, (B)sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios (C)upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan.
3 Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa (D)karumihan, ni sa pagdaraya.
4 Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; (E)hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.
5 Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng (F)kasakiman, saksi ang Dios;
6 Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit (G)kami ng kapamahalaan (H)gaya ng mga apostol ni Cristo.
7 Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak:
8 Gayon din kami, palibhasa'y may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng (I)aming sariling mga kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin.
9 Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming (J)pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.
10 Kayo'y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya:
11 Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na (K)gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo,
12 Upang kayo'y (L)magsilakad ng nararapat sa Dios, (M)na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.
13 At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang (N)inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na (O)hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.
14 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad (P)sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: (Q)sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, (R)gaya naman nila sa mga Judio;
15 Na nagsipatay sa Panginoong Jesus, at gayon din (S)sa mga propeta, at kami ay kanilang pinalayas, at di nangagbibigay lugod sa Dios, at laban sa lahat ng mga tao;
16 Na pinagbabawalan kaming makipagusap (T)sa mga Gentil upang mangaligtas ang mga ito; upang (U)kanilang paramihing lagi ang kanilang mga kasalanan: nguni't dumating sa kanila ang kagalitan, hanggang sa katapusan.
17 Nguni't kami, mga kapatid, na nangahiwalay sa inyong sangdaling panahon, (V)sa katawan hindi sa puso, ay (W)nangagsisikap na lubha, upang makita ang inyong mukha na may dakilang pagnanais:
18 Sapagka't nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas.
19 Sapagka't (X)ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, (Y)na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo (Z)sa kaniyang pagparito?
20 Sapagka't kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan.
Si Daniel at ang kaniyang tatlong kaibigan ay hindi kumain ng pagkain ng hari.
1 Nang ikatlong taon ng paghahari ni Joacim na hari sa Juda, ay (A)dumating sa Jerusalem si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kinubkob niya yaon.
2 At ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay si Joacim na hari sa Juda, sangpu ng (B)bahagi ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios; at ang mga yao'y (C)dinala niya sa lupain ng Sinar sa bahay ng kaniyang dios: (D)at ipinasok niya ang mga kasangkapan sa silid ng kayamanan ng kaniyang dios.
3 At ang hari ay nagsalita kay Aspenaz, na puno ng kaniyang mga bating, na siya'y magdala ng ilan sa mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y sa lahing hari at sa mga mahal na tao;
4 Mga binatang walang kapintasan, kundi may mabubuting bikas, at matatalino sa lahat na karunungan, at bihasa sa kaalaman, at nakakaunawa ng dunong, at may ganyang kakayahan na makatayo sa palacio ng hari; at kaniyang tuturuan sila ng turo at wika ng mga Caldeo.
5 At ipinagtakda ng hari sila ng bahagi (E)sa araw sa pagkain ng hari, at sa alak na kaniyang iniinom, at sila'y kakandilihin na tatlong taon; upang sa wakas niyao'y (F)mangakatayo sila sa harap ng hari.
6 Na sa mga ito nga, sa mga anak ni Juda, si Daniel, si (G)Ananias, si Misael, at si Azarias.
7 At (H)pinanganlan sila ng pangulo ng mga bating: kay Daniel ang ipinangalan ay (I)Beltsasar, at kay (J)Ananias ay Sadrach; at kay Misael ay Mesach; at kay Azarias ay Abed-nego.
8 Nguni't pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya'y hindi magpapakahamak (K)sa pagkain ng hari, o sa alak man na kaniyang iniinom: kaya't kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya'y huwag mapahamak.
9 Si Daniel nga ay pinasumpong ng Dios, ng lingap at habag sa paningin ng pangulo ng mga bating.
10 At sinabi ng pangulo ng mga bating kay Daniel, Ako'y natatakot sa aking panginoong hari, na nagtakda ng inyong pagkain at ng inyong inumin: sapagka't bakit niya makikita na ang inyong mga mukha ay maputla kay sa mga binata na inyong mga kasinggulang? isasapanganib nga ninyo ang aking ulo sa hari.
11 Nang magkagayo'y sinabi ni Daniel sa katiwala na inihalal ng pangulo ng mga bating kay Daniel, kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias:
12 Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom.
13 Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod.
14 Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na ito, at sinubok niya sila na sangpung araw.
15 At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari.
16 Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay.
Sila ay naging panguna sa karunungan at pangangatawan.
17 Tungkol nga sa apat na binatang ito, (L)pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan: at si Daniel ay may (M)pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga (N)panaginip.
18 At sa katapusan ng mga araw na itinakda ng hari sa paghaharap sa kanila, ipinasok nga sila ng pangulo ng mga bating sa harap ni Nabucodonosor.
19 At ang hari ay nakipagsalitaan sa kanila; at sa kanilang lahat ay walang nasumpungang gaya ni Daniel, ni Ananias, ni Misael, at ni Azarias: kaya't sila'y nanganatili sa harap ng hari.
20 At sa bawa't bagay ng karunungan at unawa, na inusisa ng hari sa kanila, nasumpungan niya silang makasangpung mainam kay sa lahat ng (O)mahiko at mga enkantador na nangasa kaniyang buong kaharian.
21 At si Daniel ay namalagi hanggang sa unang taon ng haring Ciro.
Ang kahangahangang gawa ng Panginoon ng dahil sa Israel.
105 Oh magpasalamat kayo (A)sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan;
(B)Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
2 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
(C)Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
3 Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
4 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan;
(D)Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
5 Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa:
Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
6 Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,
Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
7 Siya ang Panginoon nating Dios: Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.
8 Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man,
Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;
9 (E)Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham,
At ang kaniyang sumpa kay Isaac;
10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan,
Sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
11 Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan,
Ang kapalaran na iyong mana;
12 Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang;
Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;
13 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa,
Mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
14 Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian;
Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
15 Na sinasabi, (F)Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis.
At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko.
16 (G)At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain;
Kaniyang binali ang buong (H)tukod ng tinapay.
17 (I)Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila;
(J)Si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:
18 Ang kaniyang mga paa (K)ay sinaktan nila ng mga pangpangaw;
Siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:
19 Hanggang sa panahon na nangyari ang (L)kaniyang salita;
Tinikman siya ng salita ng Panginoon.
20 (M)Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya;
Sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
21 (N)Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay,
At pinuno sa lahat niyang pagaari:
22 (O)Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan,
At turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.
23 (P)Si Israel naman ay nasok sa Egipto;
At si Jacob ay nakipamayan sa (Q)lupain ng Cham.
24 (R)At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan,
At pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
25 (S)Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan,
Upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
26 (T)Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod,
At si Aaron na kaniyang hirang.
27 (U)Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda,
At mga kababalaghan sa lupain ng Cham.
28 Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim;
At sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.
29 Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig,
At pinatay ang kanilang mga isda.
30 Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka,
Sa mga silid ng kanilang mga hari.
31 Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw,
At kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.
32 (V)Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso,
At liyab ng apoy sa kanilang lupain.
33 Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos;
At binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.
34 (W)Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating,
At ang mga higad, ay yao'y walang bilang,
35 At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain,
At kinain ang bunga ng kanilang lupa.
36 (X)Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain,
Ang puno ng lahat nilang kalakasan.
37 (Y)At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto:
At hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
38 Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis;
(Z)Sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
39 (AA)Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong;
At apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
40 (AB)Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo,
At binusog niya sila ng (AC)pagkain na mula sa langit.
41 (AD)Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig;
Nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
42 Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita,
(AE)At si Abraham na kaniyang lingkod.
43 At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan,
At ang kaniyang hirang na may awitan.
44 (AF)At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa;
At kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:
45 (AG)Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan,
At sundin ang kaniyang mga kautusan.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978