Book of Common Prayer
Ang pagakay ng Panginoon sa kaniyang bayan sa kabila ng pagkawalang tiwala. Masquil ni Asaph.
78 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan:
Ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
2 (A)Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga;
Ako'y magsasalita ng mga malabong (B)sabi ng una:
3 (C)Na aming narinig at naalaman,
At isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
4 (D)Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak,
(E)Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon,
At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
5 Sapagka't siya'y nagtatag ng (F)patotoo sa Jacob,
At nagtakda ng kautusan sa Israel,
Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang,
Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
6 (G)Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak;
Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
7 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios,
At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios,
Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
8 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang,
(H)May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi;
Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso,
At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
9 Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog,
At nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios,
At nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
11 At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa,
At ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
12 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya (I)sa paningin ng kanilang mga magulang,
Sa lupain ng Egipto, (J)sa parang ng Zoan.
13 (K)Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila;
At kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 (L)Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap,
At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 (M)Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang,
At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16 Nagpabukal naman siya mula sa bato.
At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
17 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya,
(N)Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 At kanilang (O)tinukso ang Dios sa kanilang puso,
Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios;
Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 (P)Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
21 Kaya't narinig ng Panginoon, (Q)at napoot:
At isang apoy ay nagalab laban sa Jacob,
At galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios,
At hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas,
At binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 (R)At pinaulanan niya sila ng mana upang makain.
At binigyan sila ng (S)trigo ng langit.
25 Kumain ang tao ng (T)tinapay ng makapangyarihan:
Pinadalhan niya sila ng pagkain Hanggang sa nangabusog.
26 (U)Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit:
At sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
27 Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok,
At ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
28 (V)At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento,
Sa palibot ng kanilang mga tahanan.
29 Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti;
At ibinigay niya sa kanila ang (W)kanilang pita.
30 Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita,
Ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31 Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila,
At (X)pumatay sa mga pinakamataba sa kanila,
At sinaktan ang mga binata sa Israel.
32 Sa lahat ng ito ay (Y)nangagkasala pa sila,
At hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 (Z)Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa (AA)walang kabuluhan,
At ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 (AB)Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35 At kanilang naalaala na ang (AC)Dios ay kanilang malaking bato,
At ang Kataastaasang Dios ay (AD)kanilang manunubos.
36 Nguni't tinutuya nila (AE)siya ng kanilang bibig,
At pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya,
Ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
38 (AF)Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol:
Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit,
At hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 (AG)At naalaala niyang (AH)sila'y laman lamang;
Hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang,
At pinapanglaw nila (AI)siya sa ilang!
41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios,
At minungkahi ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay,
Ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 (AJ)Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto,
At ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 (AK)At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog,
At ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
45 (AL)Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila;
At mga (AM)palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong,
At ang kanilang pakinabang sa (AN)balang.
47 Sinira niya ang (AO)kanilang ubasan ng granizo,
At ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 (AP)Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo,
At sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit,
Poot at galit, at kabagabagan,
Pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit;
Hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan,
Kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 (AQ)At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto,
Ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni (AR)Cham:
52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na (AS)parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't (AT)tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang (AU)santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (AV)binahagi sa kanila na pinakamana (AW)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang (AX)parang magdarayang busog.
58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga (AY)mataas na dako,
At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot,
At kinayamutang lubha ang Israel:
60 (AZ)Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng (BA)Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 At ibinigay ang kaniyang (BB)kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 (BC)Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At (BD)ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 (BE)Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At (BF)ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya (BG)ng mula sa pagkakatulog,
Gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66 At (BH)sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway:
Inilagay niya sila sa laging kadustaan.
67 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose,
At hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68 Kundi pinili ang lipi ni Juda,
Ang bundok ng Zion (BI)na kaniyang inibig.
69 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan,
Parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 (BJ)Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod,
At kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 (BK)Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso,
Upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa (BL)pagtatapat ng kaniyang puso;
At pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
Ang hari at si Aman sa piging ni Esther.
5 Nangyari nga, (A)nang ikatlong araw, na nagsuot si Esther ng kaniyang bihisang pagkareina, at tumayo (B)sa pinakaloob ng bahay ng hari, sa tapat ng bahay-hari; at ang hari ay naupo sa kaniyang luklukang hari sa bahay-hari, sa tapat ng pasukan sa bahay.
2 At nagkagayon, nang makita ng hari si Esther na reina na nakatayo sa looban, na (C)siya'y nagtamo ng biyaya sa kaniyang paningin: at inilawit (D)ng hari kay Esther ang gintong cetro na nasa kaniyang kamay. Sa gayo'y lumapit si Esther, at hinipo ang dulo ng cetro.
3 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa kaniya, Anong ibig mo, reina Esther? at ano ang iyong hiling? mabibigay sa iyo (E)kahit kalahati ng kaharian.
4 At sinabi ni Esther, Kung inaakalang mabuti ng hari, pumaroon sa araw na ito ang hari at si Aman sa pigingan na aking inihanda sa kaniya.
5 Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Papagmadaliin si Aman upang magawa ang gaya ng sinabi ni Esther. Sa gayo'y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther.
6 (F)At sinabi ng hari kay Esther sa pigingan ng alak: (G)Ano ang iyong hingi? at ipagkakaloob sa iyo at ano ang iyong hiling? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob.
7 Nang magkagayo'y sumagot si Esther, at nagsabi, Ang aking hingi at ang aking hiling ay ito;
8 Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa paningin ng hari, at kung kalugdan ng hari na ipagkaloob ang aking hingi, at gawin ang aking hiling, na pumaroon ang hari at si Aman sa pigingan na aking ihahanda sa kanila, at aking gagawin bukas na gaya ng sinabi ng hari.
Nagpagawa si Aman ng bibitayan para kay Mardocheo.
9 Nang magkagayo'y lumabas si Aman sa araw na yaon na galak at may masayang puso: nguni't nang makita ni Aman si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari, (H)na hindi siya tumayo o kumilos man sa kaniya, siya'y napuno ng pagkapoot laban kay Mardocheo.
10 Gayon may nagpigil si Aman sa kaniyang sarili, at umuwi sa bahay; at siya'y nagsugo at tinipon ang kaniyang mga kaibigan at si (I)Zeres na kaniyang asawa.
11 At isinaysay ni Aman sa kanila ang kaluwalhatian ng kaniyang mga kayamanan, at (J)ang karamihan ng kaniyang mga anak, at lahat ng bagay na (K)ipinagkaloob ng hari sa kaniya, at kung paanong siya'y nataas ng higit kay sa mga prinsipe at mga lingkod ng hari.
12 Sinabi ni Aman, bukod dito: Oo, si Esther na reina ay hindi nagpasok ng sinoman na kasama ng hari sa pigingan na kaniyang inihanda kundi ako lamang; at kinabukasan naman ay inaanyayahan niya ako na kasama ng hari.
13 Gayon ma'y ang lahat ng ito'y walang kabuluhan sa akin habang aking nakikita si Mardocheo na Judio na nakaupo sa pintuang-daan ng hari.
14 Nang magkagayo'y sinabi ni Zeres na kaniyang asawa at ng lahat niyang kaibigan sa kaniya: Magpagawa ka ng isang bibitayan na may limang pung siko ang taas, at sa kinaumagahan ay salitain mo sa hari na bitayin doon si Mardocheo: kung magkagayo'y yumaon kang masaya na kasama ng hari sa pigingan. At ang bagay ay nakalugod kay Aman; at kaniyang ipinagawa ang bibitayan.
12 Datapuwa't nang si Galion ay (A)proconsul ng (B)Acaya ang mga Judio ay nangagkaisang nangagsitindig laban kay Pablo at (C)siya'y dinala sa harapan ng hukuman,
13 Na nagsasabi, Hinihikayat ng taong ito ang mga tao upang magsisamba sa Dios laban sa (D)kautusan.
14 Datapuwa't nang bubukhin na ni Pablo ang kaniyang bibig, ay sinabi ni Galion sa mga Judio, (E)Kung ito'y tunay na masamang gawa o mabigat na kasalanan, Oh mga Judio, may matuwid na tiisin ko kayo:
15 Datapuwa't kung mga pagtatalo tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong sariling kautusan, kayo sa inyong sarili na ang bahala noon; ayaw kong maging hukom sa mga bagay na ito.
16 At sila'y pinalayas niya sa hukuman.
17 At hinawakan nilang lahat si (F)Sostenes, (G)na pinuno sa sinagoga, at siya'y hinampas sa harapan ng hukuman. At hindi man lamang pinansin ni Galion ang mga bagay na ito.
18 At si Pablo, pagkatapos na makatira na roong maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid, at buhat doo'y lumayag na patungo sa (H)Siria, at kasama niya si (I)Priscila at si Aquila: na (J)inahit niya ang kaniyang buhok sa (K)Cencrea; sapagka't siya'y may panata.
19 At sila'y nagsidating sa Efeso, at sila'y iniwan niya doon: datapuwa't pumasok siya sa sinagoga, at nangatuwiran sa mga Judio.
20 At nang siya'y pamanhikan nila na tumigil pa roon ng ilang panahon, ay hindi siya pumayag;
21 Kundi nang siya'y nagpaalam sa kanila, at nagsabi, Babalik uli ako sa inyo kung loobin ng Dios, siya'y naglayag buhat sa Efeso.
22 At nang makalunsad na siya sa (L)Cesarea, ay siya'y umahon at bumati sa iglesia, at lumusong sa (M)Antioquia.
23 At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon, ay umalis siya, at tinahak ang lupain ng (N)Galacia, at Frigia, na sunodsunod, (O)na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad.
24 Ngayon ang isang Judio na nagngangalang (P)Apolos, na isang (Q)Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya'y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan.
25 Ang taong ito'y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa'y may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, (R)na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan:
26 At siya'y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga. Datapuwa't nang siya'y marinig ni Priscila at ni (S)Aquila, ay kanilang isinama siya, at isinaysay sa kaniya (T)ang daan ng Panginoon ng lalong maingat.
27 At nang ibig niyang lumipat sa (U)Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila'y nagsisulat sa mga alagad na siya'y tanggapin: at nang siya'y dumating doon, (V)ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya;
28 Sapagka't may kapangyarihang dinaig niya ang mga (W)Judio, at hayag, na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo.
15 At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, (A)kung siya kaya ang Cristo;
16 Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng (B)panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:
17 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.
18 Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;
19 Datapuwa't si Herodes (C)na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,
20 Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.
21 Nangyari nga, (D)nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at (E)nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,
22 At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978