M’Cheyne Bible Reading Plan
Handog sa pagkakasala.
7 At (A)ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa pagkakasala: bagay ngang kabanalbanalan.
2 (B)Sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa pagkakasala: at ang dugo niyao'y iwiwisik niya sa ibabaw ng dambana hanggang sa palibot.
3 At siya'y maghahandog niyaon (C)ng lahat ng taba niyaon; ang buntot na mataba at ang tabang nakatatakip sa lamang loob,
4 At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato:
5 At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinaka handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; handog nga dahil sa pagkakasala.
6 (D)Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon; sa dakong banal kakanin yaon: bagay ngang kabanalbanalan.
7 Kung paano ang handog dahil sa kasalanan ay (E)gayon ang handog dahil sa pagkakasala: ang dalawa'y may isang kautusan: mapapasa saserdoteng tumutubos.
8 At ang saserdoteng naghahandog ng handog na susunugin ng sinomang tao, ay siyang magtatangkilik ng balat ng handog na susunugin na inihandog.
9 (F)At bawa't handog na harina na niluto sa hurno, at yaong lahat na pinagyaman sa kawaling bakal at sa kawaling lupa, ay mapapasa saserdote na naghahandog.
10 At bawa't handog na harina na hinaluan ng langis o tuyo, ay mapapasa lahat ng anak ni Aaron; sa isa na gaya sa iba.
Handog tungkol sa kapayapaan.
11 (G)At ito ang kautusan hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na ihahandog sa Panginoon:
12 Kung ihahandog niya na pinaka pasalamat, ay ihahandog nga niyang kalakip ng haing pasalamat ang mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at ang mga manipis na tinapay na walang lebadura na (H)pinahiran ng langis, at ang mainam na harina na munting tinapay na hinaluan ng langis.
13 (I)Kalakip ng munting tinapay na walang lebadura kaniyang ihahandog ang alay niya, na kalakip ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat.
14 At maghahandog ng isa niyaon na kaakbay ng bawa't alay na pinakahandog na itinaas sa Panginoon; (J)mapapasa saserdoteng magwiwisik ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
Ang pagkain ng handog sa kapayapaan.
15 (K)At ang laman ng hain na kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat ay kakanin sa kaarawan ng kaniyang pagaalay; siya'y hindi magtitira niyaon ng hanggang sa umaga.
16 (L)Nguni't kung ang hain ng kaniyang alay ay sa pagtupad ng isang panata, o kusang handog, ay kaniyang makakain sa araw na kaniyang ihandog ang kaniyang hain: at sa kinaumagahan man ay kaniyang makakain ang labis:
17 Datapuwa't ang lumabis sa laman ng hain hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy.
18 At kung kanin sa ikatlong araw ang anomang bahagi ng laman ng haing kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay hindi tatanggapin, at hindi man maipatutungkol doon sa naghahandog niyaon: (M)aariing kasuklamsuklam, at ang taong kumain niyaon ay magtataglay ng kaniyang kasamaan.
19 At ang lamang masagi sa anomang bagay na karumaldumal ay hindi kakanin; yao'y susunugin sa apoy. At tungkol sa lamang hindi nahawa, lahat ng taong malinis ay makakakain niyaon.
20 Nguni't ang taong kumain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na ukol sa Panginoon, (N)na taglay niya ang kaniyang karumihan, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.
21 At pagka ang sinoman ay nakahipo ng anomang maruming bagay, ng (O)dumi ng tao, o (P)ng hayop na karumaldumal, o (Q)ng alin mang kasuklamsuklam, at kumain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na ukol sa Panginoon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.
22 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
23 Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, (R)Huwag kayong kakain ng taba ng baka, ng tupa, o ng kambing.
24 (S)At ang taba ng namatay sa kaniyang sarili, at ang taba ng nilapa ng ganid, ay magagamit sa alin mang kagamitan: nguni't sa anomang paraan ay huwag ninyong kakanin.
25 Sapagka't sinomang kumain ng taba ng hayop na yaon na inihahandog ng mga tao sa Panginoon, na handog na pinaraan sa apoy, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong kumain.
26 (T)At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong tahanan, maging sa ibon o sa hayop.
27 Sinomang taong kumain ng alin mang dugo, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon.
Ang bahagi ng saserdote sa mga handog.
28 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
29 Iyong salitain sa mga anak ng Israel na sabihin, (U)Ang naghahandog sa Panginoon ng hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay magdadala sa Panginoon ng kaniyang alay sa hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan;
30 (V)Na dadalhin ng kaniyang sariling mga kamay sa Panginoon ang mga handog na pinaraan sa apoy; ang taba pati ng dibdib ay dadalhin niya, upang (W)ang dibdib ay alugin na pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon.
31 (X)At susunugin ng saserdote ang taba sa ibabaw ng dambana: (Y)datapuwa't ang dibdib ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak.
32 (Z)At ibibigay ninyo sa saserdote na pinaka handog na itinaas, ang hitang kanan sa mga haing inyong mga handog tungkol sa kapayapaan.
33 Yaong sa mga anak ni Aaron na naghahandog ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan at ng taba, ay mapapasa kaniya ang kanang hita, na pinaka bahagi niya.
34 (AA)Sapagka't aking kinuha sa mga anak ni Israel, sa kanilang mga haing mga handog tungkol sa kapayapaan, ang dibdib na inalog at ang hitang itinaas, at aking ibinigay kay Aaron na saserdote at sa kaniyang mga anak, na karampatang bahagi nila magpakailan man, sa ganang mga anak ni Israel.
35 Ito ang nauukol sa pahid na langis ni Aaron at sa pahid na langis ng kaniyang mga anak, sa mga handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon, sa araw na iniharap sila, upang mangasiwa sa Panginoon sa katungkulang saserdote;
36 Na iniutos ng Panginoon sa kanila'y ibibigay para sa mga anak ni Israel (AB)sa araw na kaniyang pinahiran sila. Karampatang bahagi nga nila magpakailan man, sa buong panahon ng kanilang lahi.
37 (AC)Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin, (AD)sa handog na harina, (AE)at sa handog dahil sa kasalanan, (AF)at sa handog dahil sa pagkakasala, (AG)at sa pagtatalaga, (AH)at sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan.
38 Na iniutos ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai, nang araw na iniutos sa mga anak ni Israel na kanilang ihandog ang kanilang mga alay sa Panginoon sa ilang ng Sinai.
Tinawagan ang Panginoon upang ipagtanggol ang mangaawit. Sigaion ni David na inawit niya sa Panginoon, ukol sa mga salita ni Cus na Benjamita.
7 Oh Panginoon kong Dios, (A)sa iyo nanganganlong ako.
(B)Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako:
2 Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa,
(C)Na lurayin ito, habang walang magligtas.
3 Oh Panginoon kong Dios, (D)kung ginawa ko ito;
Kung may kasamaan (E)sa aking mga kamay;
4 Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin;
(Oo, (F)aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:)
5 Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan;
Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa,
At ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah)
6 Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit,
(G)Magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway;
At (H)gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan.
7 At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot:
At sila'y pihitan mong nasa mataas ka.
8 Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan:
(I)Iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin.
9 Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid;
(J)Sapagka't sinubok ng matuwid na Dios (K)ang mga pagiisip at ang mga puso.
10 Ang aking kalasag ay sa Dios.
Na nagliligtas ng matuwid sa puso.
11 Ang Dios ay matuwid na hukom,
Oo, Dios na may galit araw-araw.
12 Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang (L)ihahasa ang kaniyang tabak;
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda.
13 Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan;
Kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana.
14 (M)Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan;
Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan.
15 Siya'y gumawa ng balon, at hinukay,
(N)At nahulog sa hukay na kaniyang ginawa.
16 (O)Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo,
At ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan.
17 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran:
At aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.
Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.
8 Oh Panginoon, aming Panginoon,
(P)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(Q)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
2 (R)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
3 (S)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
4 (T)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
5 Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 (U)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(V)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
7 Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
8 Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
9 (W)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.
22 Ang mabuting pangalan ay (A)maiging piliin, kay sa malaking kayamanan,
At ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto.
2 Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa:
Ang Panginoon ang May-lalang (B)sa kanilang lahat.
3 Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli:
Nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis.
4 Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon
(C)Ay kayamanan, at karangalan, at buhay.
5 Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya:
Ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon.
6 (D)Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran,
At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
7 Ang mayaman ay magpupuno sa dukha,
At ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.
8 (E)Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan;
At ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat.
9 (F)Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain:
Sapagka't (G)nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha.
10 Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis;
Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil.
11 (H)Siyang umiibig ng kalinisan ng puso,
Dahil sa biyaya ng kaniyang mga labi ay magiging kaniyang kaibigan ang hari.
12 Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam:
Nguni't kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil.
13 (I)Sinasabi ng tamad, May leon sa labas:
Mapapatay ako sa mga lansangan.
14 Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw:
Siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon.
15 Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata;
(J)Nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway.
16 Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang,
At ang nagbibigay sa mayaman, ay (K)humahangga sa pangangailangan lamang.
17 Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas,
At ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman.
18 Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo,
Kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi.
19 Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon,
Aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo.
20 Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay
Na mga payo at kaalaman;
21 (L)Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan,
(M)Upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo?
22 (N)Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha,
(O)Ni pumighati man sa nagdadalamhati (P)sa pintuang-bayan:
23 (Q)Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap,
At sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila.
24 Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin;
At sa mainiting tao ay huwag kang sasama:
25 Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad,
At magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.
26 (R)Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay,
O sa kanila na mangananagot sa mga utang:
27 Kung wala kang ikabayad,
Bakit kaniyang (S)kukunin sa iyo ang iyong higaan?
28 (T)Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa,
Na inilagay ng iyong mga magulang.
29 Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain? siya'y tatayo sa harap ng mga hari:
Hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak.
1 Si (A)Pablo, at si (B)Silvano, at si (C)Timoteo, sa (D)iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: (E)Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
2 (F)Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, (G)na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin;
3 Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, (H)ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at (I)pagtitiis sa pagasa sa ating (J)Panginoong Jesucristo;
4 Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, (K)ang pagkahirang sa inyo,
5 Kung paanong ang (L)aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at (M)sa lubos na katiwasayan; na gaya ng (N)inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo.
6 At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, (O)nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, (P)na may katuwaan sa Espiritu Santo;
7 Ano pa't kayo'y naging (Q)uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa (R)Macedonia at nangasa Acaya.
8 Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi (S)sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman.
9 Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin (T)kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at (U)kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga (V)diosdiosan, upang mangaglingkod sa (W)Dios na buhay at tunay,
10 (X)At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga (Y)na nagligtas (Z)sa atin mula sa galit na darating.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978