Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 18 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Genesis 4:17-26' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 3:1-11

Higit na Dakila si Jesus kay Moises

Kaya, mga kapatid kong banal, mga kabahagi sa makalangit na pagkatawag, isaalang-alang ninyo si Jesus, ang Apostol at Kataas-taasang Pari ng ating ipinapahayag. Tapat (A) siya sa nagtalaga sa kanya, gaya ni Moises na tapat sa buong sambahayan ng Diyos. Sapagkat si Jesus ay itinuring na karapat-dapat sa higit na kaluwalhatian kaysa kay Moises, yamang ang nagtayo ng bahay ay may higit na karangalan kaysa sa bahay. Sapagkat ang bawat bahay ay may nagtayo, subalit ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Diyos. Si Moises, bilang lingkod ng buong sambahayan ng Diyos, ay naging tapat upang magpatotoo sa mga bagay na sasabihin. Subalit si Cristo, bilang isang anak ay tapat sa sambahayan ng Diyos, at tayo ang sambahayang iyon, kung ating iingatang matibay hanggang sa katapusan ang pagtitiwala at pagmamalaki natin dahil sa ating pag-asa.

Kapahingahan para sa Bayan ng Diyos

Kaya't (B) gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu,

“Sa araw na ito, kung marinig ninyo ang kanyang tinig,
huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso tulad noong sila’y naghimagsik,
    noong araw na sila’y subukin sa ilang,
kung saan sinubok ako ng inyong mga magulang,
    bagaman nakita nila ang aking mga gawa sa loob ng

10 apatnapung taon.

Kaya't nagalit ako sa lahing ito,
at aking sinabi, ‘Ang puso nila'y laging lumalayo sa akin,
    at ang mga daan ko'y ayaw nilang alamin.’
11 Kaya sa aking galit ay isinumpa ko,
‘Hindi sila papasok sa kapahingahang ibibigay ko.’ ”

Juan 1:43-51

Si Felipe at Nathanael

43 Kinabukasan, nagpasya si Jesus na magpunta sa Galilea. Doon ay natagpuan niya si Felipe at sinabi rito, “Sumunod ka sa akin.” 44 Si Felipe ay taga-Bethsaida, lungsod nina Andres at Pedro. 45 Natagpuan ni Felipe si Nathanael at sinabi sa rito, “Natagpuan na namin siya na tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta, si Jesus na taga-Nazareth, ang anak ni Jose.” 46 Sinabi ni Nathanael sa kanya, “May mabuting bagay ba na maaring manggaling sa Nazareth?” Sinabi ni Felipe sa kanya, “Halika at tingnan mo.” 47 Nakita ni Jesus si Nathanael na lumalapit kung kaya't siya'y nagsalita ng tungkol sa kanya, “Narito ang isang tunay na Israelita na sa kanya'y walang pandaraya.” 48 Sinabi ni Nathanael sa kanya, “Paano po ninyo ako nakilala?” Sinagot siya ni Jesus, “Bago ka tawagin ni Felipe, nakita kita habang nasa ilalim ng puno ng igos.” 49 Sinagot siya ni Nathanael at sinabi, “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang hari ng Israel!” 50 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Naniniwala ka ba dahil sinabi ko sa'yo na nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Mga dakilang bagay na higit pa sa mga ito ang makikita mo.” 51 (A)At sinabi pa niya sa kanya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong bukas ang langit at ang mga anghel ng Diyos na umaakyat at bumababa sa Anak ng Tao.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.