Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 4-6

Isinamo, at ipinayo sa Israel na magsisi.

Kung ikaw ay manunumbalik, Oh Israel, sabi ng Panginoon, kung ikaw ay (A)manunumbalik sa akin, at kung iyong aalisin ang iyong mga kasuklamsuklam sa aking paningin; (B)hindi ka nga makikilos;

At ikaw ay susumpa, Buháy ang Panginoon, sa katotohanan, sa kahatulan, at sa katuwiran; at ang mga bansa ay (C)magiging mapalad sa kaniya, at sa kaniya luluwalhati sila.

Ang Juda ay nanganganib na salakayin.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, (D)Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong (E)maghasik sa gitna ng mga tinik.

Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, (F)at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso, ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.

Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, (G)Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa (H)mga bayang nakukutaan.

Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: (I)sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at ng malaking paglipol.

Ang isang leon ay (J)sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na (K)walang mananahan.

Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, kayo'y magsipanaghoy at magsipanangis; sapagka't ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin.

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na ang puso ng hari ay mapapahamak, at ang puso ng mga prinsipe: at ang mga saserdote ay mangatitigilan, at ang mga propeta ay mangamamangha.

10 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios: (L)tunay na iyong dinayang lubha ang bayang ito at ang Jerusalem, na iyong sinabi, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan: gayon man ang tabak ay tumatalab sa buhay.

11 Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, (M)Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man:

12 Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila.

13 Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.

14 Oh Jerusalem, hugasan mo ang iyong puso sa kasamaan, upang ikaw ay maligtas. Hanggang kailan titigil sa loob mo ang iyong mga masamang pagiisip?

15 Sapagka't isang (N)tinig ay nagpapahayag (O)mula sa Dan, at nagbabalita ng kasamaan, mula sa mga burol ng Ephraim.

16 Inyong banggitin sa mga bansa: narito, inyong ibalita laban sa Jerusalem, na ang mga bantay ay nanggagaling sa malayong lupain, at inihihiyaw nila ang kanilang tinig laban sa mga bayan ng Juda.

17 Sila'y gaya ng mga bantay (P)sa parang, laban sa kaniya sa palibot, sapagka't siya'y naging mapanghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.

18 Ang iyong lakad at ang iyong mga gawa ay nagsikap ng mga bagay na ito (Q)sa iyo: ito ang iyong kasamaan; sapagka't napakasama, sapagka't tinataglay ng iyong puso.

Panaghoy sa pagkagiba ng Juda.

19 Ang hirap ko, ang hirap (R)ko! Ako'y nagdaramdam sa aking (S)puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.

20 Kagibaan (T)at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang (U)nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali.

21 Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?

22 Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; (V)sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.

23 Aking minasdan ang lupa, at, narito, (W)sira at walang laman; at ang langit ay (X)walang liwanag.

24 Aking minasdan ang mga bundok, (Y)at narito, nagsisiyanig, at ang lahat na burol ay nagsisiindayon.

25 Ako'y nagmasid, at, narito, walang tao, at (Z)lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas.

26 Ako'y nagmasid, at, narito, ang mainam na parang ay ilang, at, lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira sa harapan ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang mabangis na galit.

27 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang buong lupain ay magiging sira; (AA)gayon ma'y hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan.

28 Dahil dito (AB)ay tatangis ang lupa, at (AC)ang langit sa itaas ay magiging maitim: sapagka't aking sinalita, aking pinanukala, (AD)at hindi ako nagsisi, o akin mang tatalikuran.

29 Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana; sila'y nagsipasok sa mga kagubatan, at nangagukyabit sa mga malaking bato; bawa't bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.

30 At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; (AE)bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, (AF)bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; (AG)hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.

31 Sapagka't ako'y nakarinig ng tinig na gaya ng sa (AH)babaing nagdaramdam, ng daing ng gaya ng sa nanganganak sa panganay, ng tinig ng anak na babae ng Sion, na nagsisikip ang hininga, na naguunat ng kaniyang mga kamay, na nagsasabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang kaluluwa ko ay nanglulupaypay sa harap ng mga mamamatay tao.

Ang di pagkilala ng Jerusalem sa Panginoon ay tinutulan.

Magsitakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, (AI)kung kayo'y makakasumpong ng tao, (AJ)kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya.

At (AK)bagaman kanilang sinasabi, (AL)Buháy ang Panginoon; tunay na sila'y (AM)nagsisisumpa na may kasinungalingan.

Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang (AN)iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; (AO)kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Tunay na ang mga ito ay dukha; sila'y mga hangal; (AP)sapagka't hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon, o ng kahatulan ng kaniyang Dios.

Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't (AQ)kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang (AR)magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.

Kaya't papatayin sila ng (AS)leon na mula sa gubat, (AT)sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng (AU)leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.

Paanong mapatatawad kita? pinabayaan ako ng iyong mga anak, at nagsisumpa sa pamamagitan (AV)niyaong mga hindi dios. (AW)Nang sila'y aking mabusog, sila'y nangalunya, at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot.

Sila'y parang pinakaing mga kabayong pagalagala: bawa't isa'y humalinghing sa asawa ng kaniyang kapuwa.

Hindi baga (AX)dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon: at hindi baga manghihiganti ang kaluluwa ko sa isang ganiyang bansa na gaya nito?

Ang napipintong paglagpak ng Jerusalem.

10 (AY)Sampahin ninyo ang kaniyang mga kuta at inyong gibain; (AZ)nguni't huwag kayong magsigawa ng lubos na kawakasan; alisin ninyo ang kaniyang mga sanga; sapagka't sila'y hindi sa Panginoon.

11 Sapagka't ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ay (BA)gumagawang may kataksilan laban sa akin, sabi ng Panginoon.

12 Kanilang ikinaila ang Panginoon, at sinabi, Hindi siya; ni darating sa atin ang kasamaan; (BB)ni makakakita tayo ng tabak o ng kagutom man:

13 At ang mga propeta ay magiging parang hangin, at ang salita ay wala sa kanila: ganito ang gagawin sa kanila.

14 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka't inyong sinalita ang salitang ito, narito, (BC)gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila'y pupugnawin niyaon.

15 Narito, dadalhin ko ang (BD)bansa sa inyo na mula sa malayo, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon: siyang makapangyarihang bansa, siyang matandang bansa, isang bansa na ang wika ay hindi mo naiintindihan, o nababatid mo man kung ano ang kanilang sinasabi.

16 Ang kanilang lalagyan ng pana ay bukas na libingan, silang lahat ay makapangyarihang lalake.

17 At kakanin nila ang iyong (BE)ani, at ang iyong tinapay, na dapat sanang kanin ng iyong mga anak na lalake at babae; kanilang kakanin ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan; kanilang kakanin ang iyong mga puno ng ubas at ang iyong mga puno ng igos; kanilang ibabagsak ang iyong mga bayan na nababakuran, na iyong tinitiwalaan, sa pamamagitan ng tabak.

18 Nguni't sa mga araw mang yaon, sabi ng Panginoon, hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa inyo.

19 At mangyayari, pagka inyong sasabihin, (BF)Bakit ginawa ng Panginoon nating Dios ang lahat ng mga bagay na ito sa atin? kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Kung paanong inyong pinabayaan (BG)ako, at nangaglingkod kayo sa mga ibang dios sa inyong lupain, (BH)gayon kayo mangaglingkod sa mga taga ibang lupa sa isang lupain na hindi inyo.

Ang larawan ng kasalanan ng Juda.

20 Inyong ipahayag ito sa sangbahayan ni Jacob, at inyong ibalita sa Juda na inyong sabihin,

21 Inyong dinggin ngayon ito, (BI)Oh hangal na bayan, at walang unawa; na may mga mata, at hindi nakakakita; na may mga pakinig, at hindi nakakarinig:

22 Hindi kayo nangatatakot sa akin? sabi ng Panginoon: hindi baga kayo manginginig sa aking harapan, na naglagay ng buhangin na (BJ)pinakahangganan ng dagat, sa pamamagitan ng pinakawalang hanggang pasiya, upang huwag makalampas? at bagaman maginalon ang kaniyang mga alon, hindi rin mananaig; bagaman ang mga ito'y nagsisihugong, hindi rin ang mga ito'y makaraan.

23 Nguni't ang bayang ito ay may magulo at mapanghimagsik na puso; sila'y nanghimagsik at nagsiyaon.

24 Hindi man nila sinasabi sa sarili, Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios, (BK)na naglalagpak ng ulan, ng (BL)maaga at gayon din (BM)ng huli, sa kaniyang kapanahunan; na itinataan sa atin (BN)ang mga takdang sanglinggo ng mga pagaani.

25 Ang inyong mga kasamaan ang (BO)nangaghiwalay ng mga bagay na ito, at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan.

26 Sapagka't sa gitna ng aking bayan ay nakakasumpong ng mga masamang tao: sila'y nagbabantay, gaya ng pagbabantay ng mga mamimitag; sila'y nangaglalagay ng silo, sila'y nanghuhuli ng mga tao.

27 Kung paanong ang kulungan ay puno ng mga ibon, gayon ang kanilang mga bahay ay puno ng karayaan: kaya't sila'y naging dakila, at nagsisiyaman.

28 Sila'y nagsisitaba, sila'y makintab: oo, sila'y nagsisihigit sa mga paggawa ng kasamaan; hindi nila ipinakikipaglaban (BP)ang usap, ang usap ng ulila, (BQ)upang sila'y guminhawa; at ang matuwid ng mapagkailangan ay hindi hinahatulan.

29 Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ang aking kalooban sa ganiyang bansa na gaya nito?

30 Isang kamanghamangha at kakilakilabot na bagay ay nangyayari sa lupain:

31 Ang mga propeta ay nanganghuhula (BR)ng kasinungalingan, at ang mga saserdote ay nangagpupuno sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; (BS)at iniibig ng aking bayan na magkagayon: at ano ang inyong gagawin sa wakas niyaon?

Ang nagbabalang pagkulong sa Jerusalem.

Kayo'y magsitakas para maligtas, kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem, (BT)at kayo'y magsihihip ng pakakak sa Tecoa, at mangagtaas ng tanda sa (BU)Beth-hacherem; sapagka't ang kasamaan ay natatanaw sa (BV)hilagaan, at isang malaking paglipol.

Ang maganda at maayos na babae, ang anak na babae ng Sion, ihihiwalay ko.

Mga pastor na kasama ng kanilang mga kawan ay magsisiparoon sa kaniya; kanilang itatayo ang kanilang mga tolda laban sa kaniya sa palibot; sila'y mangagpapasabsab bawa't isa sa kanikaniyang dako.

Mangaghanda kayo ng digma laban sa kaniya; (BW)kayo'y magsibangon, at (BX)tayo'y magsisampa sa katanghaliang tapat. Sa aba natin! sapagka't ang araw ay kumikiling, sapagka't ang mga dilim ng gabi ay nangangalat.

Magsibangon, at tayo'y magsisampa sa gabi, at ating gibain ang kaniyang mga palacio.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y magsiputol ng mga punong kahoy, at mangagtayo kayo ng bunton laban sa Jerusalem: ito ang bayang dadalawin; siya'y lubos na kapighatian sa gitna niya.

Kung paanong ang isang bukal ay nilalabasan ng kaniyang tubig, (BY)gayon siya nilalabasan ng kaniyang kasamaan: (BZ)pangdadahas at pagkagiba ay naririnig sa kaniya; sa harap ko ay palaging hirap at mga sugat.

Maturuan ka, Oh Jerusalem, (CA)baka ang aking kaluluwa ay mahiwalay sa iyo; baka ikaw ay gawin kong sira, lupaing hindi tinatahanan.

Ang paglagpak ng Jerusalem ay dadating dahil sa kaniyang kasamaan.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (CB)Kanilang lubos na sisimutin ang (CC)nalabi sa Israel na parang puno ng ubas: idukot mo uli ang iyong kamay sa mga buslo na gaya ng mamimitas ng ubas.

10 Kanino ako magsasalita at magpapatotoo, upang kanilang marinig? narito, ang kanilang (CD)pakinig ay paking, (CE)at hindi mangakarinig: narito, ang salita ng Panginoon ay naging kadustaan sa kanila; sila'y walang kaluguran sa kaniya.

11 Kaya't ako'y puspus ng kapusukan ng Panginoon; ako'y pagod na ng pagpipigil ko: ibuhos sa mga bata sa lansangan, at sa kapulungan ng mga binata na magkakasama: sapagka't gayon din ang lalake sangpu ng asawa ay mahuhuli, ang matanda sangpu niya na puspus ng mga kaarawan.

12 At ang (CF)kanilang mga bahay ay malilipat sa mga iba, (CG)ang kanilang mga parang at ang kanilang mga asawa na magkakasama: sapagka't iuunat ko ang aking kamay sa mga mananahan sa lupain, sabi ng Panginoon.

13 Sapagka't (CH)mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawa't isa ay ibinigay sa kasakiman; at (CI)mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.

14 (CJ)Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.

15 Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, o sila man ay nangamula: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon na aking dadalawin sila ay nangabubulagta sila, sabi ng Panginoon.

16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo (CK)ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at (CL)kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni't kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.

17 At ako'y naglagay ng mga bantay (CM)sa inyo, na aking sinasabi, Inyong pakinggan ang tunog ng pakakak, nguni't kanilang sinabi, Hindi kami makikinig.

18 Kaya't inyong pakinggan, ninyong mga bansa, at inyong talastasin, Oh kapulungan, kung ano ang nasa gitna nila.

19 (CN)Iyong pakinggan, Oh lupa: (CO)narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa bayang ito, (CP)na bunga ng kanilang mga pagiisip, sapagka't sila'y hindi nangakinig sa aking mga salita; at tungkol sa aking kautusan ay kanilang itinakuwil.

20 (CQ)Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin (CR)ng kamangyan na mula sa Seba, at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain? (CS)ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin.

21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (CT)Narito, ako'y maglalagay ng katitisuran sa harap ng bayang ito: at ang mga magulang at ang mga anak ay magkakasamang mangatitisod doon; ang kalapit bahay at ang kaniyang kaibigan ay mamamatay.

22 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (CU)ang isang bayan ay nagmumula (CV)sa hilagaang lupain; at isang dakilang bansa (CW)ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa.

23 Sila'y nagsisihawak ng busog at ng sibat; sila'y mabagsik at walang habag; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay, na parang isang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo Oh anak na babae ng Sion.

24 Aming narinig ang balita niyaon; ang aming mga kamay ay nanganghihina: kahirapan ay (CX)humawak sa amin, at hirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.

25 Huwag kang lumabas sa parang, o lumakad man sa daan; sapagka't may tabak ng kaaway, at kakilabutan sa bawa't dako.

26 Oh anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka (CY)ng kayong magaspang, at gumumon ka sa abo: manangis ka, gaya ng sa bugtong na anak, ng kalagimlagim na panaghoy; sapagka't ang manglilipol ay biglang darating sa akin.

27 Iginawa kita (CZ)ng isang moog at ng kuta sa gitna ng aking bayan: upang iyong maalaman at (DA)masubok ang kanilang lakad.

28 Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik na (DB)nanganinirang puri; (DC)sila'y tanso at bakal: silang lahat ay nagsisigawang may kabulukan.

29 Ang panghihip ay humihihip na malakas; ang tingga ay natutunaw sa apoy: sa walang kabuluhan nagdadalisay sila; sapagka't ang (DD)masasama ay hindi nangaalis.

30 Tatawagin silang pilak na itinakuwil, (DE)sapagka't itinakuwil sila ng Panginoon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978