Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
13 Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, Ako'y tinutukso ng Dios; sapagka't ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man:
14 Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila (A)ng sariling masamang pita at nahihikayat.
15 Kung magkagayo'y ang kahalayan, (B)kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay (C)namumunga ng kamatayan.
16 Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid.
17 Ang bawa't mabuting kaloob (D)at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa (E)Ama ng mga ilaw, (F)na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.
18 (G)Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, (H)upang tayo'y maging isang uri ng mga (I)pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978