Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 106 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Kawikaan 3:11-20' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Juan 3:18-4:6

18 Mga anak, magmahal tayo, hindi lamang sa pamamagitan ng salita o kaya'y ng dila, kundi sa pamamagitan ng gawa at ng katotohanan.

19 Sa ganitong paraan natin malalaman na tayo'y nasa panig ng katotohanan, at magiging panatag ang ating puso sa harapan niya 20 tuwing hahatulan tayo nito; sapagkat ang Diyos ay higit na dakila kaysa ating puso, at nalalaman niya ang lahat. 21 Mga minamahal, kung hindi tayo hinahatulan ng ating puso, mayroon tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos. 22 At tatanggapin natin ang anumang hilingin natin sa kanya, sapagkat tinutupad natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kanyang paningin. 23 At ito ang kanyang utos, na sumampalataya tayo sa pangalan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at magmahalan sa isa't isa, tulad ng ibinigay niyang utos sa atin. 24 Sinumang tumutupad sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. Ganito natin malalaman na siya'y nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.

Ang Espiritu ng Diyos at ang Espiritu ng Anti-Cristo

Mga minamahal, huwag kayong maniwala sa bawat espiritu, sa halip ay subukin ninyo ang mga espiritu, kung ang mga ito'y sa Diyos, sapagkat maraming huwad na propeta ang naririto na sa sanlibutan. Makikilala ninyo ang Espiritu ng Diyos sa ganitong paraan: ang bawat espiritung nagpapahayag na si Jesu-Cristo ay dumating bilang tao ay sa Diyos. Ang bawat espiritung hindi kumikilala kay Jesus ay hindi sa Diyos. Ito ay espiritu ng anti-Cristo na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanlibutan na. Mga anak, kayo'y sa Diyos, at napagtagumpayan na ninyo sila, sapagkat higit na makapangyarihan siya na nasa inyo kaysa kanya na nasa sanlibutan. Sila ay mula sa sanlibutan, kaya't ang sinasabi nila ay mula sa sanlibutan, at pinakikinggan sila nito. Tayo ay sa Diyos. Ang sinumang nakakakilala sa Diyos ay nakikinig sa atin, at sinumang hindi sa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. Sa pamamagitan nito ay makikilala natin ang espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinungalingan.

Juan 11:17-29

Si Jesus ang Muling Pagkabuhay at ang Buhay

17 Nang dumating si Jesus, nadatnan niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro. 18 Malapit ang Betania sa Jerusalem, mga tatlong kilometro[a] ang layo. 19 Maraming Judio ang pumunta kina Marta at Maria para aliwin sila dahil sa kanilang kapatid. 20 Nang marinig ni Marta na paparating si Jesus, sinalubong niya ito, habang si Maria naman ay naiwan sa bahay. 21 Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung narito ka lang, hindi po sana namatay ang aking kapatid. 22 Ngunit ngayon, alam kong anumang hilingin mo sa Diyos ay ibibigay niya sa iyo.” 23 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Mabubuhay muli ang iyong kapatid.” 24 (A)Sumagot si Marta, “Alam kong mabubuhay siyang muli sa Pagkabuhay, sa huling araw.” 25 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang mga sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit na siya ay mamatay, 26 at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba rito?” 27 Sinabi niya kay Jesus, “Opo, Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos, na siyang dumarating sa sanlibutan.” 28 Pagkasabi niya nito, bumalik siya kay Maria. Tinawag niya ito at palihim niyang sinabi, “Nandito ang guro at tinatawag ka.” 29 Nang marinig ito ni Maria, nagmadali siyang tumayo at pinuntahan si Jesus.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.