Chronological
Ang mga Cananeo ay humanda sa pakikipagbaka. Ang katusuhan ng mga Gabaonita.
9 At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng hari na nangasa dako roon ng Jordan sa lupaing (A)maburol, at sa mga kapatagan, at sa lahat ng baybayin ng (B)malaking dagat sa tapat ng Libano, ng (C)Hetheo, at ng Amorrheo, ng Cananeo, ng Pherezeo, ng Heveo, at ng Jebuseo;
2 (D)Ay nagpipisan upang labanan si Josue at ang Israel, na may pagkakaisa.
3 Nguni't (E)nang mabalitaan ng mga taga (F)Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai,
4 Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila'y mga sugo, at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, at punit at tinahi;
5 At mga tagpi-tagping pangyapak na nakasuot sa kanilang mga paa, at ng mga lumang bihisan na suot nila; at ang lahat na tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag.
6 At sila'y nagsiparoon kay (G)Josue sa kampamento sa Gilgal, at nangagsabi sa kaniya at sa mga lalake ng Israel, Kami ay mula sa malayong lupain: ngayon nga'y makipagtipan kayo sa amin.
7 At sinabi ng mga lalake ng Israel sa mga (H)Heveo, Marahil kayo'y nananahang kasama namin; (I)at paanong kami ay makikipagtipan sa inyo?
8 At kanilang sinabi kay Josue, (J)Kami ay iyong mga lingkod. At sinabi ni Josue sa kanila, Sino kayo at mula saan kayo?
9 At sinabi nila sa kaniya, Mula sa totoong malayong lupain (K)ang iyong mga lingkod, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios: sapagka't aming nabalitaan ang (L)kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Egipto,
10 At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa (M)Astaroth.
11 At ang aming mga matanda at ang lahat na tagaroon sa aming lupain ay nagsalita sa amin, na sinasabi, Magbaon kayo sa inyong kamay ng maipaglalakbay, at yumaon kayo na salubungin ninyo sila, at inyong sabihin sa kanila, Kami ay inyong mga lingkod: at ngayo'y makipagtipan kayo sa amin.
12 Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit na pinakabaon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo; nguni't ngayon, narito, tuyo at inaamag:
13 At ang mga sisidlang balat ng alak na ito na aming pinuno ay bago; at, narito, mga hapak: at itong aming mga bihisan at aming mga pangyapak ay naluma dahil sa totoong mahabang paglalakbay.
14 At kumuha ang mga tao sa Israel ng kanilang baon, at (N)hindi humingi ng payo sa bibig ng Panginoon.
15 At si Josue ay (O)nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, na pabayaan silang mabuhay: at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila.
16 At nangyari, sa katapusan ng tatlong araw, pagkatapos na sila'y makapagtipanan sa kanila, na kanilang nabalitaan na sila'y kanilang kalapit bayan, at sila'y nananahang kasama nila.
17 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at naparoon sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw. (P)Ang kanila ngang mga bayan ay Gabaon, Caphira, at Beeroth, at (Q)Kiriath-jearim.
18 At hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel, sapagka't ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At inupasala ng buong kapisanan ang mga prinsipe.
19 Nguni't sinabi ng lahat ng mga prinsipe sa buong kapisanan, Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel: ngayon nga'y hindi natin magagalaw sila.
20 Ito ang ating gagawin sa kanila at sila'y ating pababayaang mabuhay; (R)baka ang pagiinit ay sumaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila.
21 At sinabi ng mga prinsipe sa kanila, Pabayaan silang mabuhay: sa gayo'y sila'y naging (S)mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila.
Ang Gabaon ay naging alipin.
22 At ipinatawag sila ni Josue, at nagsalita siya sa kanila, na sinasabi, Bakit kayo'y nagdaya sa amin na nagsasabi, Kami ay totoong malayo sa inyo; (T)dangang nananahan kayong kasama namin?
23 Ngayon nga'y (U)sumpain kayo, at hindi mawawalan sa inyo kailan man ng mga alipin, ng mamumutol ng kahoy at gayon din ng mananalok ng tubig sa bahay ng aking Dios.
24 At sila'y sumagot kay Josue, at nagsabi, Sapagka't tunay na nasaysay sa iyong mga lingkod, kung paanong (V)iniutos ng Panginoon ninyong Dios kay Moises na kaniyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain, at inyong lilipulin ang lahat na nananahan sa lupain sa harap ninyo; kaya't (W)ikinatakot naming mainam ang aming buhay dahil sa inyo, at aming ginawa ang bagay na ito.
25 At ngayon, narito, kami ay (X)nasa iyong kamay: kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin, ay gawin mo.
26 At gayon ang ginawa niya sa kanila, at iniligtas niya sila sa kamay ng mga anak ni Israel, na hindi sila pinatay.
27 At ginawa sila ni Josue nang araw na yaon na mga mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig sa kapisanan, at sa dambana ng Panginoon, hanggang sa araw na ito, sa dakong kaniyang (Y)pipiliin.
Ang Gabaon ay sinalakay ng limang kaharian.
10 Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos (na kung paanong kaniyang ginawa (Z)sa Jerico at sa hari niyaon, gayon ang kaniyang ginawa sa (AA)Hai at sa hari niyaon), at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga (AB)taga Gabaon, at nangasa gitna nila;
2 Ay (AC)natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan.
3 Kaya't si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa (AD)Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhia, na hari sa (AE)Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi,
4 Sampahin ninyo ako at inyong tulungan ako, at saktan natin ang Gabaon: sapagka't nakipagpayapaan kay Josue at sa mga anak ni Israel.
5 Kaya't ang limang hari ng mga Amorrheo, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon, ay nagpipisan at sumampa, sila at ang lahat nilang hukbo, at humantong laban sa Gabaon, at nakipagdigma laban doon.
6 At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue (AF)sa kampamento sa Gilgal, na sinasabi, Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong mga lingkod; sampahin mo kaming madali, at iligtas mo kami, at tulungan mo kami: sapagka't ang lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan laban sa amin.
7 Sa gayo'y sumampa si Josue mula sa Gilgal, siya at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang.
8 At sinabi ng Panginoon kay Josue, (AG)Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; (AH)walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.
9 Si Josue nga ay naparoong bigla sa kanila; siya'y sumampa mula sa Gilgal buong gabi.
10 At (AI)nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa (AJ)Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa (AK)Azeca, at sa (AL)Maceda.
11 At nangyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng (AM)Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.
12 Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel,
(AN)Araw, tumigil ka sa Gabaon;
At ikaw, Buwan, sa libis ng
(AO)Ajalon.
13 At ang araw ay tumigil, at ang
buwan ay huminto,
Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway.
(AP)Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.
14 At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban (AQ)ng Panginoon ang Israel.
15 At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya, sa kampamento sa Gilgal.
Ang limang hari ay natutop at pinatay.
16 At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa (AR)Maceda.
17 At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda.
18 At sinabi ni Josue, Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib, at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila:
19 Nguni't huwag kayong magsitigil; inyong habulin ang inyong mga kaaway, at inyong sasaktan ang kahulihulihan sa kanila; huwag ninyong tiising pumasok, sa kanilang mga bayan: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.
20 At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, (AS)hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan,
21 Na ang buong bayan ay bumalik sa kampamento kay Josue sa Maceda na tiwasay: walang (AT)maggalaw ng kaniyang dila laban sa kaninoman sa mga anak ni Israel.
22 Nang magkagayo'y sinabi ni Josue, Inyong buksan ang bunganga ng yungib, at inyong ilabas sa akin ang limang haring iyan sa yungib.
23 At kanilang ginawang gayon, at inilabas ang limang haring yaon mula sa yungib, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon.
24 At nangyari, nang kanilang ilabas ang mga haring yaon kay Josue na ipinatawag ni Josue ang lahat na lalake sa Israel, at sinabi sa mga pinuno ng mga lalaking mangdidigma na sumama sa kaniya, Lumapit kayo, ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga leeg ng mga haring ito. At sila'y lumapit at inilagay ang kanilang mga paa sa mga leeg ng mga yaon.
25 At sinabi ni Josue sa kanila, (AU)Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: (AV)sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban.
26 At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue, at ipinapatay sila, at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy; at sila'y (AW)nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan.
27 At nangyari sa paglubog ng araw, na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy, at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan, at kanilang nilagyan ng mga (AX)malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito.
Ang iba pang tagumpay ni Josue.
28 At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang (AY)gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.
29 At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang (AZ)sa Libna, at lumaban sa Libna:
30 At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico.
31 At dumaan si Josue mula sa Libna, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Lachis, at humantong laban doon, at lumaban doon.
32 At ibinigay ng Panginoon ang Lachis sa kamay ng Israel at kaniyang sinakop sa ikalawang araw, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon, ayon sa lahat na ginawa niya sa Libna.
33 Nang magkagayo'y sumampa si Horam na hari sa (BA)Gezer upang tulungan ang Lachis; at sinaktan ni Josue siya at ang kaniyang bayan, hanggang sa walang iniwan siya.
34 At dumaan si Josue mula sa Lachis, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Eglon; at sila'y humantong laban doon, at nakipaglaban doon;
35 At kanilang sinakop nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon ay kaniyang lubos na nilipol nang araw na yaon, ayon sa lahat niyang ginawa sa Lachis.
36 At sumampa si Josue mula sa Eglon, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Hebron; at sila'y nakipaglaban doon:
37 At kanilang sinakop, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwang nalabi, ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon; kundi kaniyang lubos na nilipol, at ang lahat na tao na nandoon.
38 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa (BB)Debir; at nakipaglaban doon:
39 At kaniyang sinakop at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon: wala siyang iniwang nalabi: kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron, ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir, at sa hari niyaon; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon.
40 Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang Timugan, at ang mababang lupain, at ang mga (BC)tagudtod, at ang lahat ng hari niyaon; wala siyang iniwang nalabi: kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga, gaya ng iniutos ng (BD)Panginoon ng Dios ng Israel.
41 At sinaktan sila ni Josue mula sa (BE)Cades-barnea hanggang sa (BF)Gaza, at (BG)ang buong lupain ng Gosen, hanggang sa Gabaon.
42 At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
43 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampamento sa Gilgal.
Ang Hasor ay nakuha at sinilab.
11 At nangyari nang mabalitaan ni (BH)Jabin na hari sa (BI)Hasor, na siya'y nagsugo kay Jobab na hari sa Madon, at sa hari sa Simron, at sa hari sa Achsaph,
2 At sa mga hari na nangasa hilagaan, sa lupaing maburol, at sa Araba sa timugan ng (BJ)Cinneroth at sa mababang lupain, at sa mga (BK)kaitaasan ng Dor sa kalunuran,
3 Sa Cananeo sa silanganan at sa kalunuran at sa Amorrheo, at sa Hetheo, at sa Pherezeo, at sa (BL)Jebuseo sa lupaing maburol, at sa (BM)Heveo sa ibaba ng (BN)Hermon, sa lupain ng (BO)Mizpa.
4 At sila'y lumabas, sila at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, maraming tao, na gaya nga ng mga buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan, na may mga kabayo at mga karo na totoong marami.
5 At ang lahat ng mga haring ito ay nagpipisan; at sila'y naparoon at humantong na magkakasama sa tubig ng Merom, upang makipaglaban sa Israel.
6 At sinabi ng Panginoon kay Josue, (BP)Huwag kang matakot ng dahil sa kanila; sapagka't bukas sa ganitong oras ay ibibigay ko silang lahat na patay sa harap ng Israel: inyong (BQ)pipilayan ang kanilang mga kabayo, at sisilaban ng apoy ang kanilang mga (BR)karo.
7 Sa gayo'y biglang naparoon si Josue, at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, laban sa kanila sa tabi ng tubig ng Merom, at dumaluhong sila sa kanila.
8 At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon, at hanggang sa Misrephoth-maim, at hanggang sa libis ng Mizpa, sa dakong silanganan; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi.
9 At ginawa ni Josue sa kanila ang gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; kaniyang pinilayan ang kanilang mga kabayo, at sinilaban ng apoy ang kanilang mga karo.
10 At bumalik si Josue nang panahong yaon at sinakop ang Hasor, at sinugatan ng tabak ang hari niyaon: sapagka't ang Hasor ng una ay pangulo ng lahat ng mga kahariang yaon.
11 At kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang lahat na tao na nandoon, na kanilang lubos na nilipol: walang naiwan na may hininga, at kaniyang sinilaban ng apoy ang Hasor.
12 At ang lahat ng mga bayan ng mga haring yaon at ang lahat ng mga hari ng mga yaon ay sinakop ni Josue, at sinugatan niya sila ng talim ng tabak at lubos na nilipol sila; (BS)gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon.
13 Nguni't tungkol sa mga bayang natatayo sa kanilang mga bunton, ay walang sinunog ang Israel sa mga yaon, liban sa Hasor lamang, na sinunog ni Josue.
14 At ang lahat na samsam sa mga bayang ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel na pinakasamsam para sa kanilang sarili; nguni't ang bawa't tao ay sinugatan nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila, ni hindi nagiwan sila ng anomang may hininga.
15 Kung paanong nagutos (BT)ang Panginoon kay Moises na kaniyang lingkod, ay (BU)gayon nagutos si Moises kay Josue: (BV)at gayon ang ginawa ni Josue; wala siyang iniwang hindi yari sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.
16 Sa gayo'y sinakop ni Josue ang buong lupaing yaon, ang (BW)lupaing maburol, at ang buong Timugan, at ang buong (BX)lupain ng Gosen, at ang mababang lupain, at ang Araba, at ang lupaing maburol ng Israel, at ang mababang lupain niyaon;
17 Mula sa bundok ng Halac na paahon sa (BY)Seir, hanggang sa Baalgad sa libis ng Libano sa ibaba ng (BZ)bundok Hermon: at kinuha niya ang lahat nilang hari, at sinaktan niya sila at ipinapatay niya sila.
18 Si Josue ay nakipagdigmang malaong panahon sa lahat ng mga haring yaon.
19 Walang bayan na nakipagpayapaan sa mga anak ni Israel, liban (CA)ang mga Heveo na mga taga Gabaon: kanilang kinuhang lahat sa pakikipagbaka.
20 Sapagka't (CB)inakala nga ng Panginoon na papagmatigasin ang kanilang puso, upang pumaroon laban sa Israel sa pakikipagbaka, upang kanilang malipol silang lubos, na huwag silang magtamo ng biyaya, kundi kaniyang malipol sila, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
21 At naparoon si Josue nang panahong yaon at (CC)nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol, sa (CD)Hebron, sa (CE)Debir, sa Anab, at sa buong lupaing maburol ng Juda, at sa buong lupaing maburol ng Israel: nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan.
22 Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel: sa (CF)Gaza, sa (CG)Gath, at (CH)sa Asdod lamang, nagiwan siya ng ilan.
23 Gayon sinakop ni Josue ang buong lupain (CI)ayon sa lahat na sinalita ng Panginoon kay Moises; at ibinigay ni (CJ)Josue na pinakamana sa Israel, (CK)ayon sa kanilang pagkakabahagi sangayon sa kanilang mga lipi. (CL)At ang lupain ay nagpahinga sa pakikipagdigma.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978