Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
5 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang (A)kaalaman;
6 At sa kaalaman ay ang (B)pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang (C)pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang (D)kabanalan;
7 At sa kabanalan ay ang (E)mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang (F)pagibig.
8 Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.
9 Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito (G)ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng (H)paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.
10 Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa (I)pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay (J)hindi kayo mangatitisod kailan man:
11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok (K)sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978