Book of Common Prayer
12 Nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, gayahin ninyo ako, sapagkat ako nama'y gaya rin ninyo noon. Wala kayong ginawang masama sa akin. 13 Alam naman ninyong kaya ako nakapangaral ng ebanghelyo sa inyo ay dahil nagkaroon ako ng karamdaman. 14 At kahit na ako'y naging malaking pasanin sa inyo dahil sa aking karamdaman, hindi pa rin ninyo ako hinamak o tinanggihan. Sa halip, tinanggap ninyo ako na parang isang anghel ng Diyos, at para pa ngang si Cristo Jesus! 15 Nasaan na ang kagalakang iyon ngayon?[a] Ano na ang nangyari? Ako mismo ang makapagpapatotoo na kung maaari lang ay dudukutin ninyo noon ang inyong mga mata maibigay lang ito sa akin. 16 Naging kaaway ba ninyo ako ngayon dahil sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan? 17 Masigasig ang mga taong iyan upang mahikayat kayo, subalit hindi mabuti ang kanilang layunin. Ang naisin nila ay ang ilayo kayo sa akin, upang kayo'y sa kanila maging masigasig. 18 Mabuti naman ang maging laging masigasig, basta para sa mabuting layunin. Gawin ninyo lagi ito at hindi lamang kapag kaharap ninyo ako! 19 Minamahal kong mga anak! Para sa inyo'y muli akong dumaranas ng hirap gaya ng isang babaing nanganganak, hanggang hindi nabubuo sa inyo ang pagkatao ni Cristo. 20 Sana'y kasama ko kayo ngayon upang maiba ko ang tono ng aking pagsasalita. Labis akong nag-aalala para sa inyo!
Ang Pagpapakain sa Apat na Libo(A)
8 Pagkaraan ng ilang araw, muling nagtipon ang napakaraming tao. Wala silang makain, kaya tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, 2 “Nahahabag ako sa maraming taong ito sapagkat tatlong araw ko na silang kasama at walang makain. 3 Kung pauuwiin ko silang nagugutom, mahihilo sila sa daan lalo na't ang iba sa kanila'y nanggaling pa sa malayo.” 4 Sumagot ang kanyang mga alagad, “Saan po dito sa ilang makakukuha ng sapat na pagkain para sa mga taong ito?” 5 “Ilan ba ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Jesus. “Pito,” sagot nila. 6 Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay at pagkatapos magpasalamat ay hinati-hati niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi, at ipinamahagi nga nila ito sa mga tao. 7 Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Nang mabasbasan ang mga ito, iniutos niya sa mga alagad na ipamahagi rin ito sa mga tao. 8 Kumain sila at nabusog at pagkatapos ay tinipon nila ang lumabis na pagkain na pitong kaing. 9 May apat na libong lalaki ang naroon. Pinauwi sila ni Jesus, 10 pagkatapos ay agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad at pumunta sa lupain ng Dalmanuta.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.