Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the Gospels in 40 Days

Read through the four Gospels--Matthew, Mark, Luke, and John--in 40 days.
Duration: 40 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Juan 15-16

Si Jesus ang Tunay na Puno ng Ubas

15 “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga.

Ang bawat sanga sa akin na hindi nagbubunga ay inaalis niya; at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis niya upang lalong magbunga.

Kayo'y malilinis na sa pamamagitan ng salita na aking sinabi sa inyo.

Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na hindi magbubunga buhat sa kanyang sarili malibang nakakabit sa puno, gayundin naman kayo, malibang kayo'y manatili sa akin.

Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako'y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami. Sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.

Kung ang sinuman ay hindi manatili sa akin, siya'y itatapong katulad ng sanga at matutuyo, at sila ay titipunin at ihahagis sa apoy at masusunog.

Kung kayo'y mananatili sa akin, at ang mga salita ko'y mananatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang inyong nais, at ito'y gagawin para sa inyo.

Sa pamamagitan nito'y naluluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magbunga ng marami, at maging mga alagad ko.

Kung paanong minahal ako ng Ama, ay gayundin naman minamahal ko kayo. Manatili kayo sa aking pagmamahal.

10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay mananatili kayo sa aking pag-ibig gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.

11 Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay mapasainyo, at ang inyong kagalakan ay malubos.

12 Ito(A) ang aking utos, na kayo'y magmahalan sa isa't isa, gaya ng pagmamahal ko sa inyo.

13 Walang may higit pang dakilang pag-ibig kaysa rito, na ibigay ng isang tao ang kanyang buhay dahil sa kanyang mga kaibigan.

14 Kayo'y aking mga kaibigan kung ginagawa ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo.

15 Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin, sapagkat hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Ngunit tinatawag ko kayong mga kaibigan sapagkat ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay ipinaalam ko sa inyo.

16 Ako'y hindi ninyo pinili, ngunit kayo'y pinili ko, at itinalaga ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga, at ang mga bunga ninyo'y mananatili, upang ang anumang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan ay ibigay niya sa inyo.

17 Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, upang kayo'y magmahalan sa isa't isa.

Poot ng Sanlibutan

18 “Kung kayo'y kinapopootan ng sanlibutan, ay alamin ninyo na ako muna ang kinapootan nito bago kayo.

19 Kung kayo'y taga-sanlibutan, iibigin kayo ng sanlibutan na parang sa kanya. Ngunit dahil kayo'y hindi taga-sanlibutan, kundi kayo'y pinili ko mula sa sanlibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan.

20 Alalahanin(B) ninyo ang salitang sinabi ko sa inyo, ‘Ang alipin ay hindi higit na dakila kaysa kanyang panginoon.’ Kung ako'y kanilang inusig, kayo man ay kanilang uusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din nila.

21 Subalit ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagsugo sa akin.

22 Kung hindi ako dumating at nagsalita sa kanila ay hindi sana sila nagkasala. Subalit ngayo'y wala na silang maidadahilan sa kanilang kasalanan.

23 Ang napopoot sa akin ay napopoot din sa aking Ama.

24 Kung ako'y hindi gumawa sa gitna nila ng mga gawang hindi ginawa ng sinuman, hindi sana sila nagkaroon ng kasalanan. Subalit ngayon ay kanilang nakita at kinapootan nila ako at ang aking Ama.

25 Ito(C) ay upang matupad ang salitang nasusulat sa kanilang kautusan, ‘Ako'y kinapootan nila nang walang kadahilanan.’

26 Subalit kapag dumating na ang Mang-aaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan, na mula sa Ama, siya ang magpapatotoo tungkol sa akin.

27 At kayo rin ay magpapatotoo, sapagkat kayo'y nakasama ko buhat pa nang simula.

16 “Ang mga bagay na ito'y sinabi sa inyo upang kayo'y huwag matisod.

Kayo'y palalayasin nila sa mga sinagoga. Talagang darating ang oras na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang naghahandog siya ng paglilingkod sa Diyos.

At ang mga bagay na ito'y gagawin nila sapagkat hindi nila nakikilala ang Ama o ako man.

Subalit ang mga bagay na ito'y sinabi ko sa inyo, upang kung dumating ang kanilang oras ay inyong maalala na sinabihan ko kayo tungkol sa kanila. At ang mga bagay na ito'y hindi ko sinabi sa inyo buhat nang pasimula, sapagkat ako'y kasama ninyo.

Subalit ngayon ako'y pupunta sa nagsugo sa akin. Ngunit walang sinuman sa inyo ang nagtanong sa akin, ‘Saan ka pupunta?’

Ngunit dahil sa sinabi ko ang mga bagay na ito sa inyo, napuno ng lungkot ang inyong puso.

Gayunma'y sinasabi ko sa inyo ang katotohanan. Makakabuti sa inyo na ako'y umalis, sapagkat kung hindi ako aalis, ang Mang-aaliw ay hindi darating sa inyo. Ngunit kung ako'y umalis, siya'y susuguin ko sa inyo.

At pagdating niya, kanyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa kahatulan:

tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila sumasampalataya sa akin;

10 tungkol sa katuwiran, sapagkat ako'y pupunta sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita;

11 tungkol sa kahatulan, sapagkat ang pinuno ng sanlibutang ito ay hinatulan na.

12 Mayroon pa akong maraming bagay na sasabihin sa inyo, ngunit hindi ninyo kayang dalhin sa ngayon.

13 Subalit kapag dumating na ang Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan. Sapagkat hindi siya magsasalita nang mula sa kanyang sarili, kundi ang anumang bagay na kanyang marinig, iyon ang kanyang sasabihin at kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na darating.

14 Luluwalhatiin niya ako, sapagkat kanyang tatanggapin ang sa akin, at sa inyo'y ipahahayag niya.

15 Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin, kaya sinabi ko na kanyang tatanggapin ang sa akin, at sa inyo'y ipahahayag.

Kalungkutan at Kagalakan

16 “Sandali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita, at muling sandali pa, at ako'y inyong makikita.”

17 Ang ilan sa kanyang mga alagad ay nagsabi sa isa't isa, “Ano itong sinasabi niya sa atin, ‘Sandali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita, at muling sandali pa, at ako'y inyong makikita’ at, ‘Sapagkat ako'y pupunta sa Ama?’”

18 Sinabi nila, “Ano ang ibig niyang sabihin na, ‘Sandali na lamang?’ Hindi natin alam kung ano ang sinasabi niya.”

19 Nalaman ni Jesus na ibig nilang magtanong sa kanya, kaya't sinabi niya sa kanila, “Nagtatanungan ba kayo tungkol dito sa aking sinabi, ‘Sandali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita, at muling sandali pa, at ako'y inyong makikita?’

20 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo'y iiyak at tatangis, subalit ang sanlibutan ay magagalak. Kayo'y malulungkot, subalit ang inyong kalungkutan ay magiging kagalakan.

21 Kapag ang babae ay nanganganak, siya ay nahihirapan sapagkat dumating na ang kanyang oras. Ngunit pagkapanganak niya sa sanggol ay hindi na niya naaalala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanlibutan.

22 Kayo sa ngayon ay may kalungkutan, ngunit muli ko kayong makikita. Magagalak ang inyong puso, at walang makakapag-alis sa inyo ng inyong kagalakan.

23 Sa araw na iyon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anuman. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung kayo'y hihingi ng anuman sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya ito sa inyo.[a]

24 Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anuman sa pangalan ko. Kayo'y humingi at kayo'y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.

Pagtatagumpay Laban sa Sanlibutan

25 “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito sa paraang patalinghaga. Darating ang oras, na hindi na ako magsasalita sa inyo nang patalinghaga, kundi maliwanag na sa inyo'y sasabihin ko ang tungkol sa Ama.

26 Sa araw na iyon ay hihingi kayo sa aking pangalan, at hindi ko sinasabi sa inyo na ako'y hihingi sa Ama para sa inyo.

27 Sapagkat ang Ama mismo ang nagmamahal sa inyo, sapagkat ako'y inyong minahal, at kayo'y nanampalataya na ako'y buhat sa Diyos.[b]

28 Ako'y nagbuhat sa Ama at dumating ako sa sanlibutan. Muli, iiwan ko ang sanlibutan, at ako'y pupunta sa Ama.”

29 Sinasabi ng kanyang mga alagad, “Oo nga, ngayo'y nagsasalita kang malinaw, at hindi patalinghaga.

30 Ngayon ay nalalaman namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay, at hindi na kailangang tanungin ka ng sinuman. Dahil dito'y sumasampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Diyos.”

31 Sinagot sila ni Jesus, “Ngayon ba ay sumasampalataya na kayo?

32 Narito, ang oras ay dumarating, at dumating na nga, na kayo'y magkakawatak-watak, ang bawat isa sa kanyang sarili, at ako'y iiwan ninyong mag-isa. Subalit hindi ako nag-iisa, sapagkat ang Ama ay kasama ko.

33 Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo, upang sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa paguusig. Ngunit lakasan ninyo ang inyong loob, dinaig ko na ang sanlibutan.”

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001