Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 5-6' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 10-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Mga Hari 1:38-2:4' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 26:24-27:8

24 Habang sinasabi pa niya ang mga ito, malakas na sinabi ni Festo, “Nababaliw ka, Pablo! Ang labis mong karunungan ang nagpapabaliw sa iyo!” 25 Ngunit sinabi ni Pablo, “Hindi ako baliw, kagalang-galang na Festo. Ang ipinapahayag ko'y mga salita ng katinuan at katotohanan. 26 Alam ng hari ang mga ito, kaya sa harap niya'y nagsasalita ako nang buong laya. Tiyak kong walang nalilingid sa kanya sapagkat hindi sa isang sulok lamang ito nangyari. 27 Haring Agripa, naniniwala ba kayo sa mga propeta? Alam ko pong naniniwala kayo.” 28 Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Sa maikling panahon ay hinihikayat mo akong maging Cristiano!” 29 Ngunit sinabi ni Pablo, “Loobin nawa ng Diyos! At maging sa maikli o sa mahabang panahon dalangin kong hindi lamang ikaw, kundi maging ang lahat ng mga nakikinig sa akin ngayon ay maging katulad ko, maliban sa mga tanikalang ito.” 30 Tumayo ang hari, ang gobernador, si Bernice, at lahat ng mga kasama nila. 31 Lumayo sila at nag-usap, “Walang ginagawa ang taong ito na dapat hatulan ng kamatayan o pagkabilanggo.” 32 Sinabi ni Agripa kay Festo, “Maaari na sanang palayain ang taong ito kung hindi niya hiniling na idulog ang kanyang kaso sa Emperador.”

Ang Paglalakbay ni Pablo Patungong Roma

27 Nang ipasyang maglalayag kami patungong Italia, inilipat sa senturyong ang pangalan ay Julio, ang pamamahala kay Pablo at sa iba pang mga bilanggo, mula sa mga kawal ng Emperador. Pagkasakay sa isang barkong Adrameto na maglalayag patungo sa mga daungan sa baybayin ng Asia, naglayag kami kasama si Aristarco na isang taga-Macedonia mula sa Tesalonica. Kinabukasan ay dumaong kami sa Sidon. Naging mabuti si Julio kay Pablo at pinahintulutan itong makadalaw sa kanyang mga kaibigan upang siya'y matulungan sa kanyang mga pangangailangan. Magmula roo'y naglayag kaming muli, at dahil pasalungat sa amin ang hangin, namaybay kami sa ligtas na bahagi ng Cyprus. Paglampas namin sa tapat ng Cilicia at Pamfilia, nakarating kami sa Mira ng Licia. Nakatagpo roon ang senturyon ng isang barkong Alejandria na naglalayag patungo sa Italia at pinasakay niya kami roon. Mabagal at naging mahirap ang aming paglalayag. Tumagal nang maraming araw bago kami nakarating sa tapat ng Cinido. Nang hindi na kami makapagpatuloy dahil sa hangin, namaybay kami sa ligtas na bahagi ng Creta, sa tapat ng Salmone. Matiyaga kaming namaybay hanggang marating namin ang isang lugar na tinatawag na Mabubuting Daungan, malapit sa lungsod ng Lasea.

Marcos 13:28-37

Ang Aral mula sa Puno ng Igos(A)

28 “Unawain ninyo ang aral mula sa punong igos: Kapag nananariwa ang mga sanga nito, at umuusbong na ang mga dahon, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 29 Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari ang mga ito, alam ninyong malapit na, nasa mga pintuan na. 30 Tinitiyak ko sa inyo na hindi lilipas ang lahing ito hanggang maganap ang mga ito. 31 Ang langit at ang lupa ay lilipas ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman.

Walang Taong Nakakaalam ng Araw o Oras na Iyon(B)

32 “Subalit (C) tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama. 33 Mag-ingat kayo at maging handa[a], sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang takdang panahon. 34 Tulad (D) nito ay isang taong umalis upang maglakbay. Sa pag-alis niya'y iniwan niya sa kanyang mga alipin ang pamamahala. Binigyan niya ng tungkulin ang bawat isa, at inutusan ang tanod sa pinto na magbantay. 35 Kaya nga magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung kailan babalik ang panginoon ng sambahayan, kung sa gabi, sa hatinggabi, sa pagtilaok ng manok, o sa pagbubukang-liwayway. 36 Baka bigla siyang dumating at madatnan niya kayong natutulog. 37 Anumang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat: Magbantay kayo.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.