Book of Common Prayer
IKAAPAT NA AKLAT
Dalangin ni Moises na lalake ng Dios.
90 (A)Panginoon, (B)ikaw ay naging tahanang dako namin
Sa lahat ng sali't saling lahi.
2 (C)Bago nalabas ang mga bundok,
O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan,
Mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
3 Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao;
At iyong sinasabi, (D)Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.
4 (E)Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin
Ay parang kahapon lamang nang makaraan,
At parang pagpupuyat sa gabi.
5 Iyong dinadala sila na parang baha; (F)sila'y parang pagkakatulog:
Sa kinaumagahan ay (G)parang damo sila na tumutubo.
6 (H)Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago;
Sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.
7 Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit,
At sa iyong poot ay nangabagabag kami.
8 (I)Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo,
(J)Ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha.
9 Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot:
Aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga.
10 Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon,
O kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon;
Gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang;
Sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.
11 Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit,
At ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo?
12 (K)Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan,
Upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.
13 (L)Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa?
At (M)iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.
14 Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob;
Upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.
15 Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin,
At sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.
16 (N)Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod,
At ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
17 (O)At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios:
At (P)iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay;
Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.
15 At inyong iiwan ang inyong pangalan na (A)pinakasumpa sa aking mga pinili, at papatayin ka ng Panginoong Dios; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan:
16 Na anopa't siyang nagpapala sa lupa ay magpapala sa Dios ng katotohanan; at siyang sumusumpa sa lupa ay susumpa sa pangalan ng Dios ng katotohanan; sapagka't ang mga dating kabagabagan ay nalimutan, at sapagka't nangakubli sa aking mga mata.
Ang bagong langit at ang bagong lupa.
17 Sapagka't narito, ako'y (B)lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.
18 Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking (C)nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.
19 (D)At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at (E)ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.
20 Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't (F)ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, (G)at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.
21 At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.
22 Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't (H)kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.
23 Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, (I)o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't (J)sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
24 At mangyayari, (K)na bago sila magsitawag, sasagot ako; (L)at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.
25 Ang lobo at ang kordero (M)ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at (N)alabok ang magiging pagkain ng ahas. (O)Sila'y hindi (P)mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
21 At nakita ko ang isang bagong langit (A)at ang isang bagong lupa: sapagka't (B)ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
2 At nakita (C)ko (D)ang bayang banal, ang bagong (E)Jerusalem, (F)na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang (G)gaya ng isang babaing kasintahan na (H)nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
3 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, (I)ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at (J)ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
4 At papahirin niya ang bawa't luha (K)sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon (L)ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng (M)dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.
5 (N)At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, (O)Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: (P)sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.
6 At sinabi niya sa akin, Nagawa na. (Q)Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. (R)Ang nauuhaw ay aking (S)paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978