Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 97

Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.

97 Ang Panginoon ay (A)naghahari; magalak ang lupa;
Matuwa ang karamihan ng mga pulo.
(B)Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:
Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.
Tumatanglaw (C)ang mga kidlat niya sa sanglibutan:
Nakita ng lupa, at niyanig.
(D)Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,
Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
Ipinahahayag (E)ng langit ang kaniyang katuwiran,
At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,
Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:
Kayo'y magsisamba sa kaniya (F)kayong lahat na mga dios.
Narinig ng Sion, at natuwa,
At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;
Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay (G)kataastaasan sa buong lupa:
Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
10 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, (H)ipagtanim ninyo ang kasamaan.
Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;
Kaniyang iniligtas sila (I)sa kamay ng masama.
11 (J)Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,
At kasayahan ay sa may matuwid na puso.
12 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;
(K)At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

Mga Awit 99

Pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kahabagan sa Israel.

99 Ang Panginoon ay (A)naghahari: manginig ang mga bayan.
(B)Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.
Ang Panginoon ay dakila sa Sion; At siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan:
Siya'y (C)banal.
Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan;
Ikaw ay nagtatatag ng karampatan,
Ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.
Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo (D)sa harap ng kaniyang tungtungan;
(E)Siya'y banal.
(F)Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, At si (G)Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan;
Sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila.
Siya'y nagsasalita sa kanila (H)sa haliging ulap:
Kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.
Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios;
(I)Ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila,
(J)Bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.
Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo sa kaniyang (K)banal na bundok;
Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal.

Mga Awit 115

Ang ibang mga Dios ay ipinaris sa Panginoon.

115 Huwag (A)sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin,
Kundi sa iyong pangalan ay (B)magbigay kang karangalan,
Dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
Bakit sasabihin ng mga bansa,
(C)Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
Ngunit ang aming Dios ay nasa mga langit:
Kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
(D)Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto,
(E)Yari ng mga kamay ng mga tao.
Sila'y may mga bibig, (F)nguni't sila'y hindi nangagsasalita;
Mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
Mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan;
Mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad;
Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
(G)Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
(H)Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at (I)kanilang kalasag.
10 Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
11 Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon;
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
12 Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo:
Kaniyang pagpapalain ang (J)sangbahayan ni Israel,
Kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
13 Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon,
Ang mababa at gayon ang mataas.
14 (K)Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit,
Kayo at ang inyong mga anak.
15 Pinagpala kayo ng Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
16 (L)Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;
Nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
17 Ang patay ay (M)hindi pumupuri sa Panginoon,
Ni sinomang nabababa sa katahimikan;
18 (N)Nguni't aming pupurihin ang Panginoon
Mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Exodo 12:40-51

40 Ang pakikipamayan nga ng mga anak ni Israel, na ipinakipamayan nila sa Egipto, (A)ay apat na raan at tatlong pung taon.

41 At nangyari sa katapusan ng apat na raan at tatlong pung taon, ng araw ding yaon ay nangyari, na ang lahat ng mga (B)hukbo ng Panginoon ay umalis sa lupain ng Egipto.

42 Ito ay isang gabing pangingilin sa Panginoon dahil sa paglalabas niya sa kanila sa lupain ng Egipto: ito ay yaong gabi ng Panginoon na ipangingilin ng lahat ng mga anak ni Israel sa buong panahon ng kanilang lahi.

43 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Ito ang tuntunin sa paskua: walang sinomang taga ibang lupa na kakain niyaon:

44 Datapuwa't ang alipin ng bawa't lalake na nabili ng salapi, (C)pagkatuli sa kaniya'y makakakain nga niyaon.

45 (D)Ang nakikipamayan at ang alilang binabayaran ay hindi kakain niyaon.

46 Sa isang bahay kakanin; huwag kang magdadala ng laman sa labas ng bahay, (E)ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon.

47 Ipangingilin ng buong kapisanan ng Israel.

48 At pagka ang isang (F)taga ibang lupa ay makikipamayan kasama mo, at mangingilin ng paskua sa Panginoon, ay tuliin lahat ang kaniyang mga lalake at saka siya lumapit at ipangilin: at siya'y magiging parang ipinanganak sa lupain ninyo; datapuwa't sinomang di tuli ay hindi makakakain niyaon.

49 (G)Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain, at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo.

50 Gayon ginawa ng lahat ng mga anak ni Israel; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, gayon nila ginawa.

51 (H)At nangyari nang araw ding yaon, na kinuha ng Panginoon ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo.

1 Corinto 15:29-41

29 Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila'y binabautismuhan dahil sa kanila?

30 Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras?

31 (A)Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na (B)araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako.

32 Kung ako'y (C)nakipagbaka sa (D)Efeso laban sa mga ganid, (E)ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, (F)magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay.

33 Huwag kayong padaya: (G)Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.

34 Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, (H)at huwag mangagkasala; (I)sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin (J)sa kahihiyan.

35 Datapuwa't sasabihin ng iba, Paanong muling bubuhayin ang mga patay? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila?

36 Ikaw na mangmang, (K)ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay:

37 At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay;

38 Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling, at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan.

39 Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.

40 Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.

41 Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.

Mateo 28:1-16

28 (A)Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang (B)nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena (C)at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan.

At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit (D)ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito.

Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat, at ang kaniyang pananamit ay maputing parang niebe:

At sa takot sa kaniya'y nagsipanginig (E)ang mga bantay, at nangaging tulad sa mga taong patay.

At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus.

Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, (F)ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.

At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya'y nagbangon sa mga patay; at narito, siya'y (G)nangunguna sa inyo sa Galilea; doon makikita ninyo siya: narito, nasabi ko na sa inyo.

At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang (H)takot at ang malaking galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.

At narito, sila'y sinalubong ni (I)Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.

10 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag kayong mangatakot: magsiyaon kayo at (J)sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea, at doo'y makikita nila ako.

11 Samantala ngang sila'y nagsisiparoon, narito, ang ilan sa (K)mga bantay ay nagsiparoon sa bayan, at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng mga bagay na nangyari.

12 At nang sila'y mangakipagkatipon na sa matatanda, at makapagsanggunian na, ay nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal,

13 Na nangagsasabi, Sabihin ninyo, Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad, at siya'y kanilang ninakaw samantalang kami'y nangatutulog.

14 At kung ito'y dumating sa tainga (L)ng gobernador, ay siya'y aming hihikayatin, at kayo'y aming ilalagay sa panatag.

15 Kaya't kinuha nila ang salapi, at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa kanila: at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio, at nananatili (M)hanggang sa mga araw na ito.

16 Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok (N)na sa kanila'y itinuro ni Jesus.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978