Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 66-67' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 19 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 46 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Macabeo 2:29-43' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Macabeo 2:49-50' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 28:14-23

14 Doon ay may natagpuan kaming mga kapatid. Pinakiusapan nila kaming tumigil doon ng isang linggo. Mula roo'y ipinagpatuloy namin ang aming paglalakbay hanggang makarating kami sa Roma. 15 Nang mabalitaan ng mga kapatid doon ang tungkol sa amin, dumating sila mula pa sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan upang salubungin kami. Nang makita sila ni Pablo, siya'y nagpasalamat sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

Si Pablo sa Roma

16 Nang makarating kami sa Roma, si Pablo ay pinahintulutang manirahang mag-isa, kasama ang isang kawal na magbabantay sa kanya. 17 Pagkaraan ng tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ang mga pinuno ng mga Judio sa lungsod. Nang sila'y matipon na, sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anuman laban sa ating bansa, o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at ibinigay sa mga kamay ng mga Romano. 18 Matapos akong siyasatin, palalayain na sana ako ng mga Romano, sapagkat wala namang sapat na dahilan upang ako'y parusahan ng kamatayan. 19 Subalit (A) tumutol ang mga Judio, kaya't napilitan akong dumulog sa Emperador. Gayunma'y wala akong paratang laban sa aking mga kababayan. 20 Nakagapos ako sa tanikalang ito dahil sa pag-asa ng bansang Israel. Ito ang dahilan kung bakit ko hiniling na makipagkita at makipag-usap sa inyo.” 21 Sumagot sila, “Wala kaming natatanggap na sulat galing sa Judea tungkol sa iyo. At sa mga kababayan naman nating pumunta rito ay walang sinumang nagbalita o nagsalita ng anumang masama laban sa iyo. 22 Gayunma'y ibig naming mapakinggan ang iyong mga saloobin. Alam namin na saan mang lugar ay maraming nagsasalita ng laban sa sektang ito.” 23 Kaya't sila'y nagtalaga ng isang araw para sa kanya, at maraming nagtungo sa kanyang tinutuluyan pagsapit ng takdang araw na iyon. Mula umaga hanggang gabi ay nagpaliwanag at nagpatotoo sa kanila si Pablo tungkol sa paghahari ng Diyos. Sinikap niyang hikayatin sila tungkol kay Jesus mula sa isinasaad ng Kautusan ni Moises at ng mga propeta.

Lucas 16:1-13

Ang Talinghaga ng Tusong Katiwala

16 Sinabi rin niya sa mga alagad, “May isang mayaman na may katiwala. Isinusumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang mga kayamanan. Tinawag niya ito at tinanong, ‘Ano itong narinig ko tungkol sa iyo? Magbigay-sulit ka ng ipinagkatiwala sa iyo, sapagkat hindi ka na maaaring maging katiwala pa.’ Sinabi ng katiwala sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayong tinanggal na sa akin ang pangangasiwa? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa at nahihiya naman akong mamalimos. Alam ko na ang gagawin ko! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.’ Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Sinabi niya sa una, ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ At sinabi nito, ‘Sandaang tapayan ng langis.’ Sinabi niya naman dito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang, maupo ka at isulat mo agad na limampu.’ Pagkatapos ay sinabi naman niya sa isa pa, ‘Magkano ang utang mo?’ At sinabi nitong, ‘Sandaang kabang trigo.’ Sinabi niya rito, ‘Kunin mo ang katibayan ng iyong pagkakautang at isulat mo na walumpu.’ Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala dahil sa katusuhan nito. Sapagkat ang mga anak ng sanlibutang ito ay mas tuso sa pamamahala ng kanilang pamumuhay kaysa mga anak ng liwanag. Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo gamit ang kayamanan ng sanlibutan upang kung maubos na ito ay tatanggapin kayo sa walang hanggang mga tahanan. 10 Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa marami at ang hindi tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa marami. 11 Kaya kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng sanlibutan, sino ang magtitiwala sa inyo sa tunay na kayamanan? 12 At kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng sarili ninyong kayamanan? 13 Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa ngunit iibigin ang isa pa. O kaya naman ay magiging tapat siya sa isa ngunit kamumuhian ang isa pa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa salapi.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.