Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 75-76' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 23 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 27 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Levitico 23:23-44' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Tesalonica 3

Kahilingang Panalangin

Bilang pangwakas, mga kapatid, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na lumaganap at pahalagahan ng lahat, tulad ng nangyari sa inyo. Idalangin din ninyong mailigtas kami mula sa mga taong masasama at makasalanan. Hindi naman lahat ay sumasampalataya. Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapalakas sa inyo at magbabantay sa inyo laban sa Masama. Nagtitiwala kami sa Panginoon na ginagawa ninyo at patuloy na sinusunod ang mga iniutos namin. Gabayan nawa ng Panginoon ang inyong kalooban tungo sa pag-ibig ng Diyos at pagpupunyagi ni Cristo.

Babala Laban sa Katamaran

Mga kapatid, inuutusan namin kayo sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo na umiwas sa sinumang kapatid na tamad at hindi namumuhay ayon sa itinuro namin sa inyo. Alam naman ninyong dapat ninyo kaming tularan. Hindi kami naging tamad nang kami'y kasama ninyo. Hindi kami kumain ng tinapay ng sinuman nang hindi nagbabayad. Nagtrabaho kami gabi't araw upang hindi kami makabigat kaninuman sa inyo. Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatan sa inyong tulong, kundi upang bigyan kayo ng halimbawang dapat ninyong sundan. 10 Noon pa mang kasama ninyo kami'y ganito na ang iniutos namin sa inyo: Huwag ninyong pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho. 11 Binanggit namin ito dahil nabalitaan namin na ang ilan sa inyo'y tamad at ayaw magtrabaho. Wala silang inaatupag kundi ang makialam sa buhay ng may buhay. 12 Alang-alang sa Panginoon, inuutusan namin ang mga ganoong tao na magtrabaho nang maayos para sa sarili nilang ikabubuhay. 13 Para sa inyo, mga kapatid, huwag kayong mapapagod sa paggawa ng mabuti. 14 Tandaan ninyo ang sinuman na ayaw sumunod sa tagubilin namin sa sulat na ito. Iwasan ninyo siya upang siya'y mapahiya. 15 Ngunit huwag naman ninyo siyang ituring na kaaway; sa halip ay paalalahanan ninyo siya bilang kapatid.

Pagpapala

16 Ang Panginoon na bukal ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng paraan at pagkakataon. Sumainyong lahat ang Panginoon.

17 Ako mismong si Pablo ang sumulat ng pagbating ito. Ito ang tanda sa lahat ng aking mga liham. Ganito akong sumulat. 18 Ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo ang sumainyong lahat.

Mateo 7:13-21

Ang Makipot na Pintuan(A)

13 “Pumasok kayo sa makitid na pintuan; sapagkat maluwang ang pintuan at madali ang daan patungo sa pagkawasak, at maraming dumaraan doon. 14 Sapagkat makitid ang pintuan at mahirap ang daan patungo sa buhay, at iilan lamang ang nakatatagpo niyon.

Sa Bunga Makikilala(B)

15 “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta! Lumalapit sila sa inyo nang nakadamit-tupa, ngunit sa loob ay mga mababangis na asong-gubat. 16 Sa pamamagitan ng kanilang mga bunga, sila'y inyong makikilala. Nakapag-aani ba ng ubas sa halamang tinikan o nakakukuha ba ng igos sa mga dawagan? 17 Kaya't mabuti ang bunga ng bawat mabuting puno, subalit masama ang ibinubunga ng masamang puno. 18 Hindi maaaring magkaroon ng masamang bunga ang mabuting puno, at magkaroon ng mabuting bunga ang masamang puno. 19 Bawat punong masama ang bunga ay pinuputol at itinatapon sa apoy. 20 Kaya't sa pamamagitan ng kanilang bunga ay makikilala ninyo sila.

Hindi Ko Kayo Nakilala Kailanman(C)

21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang nagsasagawa ng kagustuhan ng aking Amang nasa langit.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.