Font Size
                  
                
              
            Chronological
Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
                Duration: 365 days
                            
                    Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)                  (MBBTAG-DC)
                  
                  
              Mga Awit 133
Papuri sa Mapayapang Pagkakaisa
Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.
133 Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid,
    ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!
2 Langis ng olibo, ang nakakatulad at nakakawangis,
    sa ulo at balbas nitong si Aaron kapag ipinahid,
    umaagos ito't nababasâ pati ang suot na damit.
3 Katulad din nito'y hamog sa umaga, sa Bundok ng Hermon,
    hamog na dumilig sa dakong maburol na Bundok ng Zion;
sa lugar na ito, nangako si Yahweh,
    ang pangakong buhay na mananatili.
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) 
                  by