M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang pagsasamantala ni Amnon kay Thamar.
13 At nangyari, pagkatapos nito, na si (A)Absalom na anak ni David ay mayroong isang kapatid na babae na maganda, na ang pangala'y (B)Thamar; at sininta siya ni Amnon na anak ni David.
2 At si Amnon ay totoong nagdamdam, na anopa't siya'y nagkasakit dahil sa kaniyang kapatid na kay Thamar; sapagka't siya'y dalaga; at inaakala ni Amnon na mahirap gawan siya ng anomang bagay.
3 Nguni't si Amnon ay may isang kaibigan na ang pangala'y Jonadab, na (C)anak ni Simea na kapatid ni David: at si Jonadab ay isang lalaking totoong magdaraya.
4 At sinabi niya sa kaniya, Bakit, Oh anak ng hari, sa araw araw ay nangangayayat kang ganyan? hindi mo ba sasaysayin sa akin? At sinabi ni Amnon sa kaniya, Aking sinisinta si Thamar na kapatid ng aking kapatid na si Absalom.
5 At sinabi ni Jonadab sa kaniya, Mahiga ka sa iyong higaan, at magsakitsakitan ka: at pagka ang iyong ama ay naparoon upang tingnan ka, sabihin mo sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bayaang ang aking kapatid na si Thamar ay pumarito, at bigyan ako ng tinapay na makakain, at maghanda ng pagkain sa aking paningin upang aking makita, at kanin sa kaniyang kamay.
6 Sa gayo'y nahiga si Amnon at nagsakitsakitan: at nang pumaroon ang hari upang tingnan siya, sinabi ni Amnon sa hari, Isinasamo ko sa iyo na bayaang pumarito ang aking kapatid na si Thamar, at igawa ako ng dalawang tinapay na maliit sa aking paningin upang aking makain sa kaniyang kamay.
7 Nang magkagayo'y nagsugo si David sa bahay kay Thamar, na sinasabi, Pumaroon ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na si Amnon, at ipaghanda mo siya ng pagkain.
8 Sa gayo'y naparoon si Thamar sa bahay ng kaniyang kapatid na si Amnon; at siya'y nakahiga. At siya'y kumuha ng isang masa, at minasa, at ginawang mga binilong tinapay sa kaniyang paningin, at niluto na mga munting tinapay.
9 At kinuha niya ang kawali, at mga ibinuhos sa harap niya; nguni't kaniyang tinanggihang kanin. At sinabi ni Amnon: Palabasin ang lahat na tao sa harap ko. At silang lahat ay lumabas, bawa't isa mula sa harap niya.
10 At sinabi ni Amnon kay Thamar: Dalhin mo rito sa silid ang pagkain, upang aking makain sa iyong kamay. At kinuha ni Thamar ang mga munting tinapay na kaniyang ginawa, at mga dinala sa silid kay Amnon na kaniyang kapatid.
11 At nang ilapit niya sa kaniya upang kanin, kaniyang tinangnan siya, at sinabi niya sa kaniya, Halika, sumiping ka sa akin, kapatid ko.
12 At sumagot siya sa kaniya, Huwag kapatid ko, (D)huwag mo akong dahasin; sapagka't hindi marapat gawin sa Israel ang ganyang bagay: huwag kang gumawa ng ganitong kaululan.
13 At ako, saan ko dadalhin ang aking hiya? at tungkol sa iyo, ikaw ay magiging gaya ng isa sa mga mangmang sa Israel. Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, magsalita ka sa hari, sapagka't hindi ipagkakait ako sa iyo.
14 Gayon ma'y hindi niya dininig ang kaniyang tinig: kundi palibhasa't siya'y malakas kay sa kaniya, dinahas niya siya, at sumiping sa kaniya.
15 Nang magkagayo'y kinapootan siya ni Amnon na may mahigpit na poot; sapagka't ang kapootan na kaniyang ikinapoot sa kaniya ay malaki kay sa pagsinta na kaniyang isininta sa kaniya. At sinabi ni Amnon sa kaniya, Bumangon ka, ikaw ay yumaon.
16 At sinabi niya sa kaniya, Huwag ganyan, sapagka't itong malaking kasamaan sa pagpapalabas mo sa akin ay higit kay sa iba na iyong ginawa sa akin. Nguni't ayaw niyang dinggin siya.
17 Nang magkagayo'y tinawag niya ang kaniyang alipin na nagaalaga sa kaniya, at sinabi, Ilabas mo ang babaing ito sa harap ko, at itrangka mo ang pintuan pagkalabas niya.
18 At (E)siya'y may suot na sarisaring kulay: sapagka't ang mga gayong kasuutan ang isinusuot ng mga anak na dalaga ng hari. Nang magkagayo'y inilabas siya ng kaniyang alipin at tinarangkahan ang pintuan pagkalabas niya.
19 At (F)binuhusan ni Thamar ng mga abo ang kaniyang ulo, at hinapak ang kaniyang suot na sarisaring kulay na nakasuot sa kaniya; at kaniyang ipinatong ang (G)kaniyang kamay sa kaniyang ulo, at ipinagpatuloy ang kaniyang lakad, na umiiyak ng malakas habang siya'y yumayaon.
20 At sinabi ni Absalom na kaniyang kapatid sa kaniya, Napasa iyo ba si Amnon na iyong kapatid? nguni't ngayo'y tumahimik ka, kapatid ko: siya'y iyong kapatid; huwag mong isapuso ang bagay na ito. Sa gayo'y si Thamar ay nagpighati sa bahay ng kaniyang kapatid na si Absalom.
21 Nguni't nang mabalitaan ng haring si David ang lahat ng mga bagay na ito, siya'y totoong napoot.
22 At hindi nagsalita si Absalom (H)kay Amnon kahit mabuti o masama man; sapagka't pinagtaniman ni Absalom si Amnon dahil sa kaniyang dinahas ang kaniyang kapatid na si Thamar.
Ang pagpatay kay Amnon.
23 At nangyari, pagkatapos ng dalawang buong taon, (I)na nagpagupit ng mga tupa si Absalom sa Baal-hasor na nasa siping ng Ephraim: at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari.
24 At naparoon si Absalom sa hari, at sinabi niya, Narito ngayon, ang iyong lingkod ay nagpapagupit ng mga tupa; isinasamo ko sa iyo na ang hari at ang kaniyang mga lingkod ay magsiyaong kasama ng iyong lingkod.
25 At sinabi ng hari kay Absalom, Huwag anak ko, huwag tayong magsiyaong lahat, baka maging mabigat na pasan sa iyo. At pinilit niya siya: gayon ma'y hindi siya yumaon, kundi binasbasan siya.
26 Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, Kung hindi isinasamo ko sa iyo, pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon. At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit siya sasama sa iyo?
27 Nguni't pinilit siya ni Absalom, na anopa't kaniyang pinasama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng mga anak ng hari.
28 At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi, Tandaan ninyo ngayon, pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak; at pagka ang aking sinabi sa inyo, Saktan ninyo si Amnon, patayin nga ninyo siya: huwag kayong mangatakot: hindi ba ako ang nagutos sa inyo? kayo nga'y magpakalakas, at magpakatapang.
29 At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom. Nang magkagayo'y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari, at sumakay bawa't lalake sa kaniyang mula, at tumakas.
30 At nangyari, samantalang sila'y nasa daan, na ang balita ay dumating kay David, na sinasabi, Pinatay ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari, at walang nalabi isa man sa kanila.
31 Nang magkagayo'y bumangon (J)ang hari at hinapak ang kaniyang mga suot, at (K)humiga sa lupa; at lahat niyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot na hapak ang kanilang mga suot.
32 At si (L)Jonadab na anak ni Simea na kapatid ni David, ay sumagot at nagsabi, Huwag akalain ng aking panginoon na kanilang pinatay ang lahat ng mga binatang anak ng hari, sapagka't si Amnon lamang ang patay: sapagka't sa pasiya ni Absalom ay pinasiyahan ito mula sa araw na kaniyang dahasin ang kaniyang kapatid na si Thamar.
33 Ngayon nga'y (M)huwag isapuso ng aking panginoon na hari ang bagay, na akalain ang lahat ng mga anak ng hari ay patay: sapagka't si Amnon lamang ang patay.
Si Absalom ay tumakas sa Gessur.
34 Nguni't si (N)Absalom ay tumakas. At ang bataan na nagbabantay ay tumanaw ng kaniyang mga mata, at tumingin, at, narito, dumarating ay maraming tao sa daan na mula sa burol, sa likuran niya.
35 At sinabi ni Jonadab sa hari, Narito, ang mga anak ng hari ay nagsisidating: kung ano ang sinabi ng inyong lingkod, ay nagkagayon.
36 At nangyari pagkatapos niyang makapagsalita, na, narito, ang mga anak ng hari ay nagsidating, at inilakas ang kanilang tinig at nagsiiyak: at ang hari naman at ang lahat niyang mga lingkod ay nagsiiyak na mainam.
37 Nguni't tumakas si Absalom at naparoon kay (O)Talmai na anak ni Amiud na hari sa Gessur. At tinangisan ni David ang kaniyang anak araw araw.
38 Sa gayo'y tumakas si Absalom at naparoon sa Gessur, at dumoong tatlong taon.
39 At pinanabikan ng haring David na paroonan si Absalom: sapagka't siya'y (P)naaliw na tungkol kay Amnon yamang patay na.
6 At yamang (A)kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo (B)na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan
2 (Sapagka't sinasabi niya,
(C)Sa panahong ukol kita'y pinakinggan,
At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan:
Narito, ngayon (D)ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):
3 Na di nagbibigay (E)ng kadahilanang ikatitisod sa anoman, upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan;
4 Datapuwa't sa lahat ng mga bagay ay (F)ipinagkakapuri namin ang aming sarili, (G)gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa (H)mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis,
5 Sa mga latay, (I)sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno;
6 Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari,
7 Sa (J)salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Dios; (K)sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran (L)sa kanan at sa kaliwa,
8 Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon ma'y mga mapagtapat;
9 Waring hindi mga kilala, gayon ma'y mga kilalang mabuti; (M)tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay;
10 (N)Tulad sa nangalulungkot, gayon ma'y laging nangagagalak; (O)tulad sa mga dukha, gayon ma'y nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pagaari, gayon ma'y (P)mayroon ng lahat ng mga bagay.
11 Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, Oh mga taga Corinto, ang aming puso ay lumalaki.
12 Hindi kayo nangakasisikip sa amin, kundi nangasisikipan kayo sa inyong sariling pagibig.
13 Kaya nga bilang ganti sa gayong bagay ((Q)nangungusap akong gaya sa aking mga anak), ay mangagsilaki naman kayo.
14 Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't (R)anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
15 At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?
16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? (S)sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, (T)Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.
17 Kaya nga,
(U)Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo,
sabi ng Panginoon,
At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi,
At kayo'y aking tatanggapin,
18 (V)At ako sa inyo'y magiging ama,
At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae,
sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.
Ang pakikisama ng Panginoon ay muling isinaysay. Ang galit ng Panginoon ay sinalita laban sa idolatria ng Israel.
20 At nangyari nang ikapitong taon, nang ikalimang buwan, nang ikasangpu ng buwan, na ang (A)ilan sa mga matanda ng Israel ay nagsiparoon na sumangguni sa Panginoon, at nagsiupo sa harap ko.
2 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
3 Anak ng tao, salitain mo sa mga matanda ng Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo baga'y naparito upang sumangguni sa akin? (B)Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ako mapagsasanggunian ninyo.
4 Hahatulan mo baga sila, anak ng tao, (C)hahatulan mo baga sila? (D)Ipakilala mo sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga magulang;
5 At sabihin mo sa kanila; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na (E)aking piliin ang Israel, at itaas ko ang aking kamay sa lahi ng sangbahayan ni Jacob, at (F)pakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto, na iginawad ko ang aking kamay sa kanila na sinabi, (G)Ako ang Panginoon ninyong Dios;
6 Nang araw na yaon ay iginawad ko ang aking kamay sa kanila, upang ilabas ko sila sa lupain ng Egipto, na dalhin sa lupain na aking itinaan sa kanila na binubukalan ng gatas at pulot, (H)na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain.
7 At sinabi ko sa kanila, Itakuwil ng bawa't isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata, at huwag kayong mangahawa (I)sa mga diosdiosan ng Egipto; ako ang Panginoon ninyong Dios.
8 Nguni't sila'y nanghimagsik laban sa akin, at hindi nakinig sa akin; hindi itinakuwil ng bawa't isa sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga mata, o nilimot man nila ang mga diosdiosan sa Egipto. Nang magkagayo'y sinabi kong (J)aking ibubuhos sa kanila ang aking kapusukan, upang ganapin ko ang aking galit laban sa kanila, sa gitna ng lupain ng Egipto.
9 (K)Nguni't ako'y gumawa (L)alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na kinaroroonan nila, na sa mga paningin nila ay napakilala ako sa kanila, sa paglalabas ko sa kanila sa lupain ng Egipto.
10 Sa gayo'y pinalabas ko sila mula sa lupain (M)ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang.
11 At ibinigay ko (N)sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon.
12 Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga (O)sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na (P)ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
13 Nguni't ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin sa ilang: sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, na kung gawin ng tao, ay mabubuhay sa mga yaon; at ang aking mga sabbath ay kanilang nilapastangang mainam. (Q)Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila sa (R)ilang, upang lipulin sila.
14 Nguni't ako'y gumawa (S)alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay aking inilabas sila.
15 Bukod dito'y (T)iginawad ko naman ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang huwag ko silang dalhin sa lupain na aking ibinigay sa kanila, na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain;
16 Sapagka't kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, at hindi nagsilakad ng gayon sa aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang aking mga sabbath: sapagka't ang kanilang puso ay (U)nagsisunod sa kanilang mga diosdiosan.
17 Gayon ma'y ang aking mata ay nagpatawad (V)sa kanila at hindi ko sila nilipol, o ginawan ko man sila ng lubos na kawakasan sa ilang.
18 At sinabi ko sa kanilang mga anak sa ilang, Huwag kayong magsilakad ng ayon sa mga (W)palatuntunan ng inyong mga magulang, o ingatan man ang kanilang mga kahatulan, o magpakahawa man sa kanilang mga diosdiosan:
19 Ako ang Panginoon ninyong Dios: (X)magsilakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at ingatan ninyo ang aking mga kahatulan, at inyong isagawa;
20 At inyong ipangilin ang aking mga (Y)sabbath; at mga (Z)magiging tanda sa akin at sa inyo, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios.
21 Nguni't (AA)ang mga anak ay nanganghimagsik laban sa akin; sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o nangagingat man ng aking mga kahatulan upang isagawa, na kung gawin ng tao ay mabubuhay sa mga yaon: kanilang nilapastangan ang aking mga sabbath. Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila, upang ganapin ang aking galit sa kanila sa ilang.
22 Gayon ma'y iniurong ko ang aking kamay, gumawa ako alang-alang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay inilabas ko sila.
23 Bukod dito'y itinaas ko ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang pangalatin ko (AB)sila sa gitna ng mga bansa, at panabugin sila sa mga lupain;
24 Sapagka't hindi nila isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi itinakuwil ang aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang aking mga sabbath, at ang kanilang mga mata'y nakasunod sa mga diosdiosan ng kanilang mga magulang.
25 (AC)Bukod dito'y binigyan ko sila ng mga palatuntunan na hindi mabuti, at ng mga kahatulan na hindi nila kabubuhayan;
26 At ipinariwara ko sila sa kanilang sariling mga kaloob, sa kanilang (AD)pagpaparaan sa apoy ng lahat na nangagbubukas ng bahay-bata, upang aking ipahamak sila, (AE)upang kanilang maalaman na ako ang Panginoon.
27 Kaya't, anak ng tao, salitain mo sa sangbahayan ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa ganito ma'y nilapastangan ako ng inyong mga magulang, sa kanilang pagsalangsang laban sa akin.
28 Sapagka't nang dalhin ko sila sa lupain, na aking pinaggawaran ng aking kamay upang ibigay ko sa kanila, kanila ngang nakita ang (AF)lahat na mataas na burol, at lahat na mayabong na punong kahoy, at inihandog nila roon ang kanilang mga hain, at doo'y kanilang iniharap ang nakagagalit nilang handog; nagsuob rin sila roon ng kanilang pabango, at ibinuhos nila roon ang kanilang mga inuming handog.
29 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Anong kahulugan ng mataas na dako na inyong pinaroroonan? Sa gayo'y ang pangalan niyaon ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito.
30 Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nangagpakarumi baga kayo ng ayon sa paraan ng inyong mga magulang? at kayo baga'y nagpatutot ng ayon sa kanilang mga kasuklamsuklam?
31 At pagka inyong (AG)inihahandog ang inyong mga kaloob, pagka, inyong pinararaan sa apoy ang inyong mga anak, nangagpapakarumi baga kayo sa lahat ninyong diosdiosan hanggang sa araw na ito? at ako baga'y mapagsasanggunian ninyo, Oh sangbahayan ni Israel? (AH)Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ninyo ako mapagsasanggunian;
32 At ang nagmumula sa inyong pagiisip ay (AI)hindi mangyayari sa anomang paraan, sa inyong sinasabi, (AJ)Kami ay magiging gaya ng mga bansa; na gaya ng mga angkan ng mga lupain upang mangaglingkod sa (AK)kahoy at bato.
Ang hinaharap na pagkatayong muli ng Israel.
33 Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsalang sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubugso, ay maghahari ako sa inyo.
34 At ilalabas ko kayo na mula sa mga bayan, at pipisanin ko kayo na mula sa mga lupain, na inyong pinangalatan, sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubuhos;
35 At aking dadalhin kayo sa (AL)ilang ng mga bayan, at doo'y makikipagkatuwiranan ako (AM)sa inyo (AN)ng harapan.
36 Kung paanong ako'y nakipagkatuwiranan sa inyong mga (AO)magulang sa ilang ng lupain ng Egipto, gayon ako makikipagkatuwiranan sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.
37 At (AP)pararaanin ko kayo sa ilalim ng tungkod, at dadalhin ko kayo sa pakikipagkasundo ng tipan;
38 At (AQ)aking lilinisin sa gitna ninyo ang mga mapanghimagsik, at ang mga nagsisisalangsang laban sa akin; aking ilalabas sila sa lupaing kanilang pinangingibahang bayan, nguni't hindi sila magsisipasok (AR)sa lupain ng Israel: at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
39 Tungkol sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; (AS)magsiyaon kayo, maglingkod bawa't isa sa kaniyang mga diosdiosan, at sa haharapin man, kung hindi ninyo ako didinggin; nguni't ang aking banal na pangalan ay (AT)hindi na ninyo lalapastanganin ng (AU)inyong mga kaloob, at ng inyong mga diosdiosan.
40 Sapagka't (AV)sa aking banal na bundok, sa bundok na kaitaasan ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, doon ako paglilingkuran sa lupain ng buong sangbahayan ni Israel, nilang lahat: doo'y (AW)tatanggapin ko sila, at doon ko (AX)hihingin ang inyong mga handog, at ang mga unang bunga na inyong mga alay, sangpu ng lahat ninyong banal na bagay.
41 Parang masarap na amoy na tatanggapin ko kayo, pagka kayo'y aking naihiwalay sa mga bayan, at napisan ko kayo mula sa mga lupain na inyong pinangalatan; at (AY)ako'y ipaari ninyong banal sa paningin ng mga bansa.
42 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka kayo'y aking ipapasok sa lupain ng Israel, sa lupain na aking pinagtaasan ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga magulang.
43 At doo'y maaalaala (AZ)ninyo ang inyong mga lakad, at lahat ng inyong gawa, na inyong pinagpakadumhan; (BA)at inyong kayayamutan ang inyong sarili sa inyong sariling paningin dahil sa lahat ninyong kasamaan na inyong ginawa.
44 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nakagawa na sa inyo alangalang sa aking pangalan, hindi ayon sa inyong mga masamang lakad, o ayon sa inyong mga masamang gawa man, Oh ninyong sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.
Ang hula laban sa gubat ng timugan.
45 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
46 Anak ng tao, (BB)itingin mo ang iyong mukha sa dakong timugan, at magbadya ka ng iyong salita sa dakong timugan, at manghula ka laban sa gubat ng parang sa Timugan;
47 At sabihin mo sa gubat ng Timugan, Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking papagniningasin ang isang apoy sa iyo, at susupukin ang (BC)bawa't sariwang punong kahoy sa iyo, at ang bawa't tuyong punong kahoy: ang maalab na liyab at hindi mapapatay, at ang lahat na mukha na (BD)mula sa timugan hanggang sa hilagaan ay masusunog sa liyab.
48 At malalaman ng lahat ng tao na akong Panginoon ang nagpaalab niyaon; hindi mapapatay.
49 Nang magkagayo'y sinabi ko: Ah Panginoong Dios! sinasabi nila sa akin, Hindi baga siya'y mapagsalita ng mga (BE)talinghaga?
Sa Pangulong Manunugtog. Awit, Salmo.
66 Magkaingay kayong may kagalakan (A)sa Dios, buong lupa.
2 Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan:
Paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
3 Inyong sabihin sa Dios, (B)Napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa!
Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
4 Buong lupa ay sasamba sa iyo,
At aawit sa iyo;
Sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
5 (C)Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios;
Siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
6 (D)Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat:
Sila'y nagsidaan ng paa sa ilog:
Doo'y nangagalak kami sa kaniya.
7 Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man:
Papansinin (E)ng kaniyang mga mata ang mga bansa:
Huwag mangagpakabunyi (F)ang mga manghihimagsik. (Selah)
8 Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
9 Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (G)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(H)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (I)ang mga tao sa aming mga ulo;
(J)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (K)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (L)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (M)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (N)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.
67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(O)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
2 (P)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (Q)sa lahat ng mga bansa.
3 (R)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
6 Isinibol (S)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
7 Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (T)mangatatakot sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978