Book of Common Prayer
120 Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.
2 Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.
3 Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?
4 Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.
5 Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
6 Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
7 Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
121 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
3 Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.
4 Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.
5 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.
6 Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.
7 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.
8 Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.
2 Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
3 Jerusalem, na natayo na parang bayang siksikan:
4 Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon, na pinaka patotoo sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
5 Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
6 Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
7 Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
8 Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, aking sasabihin ngayon, kapayapaan ang sumaiyong loob.
9 Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios. Hahanapin ko ang iyong buti.
123 Sa iyo'y aking itinitingin ang mga mata ko, Oh sa iyo na nauupo sa mga langit.
2 Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios, hanggang sa siya'y maawa sa amin.
3 Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin: sapagka't kami ay lubhang lipos ng kadustaan.
4 Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos ng duwahagi ng mga tiwasay. At ng paghamak ng palalo.
124 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,
2 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
3 Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
4 Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
5 Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
6 Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
7 Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
8 Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.
125 Silang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
2 Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem, gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan, mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
3 Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay hindi bubuhatin sa mga matuwid; upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
4 Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti, at yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
5 Nguni't sa nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad, ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan. Kapayapaan nawa ay suma Israel.
126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
2 Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay.
3 Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa.
4 Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan.
5 Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
6 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.
127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay.
2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga, at magpahingang tanghali, at magsikain ng tinapay ng kapagalan: sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
3 Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon: at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
4 Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake, gayon ang mga anak ng kabataan.
5 Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon: sila'y hindi mapapahiya, pagka sila'y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan.
8 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sapagka't hindi ninyo dininig ang aking mga salita,
9 Narito, ako'y magsusugo at kukunin ko ang lahat na angkan sa hilagaan, sabi ng Panginoon, at ako'y magsusugo kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na aking lingkod, at aking dadalhin sila laban sa lupaing ito, at laban sa mga nananahan dito, at laban sa lahat ng bansang ito sa palibot; at aking lubos na lilipulin sila, at gagawin ko silang katigilan, at kasutsutan, at mga walang hanggang kagibaan.
10 Bukod dito'y aalisin ko sa kanila ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae, ang tunog ng mga batong gilingan, at ang liwanag ng ilawan.
11 At ang buong lupaing ito ay magiging sira, at katigilan; at ang mga bansang ito ay maglilingkod sa hari sa Babilonia na pitong pung taon.
12 At mangyayari, pagkaganap ng pitong pung taon, na aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, dahil sa kaniyang kasamaan, at ang lupain ng mga Caldeo; at aking gagawing sira magpakailan man.
13 At aking gaganapin sa lupaing yaon ang lahat na aking salita na aking sinalita laban doon, lahat ng nakasulat sa aklat na ito, na inihula ni Jeremias laban sa lahat na bansa.
14 Sapagka't maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran nila, nila nga; at gagantihan ko sila ayon sa kanilang mga kilos, at ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa akin, Abutin mo itong saro ng alak ng kapusukan sa aking kamay, at painumin mo ang lahat na bansa na pinagsuguan ko sa iyo.
16 At sila'y magsisiinom, at magsisihapay na paroo't parito, na mangauulol, dahil sa tabak na aking pasasapitin sa kanila.
17 Nang magkagayo'y inabot ko ang saro sa kamay ng Panginoon, at pinainom ko ang lahat na bansang pinagsuguan ng Panginoon:
10 Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.
2 Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala.
3 Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.
4 Sapagka't si Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa't sumasampalataya.
5 Sapagka't isinulat ni Moises na ang tao na gumagawa ng katuwirang ayon sa kautusan ay mabubuhay dahil dito.
6 Datapuwa't sinasabi ng katuwiran ayon sa pananampalataya ang ganito, Huwag mong sabihin sa iyong puso, Sino ang aakyat sa langit? (sa makatuwid baga'y upang ibaba si Cristo:)
7 O, Sino ang mananaog sa kalalimlaliman? (sa makatuwid baga'y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay.)
8 Datapuwa't ano ang sinasabi nito? Ang salita ay malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso: sa makatuwid baga'y ang salita ng pananampalataya na aming ipinangangaral:
9 Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:
10 Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.
11 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya.
12 Sapagka't walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapagka't ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag:
13 Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.
18 Hindi nga nagsipaniwala ang mga Judio tungkol sa kaniya, na siya'y naging bulag, at tumanggap ng kaniyang paningin, hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang niyaong tumanggap ng kaniyang paningin,
19 At nangagtanong sa kanila, na sinasabi, Ito baga ang inyong anak, na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag? paano ngang nakakakita siya ngayon?
20 Nagsisagot ang kaniyang mga magulang, at nangagsabi, Nalalaman naming ito'y aming anak, at siya'y ipinanganak na bulag:
21 Datapuwa't kung paanong siya'y nakakakita ngayon, ay hindi namin nalalaman; o kung sino ang nagpadilat ng kaniyang mga mata, ay hindi namin nalalaman: tanungin siya; siya'y may gulang na; siya'y magsasalita para sa sarili niya.
22 Ang mga bagay na ito'y sinabi ng kaniyang mga magulang, sapagka't nangatatakot sa mga Judio: sapagka't pinagkaisahan na ng mga Judio, na kung ang sinomang tao'y ipahayag siya na siya ang Cristo, ay palayasin siya sa sinagoga.
23 Kaya't sinabi ng kaniyang mga magulang, Siya'y may gulang na; tanungin siya.
24 Dahil dito'y tinawag nilang bilang ikalawa ang taong naging bulag, at sinabi sa kaniya, Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman naming makasalanan ang taong ito.
25 Sumagot nga siya, Kung siya'y makasalanan ay hindi ko nalalaman: isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging bulag, ngayo'y nakakakita ako.
26 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano ang ginawa niya sa iyo? paano ang pagkapadilat niya sa iyong mga mata?
27 Sinagot niya sila, Kasasabi ko lamang sa inyo, at hindi ninyo pinakinggan; bakit ibig ninyong marinig uli? ibig baga naman ninyong kayo'y maging mga alagad niya?
28 At siya'y kanilang inalipusta, at sinabi, Ikaw ang alagad niya; datapuwa't kami'y mga alagad ni Moises.
29 Nalalaman naming nagsalita ang Dios kay Moises: datapuwa't tungkol sa taong ito, ay hindi namin nalalaman kung taga saan siya.
30 Sumagot ang tao at sa kanila'y sinabi, Narito nga ang kagilagilalas, na hindi ninyo nalalaman kung siya'y taga saan, at gayon ma'y pinadilat niya ang aking mga mata.
31 Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang sinomang tao'y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya'y pinakikinggan niya.
32 Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag.
33 Kung ang taong ito'y hindi galing sa Dios, ay hindi makagagawa ng anoman.
34 Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan, at ikaw baga ang nagtuturo sa amin? At siya'y pinalayas nila.
35 Nabalitaan ni Jesus na siya'y pinalayas nila; at pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa Anak ng Dios?
36 Sumagot siya at sinabi. At sino baga siya, Panginoon, upang ako'y sumampalataya sa kaniya?
37 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Siya'y nakita mo na, at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo.
38 At sinabi niya, Panginoon, sumasampalataya ako. At siya'y sinamba niya.
39 At sinabi ni Jesus, Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag.
40 Yaong mga Fariseo na kasama niya ay nangakarinig ng mga bagay na ito, at sinabi sa kaniya, Kami baga naman ay mga bulag din?
41 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Kung kayo'y mga bulag, ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y sinasabi ninyo, Kami'y nangakakakita: nananatili ang inyong kasalanan.
Public Domain