Chronological
Sinasabi ni Job na ang makasalanan ay namamatay na tulad din ng karaniwang tao.
24 Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat?
At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya?
2 May nagsisipagbago ng lindero;
Kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab.
3 Kanilang itinataboy ang asno ng ulila,
(A)Kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla.
4 (B)Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan:
(C)Ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama.
5 Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang,
Sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain;
Ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak.
6 Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain;
At kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama.
7 Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot.
At walang kumot sa ginaw.
8 Sila'y basa ng ulan sa mga bundok,
At (D)niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan.
9 May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso,
At nagsisikuha ng sangla ng dukha:
10 Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit,
At palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis;
11 Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito;
Sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw.
12 Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao,
At ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw;
Gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios.
13 Ito'y sa mga (E)nangaghihimagsik laban sa liwanag;
Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon,
Ni tumatahan man sa mga landas niyaon.
14 Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag,
Pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan;
At sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw.
15 Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay (F)ng pagtatakip-silim,
Na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin:
At nagiiba ng kaniyang mukha.
16 Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay:
Sila'y nagkukulong sa sarili kung araw;
Hindi nila nalalaman ang liwanag,
17 Sapagka't (G)ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman,
Sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.
18 (H)Siya'y matulin (I)sa ibabaw ng tubig;
Ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa:
Siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan.
19 Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng (J)tubig:
Gaya ng Sheol ng mga nagkakasala.
20 Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod;
Siya'y hindi na maaalaala pa:
At ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy.
21 Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak;
At hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao.
22 Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan
Siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay.
23 Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon;
At ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad.
24 Sila'y nangataas, (K)gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na.
Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba,
At nangaputol na gaya ng mga uhay.
25 At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling,
At magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita?
Ang ikatlong pagsasalita ni Bildad. Ang tao ay malaking kababaan sa Dios.
25 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
2 Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya;
Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga (L)mataas na dako.
3 May anomang (M)bilang ba sa kaniyang mga hukbo?
At doon (N)sa hindi sinisikatan ng (O)kaniyang liwanag?
4 (P)Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios?
O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.
5 Narito, pati ng buwan ay walang liwanag,
At ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:
6 Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod!
At ang anak ng tao, (Q)na isang uod!
Ang ika siyam na pagsasalita ni Job.
26 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan!
Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas!
3 Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan,
At saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman!
4 Kanino mo binigkas ang mga salita?
At kanino ang diwa na lumabas sa iyo?
5 (R)Ang mga patay ay nanginginig
Sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon.
6 (S)Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios,
At ang (T)Abaddon ay walang takip.
7 (U)Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman,
At ibinibitin ang lupa sa wala.
8 (V)Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap;
At ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila.
9 Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan,
At iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon.
10 (W)Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig,
Hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.
11 (X)Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig.
At nangatitigilan sa kaniyang saway.
12 Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan,
At sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab.
13 (Y)Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit;
Sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas.
14 Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan:
At pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya!
Nguni't sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan?
Ang pagasa ng makasalanan ay walang kabuluhan.
27 At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,
2 Buhay ang Dios, (Z)na siyang nagalis ng aking katuwiran,
At ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
3 (Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin,
At ang espiritu (AA)ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
4 Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan,
Ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
5 Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap:
(AB)Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
6 Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan:
(AC)Hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
7 Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama,
At ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
8 (AD)Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya,
Pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
9 (AE)Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak.
Pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
10 Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat,
At tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
11 Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios;
Ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
12 Narito, kayong lahat ay nangakakita;
Bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
13 (AF)Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios,
At ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
14 (AG)Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa (AH)tabak,
At ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
15 Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan,
(AI)At ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
16 Bagaman siya'y (AJ)magbunton ng pilak na parang alabok,
At maghahanda ng bihisan na parang putik;
17 Maihahanda niya, (AK)nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon.
At babahagihin ng walang sala ang pilak.
18 Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga,
At (AL)gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
19 Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya (AM)pupulutin;
Kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
20 (AN)Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na (AO)gaya ng tubig;
Bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
21 Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw;
At pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
22 Sapagka't (AP)hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad;
Siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
23 (AQ)Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya.
At (AR)hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.
Ang tao ay mainam kumita ng kayamanan sa sanglibutan.
28 Tunay na may mina na mayroong pilak,
At dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan.
2 Bakal ay hinuhukay sa lupa,
At tanso ay binububo mula sa bato.
3 Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman,
At sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan
Ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.
4 Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao:
Nililimot ng paa na dumadaan; Nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
5 Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay:
At sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.
6 Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro.
At ito'y may alabok na ginto.
7 Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam.
Ni nakita man ng mata ng falkon:
8 Hindi natungtungan ng mga palalong hayop,
Ni naraanan man ng mabangis na leon,
9 Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian;
Binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok.
10 Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato;
At ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay.
11 Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos;
At ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag.
Ang karunungan ay lalong mabuting kayamanan, na ang Dios lamang ang nakaaalam.
12 (AS)Nguni't saan masusumpungan ang karunungan?
At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
13 Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon;
Ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.
14 Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin:
At sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.
15 (AT)Hindi mabibili ng ginto,
Ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
16 Hindi mahahalagahan ng (AU)ginto sa Ophir,
Ng mahalagang onix, o ng zafiro.
17 Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon:
Ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto.
18 Hindi mabibilang ang coral o ang cristal;
Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga (AV)rubi.
19 Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon,
Ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto.
20 Saan nanggagaling nga ang karunungan?
At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
21 Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay,
At natatago sa mga ibon sa himpapawid.
22 Ang (AW)kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi,
Narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.
23 Nauunawa ng (AX)Dios ang daan niyaon,
At nalalaman niya ang dako niyaon.
24 Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa,
At nakikita ang silong ng buong langit;
25 (AY)Upang bigyan ng timbang ang hangin;
Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.
26 Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan,
At ng daan sa kidlat ng kulog:
27 Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag;
Kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat.
28 At sa tao ay sinabi niya,
Narito, (AZ)ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan;
At ang (BA)paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978