M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang kaban sa bahay ni Dagon.
5 Kinuha nga ng mga Filisteo ang kaban ng Dios, at kanilang dinala sa (A)Asdod mula sa (B)Eben-ezer.
2 At kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Dios at ipinasok sa bahay ni Dagon, at inilagay sa tabi ni (C)Dagon.
3 At nang bumangong maaga ang mga taga Asdod ng kinaumagahan, narito, si Dagon ay (D)buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon. At kanilang kinuha si Dagon, at inilagay siya uli sa dako niyang kinaroroonan.
4 At nang sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, narito, si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon; (E)at ang ulo ni Dagon at gayon din ang mga palad ng kaniyang mga kamay ay putol na nasa tayuan ng pintuan; ang katawan lamang ang naiwan sa kaniya.
5 Kaya't ang mga saserdote man ni Dagon, o ang sinomang nanasok sa bahay ni Dagon, ay hindi itinutungtong ang paa sa tayuan ng pintuan ni Dagon sa Asdod, hanggang sa araw na ito.
Ang mga bayan ng Filisteo ay pinarusahan.
6 Nguni't (F)ang kamay ng Panginoon ay bumigat sa mga taga Asdod, at mga (G)ipinahamak niya, at mga sinaktan ng mga (H)bukol, sa makatuwid baga'y ang Asdod at ang mga hangganan niyaon.
7 At nang makita ng mga lalake sa Asdod na gayon, ay kanilang sinabi, Ang kaban ng Dios ng Israel ay huwag matirang kasama natin; sapagka't ang kaniyang kamay ay mabigat sa atin, at kay Dagon ating dios.
8 Sila'y nagsugo nga at nagpipisan ang lahat ng mga (I)pangulo ng mga Filisteo sa kanila at sinabi, Ano ang ating gagawin sa kaban ng Dios ng Israel? At sila'y sumagot, Dalhin sa (J)Gath ang kaban ng Dios ng Israel. At kanilang dinala roon ang kaban ng Dios ng Israel.
9 At nangyari, na pagkatapos na kanilang madala, (K)ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa bayan, na nagkaroon ng malaking pagkalito: at sinaktan niya ang mga tao sa bayan, ang maliit at gayon din ang malaki; at mga bukol ay sumibol sa kanila.
10 Sa gayo'y kanilang ipinadala ang kaban ng Dios sa (L)Ecron. At nangyari, pagdating ng kaban ng Dios sa Ecron, na ang mga Ecronita ay sumigaw, na nagsasabi, Kanilang dinala sa atin ang kaban ng Dios ng Israel, upang patayin tayo at ang ating bayan.
11 Pinasuguan nga nilang magpipisan ang lahat ng pangulo ng mga Filisteo, at kanilang sinabi, Ipadala ninyo ang kaban ng Dios ng Israel, at ipabalik ninyo sa kaniyang sariling dako, upang huwag kaming patayin at ang aming bayan. Sapagka't nagkaroon ng panglitong ikamamatay sa buong bayan: (M)ang kamay ng Dios ay totoong bumigat doon.
12 At ang mga lalaking hindi namatay ay nasaktan ng mga bukol; at ang daing ng bayan ay umabot sa langit.
Ang kaban ay isinauli na may kasamang handog.
6 At ang kaban ng Panginoon ay napasa lupain ng mga Filisteo na pitong buwan.
2 At (N)tinawag ng mga Filisteo ang mga saserdote at ang mga manghuhula, na sinasabi, Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kaniyang dako.
3 At kanilang sinabi, Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel, ay (O)huwag ninyong ipadalang walang laman; (P)kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala: kung magkagayo'y gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo.
4 Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong (Q)dagá (R)ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo.
5 Kaya't kayo'y gagawa ng mga larawan ng inyong mga bukol, at mga larawan ng inyong mga daga na (S)sumira ng lupain, (T)at inyong bibigyan ng kaluwalhatian ang Dios ng Israel: (U)baka sakaling kaniyang gaanan ang kaniyang kamay (V)sa inyo, at sa inyong mga dios, at sa inyong lupain.
6 Bakit nga ninyo pinapagmamatigas ang inyong puso, na (W)gaya ng mga taga Egipto at ni Faraon na pinapagmatigas ang kanilang puso? Nang siya'y makagawa ng kahangahanga sa kanila, di ba nila pinayaon ang bayan, at sila'y yumaon?
7 (X)Ngayon nga'y kumuha kayo at maghanda kayo ng isang bagong karo, (Y)at dalawang bagong bakang gatasan, na hindi napatungan ng pamatok; at ikabit ninyo ang mga baka sa karo, at iuwi ninyo ang kanilang mga guya.
8 At kunin ninyo ang kaban ng Panginoon, at isilid ninyo sa karo; at isilid ninyo sa isang kahang nasa tabi niyaon ang mga hiyas na ginto na inyong ibabalik sa kaniya na pinakahandog dahil sa pagkakasala; at inyong ipadala upang yumaon.
9 At tingnan ninyo; kung umahon sa daan ng kaniyang sariling hangganan sa (Z)Beth-semes, ginawa nga niya sa atin ang malaking kasamaang ito: nguni't kung hindi, malalaman nga natin na hindi kaniyang kamay ang nanakit sa atin; isang pagkakataong nangyari sa atin.
10 At ginawang gayon ng mga lalake, at kumuha ng dalawang bagong bakang gatasan, at mga ikinabit sa karo, at kinulong ang kanilang mga guya sa bahay:
11 At kanilang inilagay ang kaban ng Panginoon sa karo, at ang kaha na may mga dagang ginto at mga larawan ng kanilang mga bukol.
12 At tinuwid ng mga baka ang daan sa Beth-semes; sila'y nagpatuloy sa (AA)lansangan, na umuungal habang yumayaon, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa; at ang mga pangulo ng mga Filisteo ay sumunod sa kanila hanggang sa hangganan ng Beth-semes.
13 At silang mga Beth-semita ay umaani ng kanilang trigo sa libis: at kanilang itiningin ang kanilang mga mata, at nakita ang kaban, at nangagalak sa pagkakita niyaon.
14 At ang karo ay pumasok sa bukid ni Josue na Beth-semita, at tumayo roon, sa kinaroroonan ng isang malaking bato: at kanilang biniyak ang kahoy ng karo, at inihandog sa Panginoon ang mga baka na pinakahandog na susunugin.
15 At ibinaba ng mga Levita ang kaban ng Panginoon, at ang kaha na kasama niyaon, na may silid na mga hiyas na ginto, at mga ipinatong sa malaking bato at ang mga lalake sa (AB)Beth-semes ay naghandog ng mga handog na susunugin at naghain ng mga hain ng araw ding yaon sa Panginoon.
16 At nang (AC)makita ng limang pangulo ng mga Filisteo, ay bumalik sa (AD)Ecron nang araw ding yaon.
17 At ito ang mga bukol na ginto na ibinalik ng mga Filisteo sa Panginoon na pinakahandog dahil sa pagkakasala: sa (AE)Asdod ay isa, sa (AF)Gaza ay isa, sa (AG)Ascalon ay isa, sa (AH)Gath ay isa, sa Ecron ay isa;
18 At ang mga dagang ginto, ayon sa bilang ng lahat ng mga bayan ng mga Filisteo na nauukol sa limang pangulo, ng mga bayan na nakukutaan at gayon din ng mga (AI)nayon sa parang; sa makatuwid baga'y hanggang sa (AJ)malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon, na ang batong yaon ay namamalagi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na Beth-semita.
19 At sumakit ang (AK)Dios sa mga tao sa Beth-semes, sapagka't kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon, sa makatuwid baga'y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao. At ang bayan ay nanaghoy, sapagka't sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay.
20 At ang mga lalake sa Beth-semes ay nagsabi, (AL)Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoon, dito sa banal na (AM)Dios? at sino ang kaniyang sasampahin mula sa atin?
21 At sila'y nagsugo ng mga sugo sa mga tumatahan sa (AN)Chiriath-jearim, na nagsasabi, Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon; kayo'y magsilusong at iahon ninyo sa inyo.
5 Yaman nga na (A)mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong (B)kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;
2 Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo (C)ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at (D)nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.
3 At hindi lamang gayon, kundi naman (E)nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian (F)na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;
4 At ang katiyagaan, (G)ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:
5 At ang pagasa ay (H)hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.
6 Sapagka't (I)nang tayo ay mahihina pa ay (J)namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.
7 Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay.
8 Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.
9 Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap (K)sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo (L)sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.
10 Sapagka't (M)kung, noong tayo'y mga kaaway (N)ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo (O)sa kaniyang buhay;
11 At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.
12 Kaya, (P)kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y (Q)sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:—
13 Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't (R)hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.
14 Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam, (S)na siyang anyo niyaong darating.
15 Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo.
16 At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka't ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa't ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.
17 Sapagka't kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
18 Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating (T)sa lahat ng mga tao sa (U)ikaaaring-ganap ng buhay.
19 Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.
20 At bukod sa rito ay pumasok (V)ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay (W)nanaganang lubha ang biyaya:
21 Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman (X)ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa (Y)ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin.
Si Jeremias at ang mga nalabi sa Juda ay dinala sa Egipto.
43 At nangyari, na nang si Jeremias ay makatapos ng pagsasalita sa buong bayan ng lahat ng mga salita ng Panginoon nilang Dios, na ipinasugo sa kaniya ng Panginoon nilang Dios sa kanila, sa makatuwid ang lahat ng mga salitang ito;
2 Nagsalita nga kay Jeremias si Azarias na (A)anak ni Osaias, at si (B)Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na palalong lalake, na nangagsasabi, Ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan: hindi ka sinugo ng Panginoon nating Dios, na magsabi, Kayo'y huwag magsisiparoon sa Egipto na mangibang bayan doon;
3 Kundi hinikayat ka ni (C)Baruch na anak ni Nerias laban sa amin, upang ibigay kami sa kamay ng mga Caldeo, upang maipapatay nila kami, at mangadala kaming bihag sa Babilonia.
4 Sa gayo'y si Johanan na anak ni Carea, at (D)ang lahat na kapitan sa mga kawal, at ang buong bayan, ay hindi nagsitalima sa tinig ng Panginoon na tumahan sa lupain ng Juda.
5 Kundi kinuha ni Johanan na anak ni Carea, at ng lahat na kapitan sa mga kawal ang buong nalabi sa Juda na nagbalik na mula sa lahat ng mga bansa na pinagtabuyan nila na mangibang bayan sa lupain ng Juda;
6 Ang mga lalake, at ang mga babae, at ang mga bata, (E)at ang mga anak na babae ng hari, (F)at bawa't tao na naiwan ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay na kasama ni Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, at si Jeremias na propeta, at si Baruch na anak ni Nerias:
7 At sila'y nagsipasok sa lupain ng Egipto; sapagka't hindi nila tinalima ang tinig ng Panginoon: at sila'y nagsiparoon hanggang sa (G)Taphnes.
Ang pagkatalo ng Egipto ay hinulaan.
8 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias sa Taphnes, na nagsasabi,
9 Magtangan ka ng mga malaking bato sa iyong kamay, at iyong kublihan ng argamasa sa nalaladrillohan, na nasa pasukan ng bahay ni Faraon, sa Taphnes sa paningin ng mga tao sa Juda;
10 At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magsusugo at kukunin ko si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na (H)aking lingkod, at aking ilalagay ang kaniyang luklukan sa mga batong ito na aking ikinubli; at kaniyang ilaladlad ang kaniyang pabillong hari sa mga yaon.
11 At siya'y paririto, at kaniyang sasaktan ang lupain ng Egipto; na yaong sa pagkamatay ay mabibigay sa kamatayan, at yaong sa pagkabihag ay sa pagkabihag, at yaong sa tabak ay sa tabak.
12 At ako'y magsisilab ng apoy sa mga bahay ng (I)mga dios ng Egipto; at kaniyang mga susunugin, at sila'y (J)dadalhing bihag: at kaniyang aariin ang lupain ng Egipto na parang pastor na nagaari ng kaniyang kasuutan; at siya'y lalabas na payapa mula riyan.
13 Kaniya ring babaliin ang mga haligi ng Beth-semes na nasa lupain ng Egipto; at ang mga bahay ng mga dios ng Egipto ay susunugin ng apoy.
Ang gawa at salita ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
19 Ang (A)kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios;
(B)At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
2 Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,
At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
3 Walang pananalita o wika man;
Ang kanilang tinig ay hindi marinig.
4 (C)Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan.
Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
5 Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid.
(D)At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
6 Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,
At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon:
At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
7 Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa:
Ang (E)patotoo ng Panginoon ay tunay, (F)na nagpapapantas sa hangal.
8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso:
(G)Ang utos ng Panginoon ay dalisay, (H)na nagpapaliwanag ng mga mata.
9 Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man:
Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.
10 (I)Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto:
(J)Lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.
11 Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod:
(K)Sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.
12 Sinong makasisiyasat (L)ng kaniyang mga kamalian?
(M)Paliwanagan mo ako (N)sa mga kubling kamalian.
13 (O)Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala:
(P)Huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako,
At magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.
14 (Q)Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin,
Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking (R)manunubos.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978