Book of Common Prayer
21 Pagkatapos, (A) isang malakas na anghel ang dumampot ng isang batong tulad ng isang malaking gilingan at itinapon iyon sa dagat. Ang sabi ng anghel,
“Ganito karahas ibabagsak ang tanyag na lungsod na Babilonia,
at hindi na siya muling makikita;
22 at (B) (C) ang himig ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng trumpeta
kailanma'y hindi na maririnig mula sa iyo;
at bawat manggagawa ng anumang kalakal
kailanma'y hindi na matatagpuan sa iyo;
ang tunog ng gilingang bato
kailanma'y hindi na maririnig sa iyo.
23 Ang liwanag ng ilawan
kailanma'y hindi na tatanglaw sa iyo;
at ang tinig ng lalaki at babaing ikakasal
kailanma'y hindi na maririnig sa iyo;
sapagkat ang iyong mga mangangalakal ay dating mga kilalang tao sa daigdig,
at sapagkat sa pangkukulam mo ay nadaya ang lahat ng mga bansa.
24 Sa (D) kanya natagpuan ang dugo ng mga propeta at ng mga banal,
at lahat ng mga pinaslang sa ibabaw ng lupa.”
Maraming Pinagaling si Jesus
29 Umalis doon si Jesus at bumagtas sa tabi ng Dagat ng Galilea. Umakyat siya sa bundok at naupo roon. 30 Dumagsa sa kanya ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, mga paralitiko, mga bulag, mga pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga ito sa kanyang paanan at sila'y kanyang pinagaling. 31 Namangha ang maraming tao nang makita nilang nakapagsasalita ang mga pipi, lumalakas ang mga paralitiko, nakalalakad ang mga piláy, at nakakikita ang mga bulag. At pinuri nila ang Diyos ng Israel.
Pinakain ang Apat na Libo(A)
32 Pagkatapos ay tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad, at sinabi, “Naaawa ako sa maraming taong ito, sapagkat tatlong araw ko na silang kasama at ngayon ay wala silang pagkain. Ayaw ko naman silang paalising gutóm, at baka himatayin sila sa daan.” 33 At sinabi sa kanya ng mga alagad, “Saan po tayo kukuha ng sapat na tinapay sa liblib na pook na ito upang ipakain sa ganito karaming tao?” 34 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ilan ba ang tinapay ninyo riyan?” Sinabi nila, “Pito po, at ilang maliliit na isda.” 35 Pinaupo niya sa lupa ang mga tao, 36 kinuha ang pitong tinapay at ang mga isda at pagkatapos magpasalamat, pinagputul-putol niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga tao. 37 Silang lahat ay kumain at nabusog. At nakapagtipon sila ng pitong kaing na punô ng mga labis na pinagputul-putol na pagkain. 38 May apat na libong lalaki ang kumain bukod pa sa mga babae at sa mga bata. 39 Pagkatapos pauwiin ang maraming tao, sumakay siya sa bangka at pumunta sa nasasakupan ng Magadan.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.