Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 119:145-176' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 128-130' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '2 Mga Hari 22:14-23:3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Corinto 11:23-34

Pagganap ng Hapunan ng Panginoon(A)

23 Sapagkat ang tinanggap ko mula sa Panginoon ang siyang itinatagubilin ko sa inyo: na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay kumuha ng tinapay; 24 at pagkatapos magpasalamat, pinagputul-putol niya ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 25 Sa (B) gayunding paraan ay kinuha niya ang kopa, pagkatapos maghapunan, at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito, tuwing kayo'y iinom nito, bilang pag-alaala sa akin.” 26 Sapagkat sa tuwing kakainin ninyo ang tinapay na ito at iinuman ang kopa, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagdating.

Ang Di-Nararapat na Pagganap ng Banal na Hapunan

27 Kaya't ang sinumang kumain ng tinapay o uminom sa kopa ng Panginoon sa paraang hindi nararapat ay mananagot sa katawan at dugo ng Panginoon. 28 Suriin nga ng bawat tao ang kanyang sarili, bago siya kumain ng tinapay at uminom sa kopa. 29 Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom ay kumakain at umiinom ng hatol sa kanyang sarili kung hindi niya kinikilala ang katawan.[a] 30 Dahil dito, marami sa inyo ang mahihina at maysakit, at ang ilan ay yumao na.[b] 31 Ngunit kung hinahatulan natin ang ating sarili, hindi tayo mahahatulan. 32 At kapag tayo'y hinatulan ng Panginoon, dinidisiplina niya tayo upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanlibutan. 33 Kaya nga, mga kapatid, kapag kayo'y nagtitipon upang kumain, maghintayan kayo. 34 Kung nagugutom ang sinuman, kumain siya sa bahay, upang hindi kayo mahatulan kapag kayo ay nagtitipon. Tungkol sa iba pang mga bagay ay magbibigay ako ng tagubilin pagdating ko.

Mateo 9:9-17

Ang Pagtawag kay Mateo(A)

Sa paglalakad ni Jesus mula roon ay nakita niya ang isang taong tinatawag na Mateo, na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi niya rito, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo nga siya at sumunod sa kanya. 10 Habang nakaupo si Jesus sa may hapag-kainan sa bahay, maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ang dumating at naupong kasalo niya at ng kanyang mga alagad. 11 Nang ito'y makita ng mga Fariseo, sinabi nila sa kanyang mga alagad, “Bakit ang inyong guro ay nakikisalo sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?” 12 Nang ito'y marinig ni Jesus, sinabi niya, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang malulusog, kundi ang mga may sakit. 13 Humayo kayo at pag-aralan ninyo ang ibig sabihin nito: ‘Ang nais ko'y habag, at hindi handog.’ Sapagkat dumating ako hindi upang tawagin ang matutuwid, kundi ang mga makasalanan.”

Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno(B)

14 Dumating naman sa kanya ang mga alagad ni Juan, at nagsabi, “Bakit kami pati ang mga Fariseo ay nag-aayuno, samantalang ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?” 15 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Maaari bang magpakalungkot ang mga inanyayahan sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Darating ang panahon na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal at doon pa lamang sila mag-aayuno. 16 Walang taong gumagamit ng hindi pa pinaurong na tela upang itagpi sa lumang damit, sapagkat babatakin ng itinagping tela ang damit, at lalong magiging malaki ang sira. 17 Hindi rin inilalagay ang bagong alak sa mga lumang lalagyang balat. Kapag ganoon ang ginawa, puputok ang mga balat, matatapon ang alak, at magpupunit-punit ang mga balat. Sa halip, ang bagong alak ay inilalagay sa mga bagong lalagyang balat, at pareho silang magtatagal.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.