Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 42-43' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Samuel 2:1-10' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Juan 8:31-36

31 Kaya't sinabi ni Jesus sa mga Judio na nanampalataya sa kanya, “Kung mananatili kayo sa aking salita, kayo ay mga tunay kong alagad, 32 at malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” 33 (A)Sumagot sila sa kanya, “Kami ay mga lahi ni Abraham at kailanma'y hindi naging alipin nino man. Bakit mo sinasabing, ‘magiging malaya kayo’?” 34 Sinagot sila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan. 35 Ang alipin ay hindi nananatili sa bahay habang buhay; ang anak ay nananatili habang buhay. 36 Kaya nga kung palalayain kayo ng Anak, magiging malaya nga kayong tunay.

Error: 'Awit 48 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 87 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Juan 3:1-8

Masdan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig na ibinigay sa atin ng Ama, upang tayo'y tawaging mga anak ng Diyos; at tayo nga'y kanyang mga anak. Dahil dito, hindi tayo nakikilala ng sanlibutan, sapagkat hindi nito kinikilala ang Diyos. Mga minamahal, tayo'y mga anak na ng Diyos ngayon. Hindi pa nahahayag kung ano ang magiging katulad natin sa panahong darating. Ito ang alam natin: kapag nahayag na ang Anak, tayo'y magiging katulad niya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang tunay na kalikasan. Ang sinumang mayroong ganitong pag-asa sa Anak ay naglilinis ng kanyang sarili, katulad niya na malinis.

Ang sinumang gumagawa ng kasalanan ay sumusuway din sa Kautusan. Sa katunayan, ang pagsuway sa kautusan ay kasalanan. Nalalaman ninyo na nahayag ang Anak upang alisin ang mga kasalanan, at sa kanya ay walang kasalanang matatagpuan. Ang sinumang nananatili sa kanya ay hindi patuloy na nagkakasala; ang sinumang patuloy na nagkakasala ay hindi nakakita ni nakakilala sa kanya. Mga anak, huwag kayong magpalinlang kaninuman. Ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid, katulad ni Cristo na matuwid. Ang patuloy na gumagawa ng kasalanan ay kakampi ng diyablo, sapagkat sa simula pa ay nagkakasala na ang diyablo. Ito ang dahilan na nahayag ang Anak ng Diyos: upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.