Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Historical

Read the books of the Bible as they were written historically, according to the estimated date of their writing.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Efeso 4-6

Namamanhik nga (A)sa inyo akong (B)bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,

Ng buong kapakumbabaan (C)at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;

Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu (D)sa tali ng kapayapaan.

May (E)isang katawan, at (F)isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang (G)pagasa ng pagtawag sa inyo;

Isang (H)Panginoon, (I)isang pananampalataya, isang bautismo,

(J)Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang (K)sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.

Datapuwa't (L)ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.

Kaya't sinasabi niya,

(M)Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.

(Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa (N)mga dakong kalaliman ng lupa?

10 Ang bumaba ay siya rin namang (O)umakyat (P)sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, (Q)upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)

11 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging (R)mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y (S)evangelista; at ang mga iba'y (T)pastor at (U)mga guro;

12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay (V)ng katawan ni Cristo:

13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng (W)kapuspusan ni Cristo:

14 Upang tayo'y huwag nang maging (X)mga bata pa, (Y)na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;

15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, (Z)ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;

16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan (AA)na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.

17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, (AB)na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, (AC)sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,

18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, (AD)ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa (AE)kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;

19 Na sila (AF)sa (AG)di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.

20 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;

21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, (AH)at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.

22 At (AI)inyong iwan, (AJ)tungkol sa (AK)paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, (AL)ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;

23 At (AM)kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,

24 At kayo'y mangagbihis (AN)ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

25 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, (AO)ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y (AP)mga sangkap na isa't isa sa atin.

26 Kayo'y mangagalit (AQ)at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:

27 Ni bigyan daan man ang diablo.

28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, (AR)na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, (AS)upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.

29 (AT)Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng (AU)biyaya ang mga nagsisipakinig.

30 At (AV)huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, (AW)na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng (AX)pagkatubos.

31 Ang lahat ng kapaitan, (AY)at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:

32 At (AZ)magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, (BA)na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Kayo (BB)nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal;

At magsilakad kayo sa pagibig, (BC)gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na (BD)hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.

Nguni't ang (BE)pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal;

O (BF)ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.

Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, (BG)na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, (BH)ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.

Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't (BI)dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios (BJ)sa mga anak ng pagsuway.

Huwag kayong makibahagi sa kanila;

Sapagka't noong panahon (BK)kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon (BL)kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga (BM)anak ng kaliwanagan

(Sapagka't (BN)ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),

10 Na inyong pinatutunayan (BO)ang kinalulugdan ng Panginoon;

11 At huwag kayong makibahagi sa (BP)mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;

12 Sapagka't ang mga bagay na (BQ)ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.

13 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.

14 Kaya sinasabi niya, (BR)Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.

15 Mangagingat (BS)nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;

16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.

17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, (BT)kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

18 At (BU)huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;

19 Na kayo'y mangagusapan (BV)ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;

20 Na kayo'y laging magpasalamat (BW)sa lahat ng mga bagay (BX)sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa (BY)Dios na ating Ama;

21 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo.

22 Mga babae, (BZ)pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na (CA)gaya ng sa Panginoon.

23 Sapagka't ang lalake (CB)ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas (CC)ng katawan.

24 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

25 Mga lalake, (CD)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at (CE)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis (CF)sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig (CG)na may salita,

27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na (CH)maluwalhati, na (CI)walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; (CJ)kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.

28 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:

29 Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;

30 Sapagka't (CK)tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.

31 Dahil dito'y (CL)iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.

32 Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.

33 (CM)Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay (CN)gumalang sa kaniyang asawa.

Mga anak, (CO)magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.

Igalang mo ang iyong ama (CP)at ina (na siyang unang utos na may pangako),

Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.

At, (CQ)kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi (CR)inyong turuan sila ayon sa saway at (CS)aral ng Panginoon.

Mga alipin, (CT)magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, (CU)na may takot at panginginig, sa (CV)katapatan ng inyong puso, na (CW)gaya ng kay Cristo;

Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga (CX)alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;

(CY)Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao:

Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, (CZ)ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, (DA)maging alipin o laya.

At kayong (DB)mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, (DC)at sa kaniya'y walang itinatanging tao.

10 Sa katapustapusa'y (DD)magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.

11 Mangagbihis kayo ng (DE)buong kagayakan (DF)ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.

12 Sapagka't (DG)ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa (DH)mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga (DI)namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal (DJ)sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.

14 (DK)Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na (DL)may sakbat na baluti ng katuwiran,

15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;

16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.

17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at (DM)ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

18 (DN)Na magsipanalangin kayo (DO)sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at (DP)daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, (DQ)upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan (DR)ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito (DS)ako'y isang sugong (DT)natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain.

21 Datapuwa't (DU)upang mangaalaman ninyo naman ang mga bagay na ukol sa akin, at ang kalagayan ko, si Tiquico na aking minamahal na kapatid at tapat na ministro sa Panginoon, ay siyang magpapakilala sa inyo (DV)ng lahat ng mga bagay:

22 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang makilala ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso.

23 Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at pagibig na may pananampalataya, mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.

24 Ang biyaya nawa'y sumalahat ng mga nagsisiibig sa ating Panginoong Jesucristo ng pagibig na walang pagkasira. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978