Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 26 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 28 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 36 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 39 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Amos 7:10-17' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 1:9-16

Pangitain tungkol kay Cristo

Akong si Juan, ang inyong kapatid na kabahagi ninyo sa pag-uusig, sa kaharian at sa pagtitiis para kay Jesus, ay nasa pulo na tinatawag na Patmos alang-alang sa salita ng Diyos at pagpapatotoo ni Jesus. 10 Sa araw ng Panginoon, ako ay nasa Espiritu, at narinig ko sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang sa trumpeta 11 na nagsasabi, “Isulat mo sa balumbon ang nakikita mo at ipadala mo ito sa pitong iglesya: sa Efeso, sa Smirna, sa Pergamo, sa Tiatira, sa Sardis, sa Filadelfia, at sa Laodicea.”

12 Lumingon ako para tingnan kung kaninong tinig ang nangusap sa akin. Sa aking paglingon nakakita ako ng pitong gintong ilawan, 13 (A) at sa gitna ng mga ilawang ito, nakita ko ang isang gaya ng Anak ng Tao na nakasuot ng mahabang damit at sa kanyang dibdib ay may bumabalot na gintong bigkis. 14 Ang (B) (C) kanyang ulo at buhok ay puti tulad ng balahibo ng tupa, kasimputi ng niebe; ang kanyang mga mata'y tulad ng ningas ng apoy, 15 (D) ang kanyang mga paa'y tulad ng tansong pinakintab na parang dinalisay sa pugon, at ang kanyang tinig ay tulad ng ingay ng rumaragasang tubig. 16 Ang kanang kamay niya'y may hawak na pitong bituin, at mula sa kanyang bibig, lumabas ang isang matalas na tabak na dalawa ang talim, at ang mukha niya'y tulad ng araw na matinding sumisikat.

Mateo 22:34-46

Ang Dakilang Utos(A)

34 Subalit nang mabalitaan ng mga Fariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Saduceo, sila'y nagpulong. 35 At isa sa kanila, na isang dalubhasa sa Kautusan, ay nagtanong sa kanya upang siya'y subukin. 36 “Guro, alin po ba ang pinakadakilang utos sa Kautusan?” 37 At (B) sinabi niya sa kanya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. 38 Ito ang dakila at pangunahing utos. 39 At katulad nito (C) ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ 40 Nakabatay sa (D) dalawang utos na ito ang buong Kautusan at ang mga propeta.”

Nagtanong si Jesus tungkol sa Anak ni David(E)

41 Habang nagkakatipon ang ilang mga Fariseo ay nagtanong sa kanila si Jesus. 42 Sabi niya, “Ano ang palagay ninyo tungkol sa Cristo? Kanino ba siyang anak?” Sumagot sila, “Kay David.” 43 Sinabi niya sa kanila, “Kung gayo'y bakit noong si David ay nasa Espiritu ay tumatawag sa kanya ng Panginoon, na nagsasabi,

44 ‘Sinabi (F) ng Panginoon sa aking Panginoon,
“Maupo ka sa aking kanan,
    hanggang sa mailagay ko sa ilalim ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway” ’?

45 Kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siya magiging anak nito?” 46 Walang nakasagot sa kanya ni isa mang salita, at mula nang araw na iyon ay wala na ring nangahas pang magtanong sa kanya ng anuman.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.