Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 72

Ang paghahari ng matuwid na hari. Awit ni Salomon.

72 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang (A)iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
(B)Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran,
At ang iyong dukha, ng kahatulan.
(C)Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan,
At ang mga gulod, sa katuwiran.
Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaraywarayin ang mangaapi.
Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili (D)ang araw,
At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
(E)Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
Sa kaniyang mga kaarawan ay (F)giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
(G)Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat,
At mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod (H)sa kaniya;
At hihimuran ng (I)kaniyang mga kaaway ang alabok.
10 (J)Ang mga hari ng Tharsis, at (K)sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob;
Ang mga hari sa (L)Sheba at (M)Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
11 Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya:
Lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.
12 Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing;
At ang dukha na walang katulong.
13 Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan,
At ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas.
14 Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan;
(N)At magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:
15 At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba:
At dadalanginang lagi siya ng mga tao:
Pupurihin nila siya buong araw.
16 Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok;
Ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano:
At silang sa bayan ay giginhawa na (O)parang damo sa lupa.
17 Ang kaniyang pangalan ay (P)mananatili kailan man;
Ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw:
(Q)At ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya;
(R)Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
18 (S)Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel,
Na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay:
19 At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man;
(T)At mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian.
(U)Siya nawa, at Siya nawa.
20 Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos.

Mga Awit 111

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.

111 Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat (A)sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
Ang kaniyang gawa ay (B)karangalan at kamahalan:
At ang (C)kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay (D)mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
Siya'y nagbigay ng (E)pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay (F)katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay (G)tunay.
(H)Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
Siya'y nagsugo ng (I)katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
(J)Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 (K)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

Mga Awit 113

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagpuri sa nagpapakababa.

113 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
(A)Purihin ang pangalan ng Panginoon
Mula sa panahong ito at magpakailan man.
(B)Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon
Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
Ang Panginoon ay (C)mataas na higit sa lahat ng mga bansa,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay (D)sa itaas ng mga langit.
(E)Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,
Na may kaniyang upuan sa itaas,
(F)Na nagpapakababang tumitingin
Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
(G)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,
Sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
(H)Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,
At maging masayang ina ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon.

2 Samuel 7:1-17

Balak na pagpapagawa ng Templo.

At nangyari (A)nang ang hari ay tumahan sa kaniyang bahay, at binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan sa lahat niyang mga kaaway sa palibot,

Na sinabi ng hari kay (B)Nathan na propeta: Tingnan mo ngayon ako'y tumatahan sa isang (C)bahay na sedro, nguni't ang kaban ng Dios ay nanahanan sa loob ng mga (D)tabing.

At sinabi ni Nathan sa hari, Yumaon ka, gawin mo ang lahat na nasa iyong puso; sapagka't ang Panginoon ay sumasa iyo.

At nangyari, nang gabi ring yaon, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Nathan, na sinasabi,

Yumaon ka at saysayin mo sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ipagtatayo mo ba ako ng isang bahay na matatahanan?

Sapagka't hindi ako tumahan sa isang bahay mula sa araw na aking iahon ang mga anak ni Israel mula sa Egipto, hanggang sa araw na ito, kundi ako'y lumakad (E)sa tolda at sa tabernakulo.

Sa lahat ng dako na aking nilakaran na kasama ng lahat ng mga anak ni Israel, nagsalita ba ako ng (F)isang salita sa isa sa mga lipi ng Israel na aking inutusan na (G)maging pastor ng aking bayang Israel, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ipinagtayo ako ng isang bahay na sedro?

Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (H)Kinuha kita mula sa kulungan ng tupa, sa pagsunod sa tupa, upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayan, sa Israel:

(I)At ako'y suma iyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang dakilang pangalan, gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa.

10 At aking tatakdaan ng isang dako ang aking bayan na Israel, at (J)aking itatatag sila, upang sila'y magsitahan sa kanilang sariling dako, at (K)huwag nang mabago pa; ni pipighatiin pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una.

11 (L)At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel; at aking (M)papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon (N)na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay.

12 Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, (O)aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.

13 (P)Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking (Q)itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.

14 (R)Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;

15 Ngunit ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na (S)gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo.

16 At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang (T)iyong luklukan ay matatatag magpakailan man.

17 Ayon sa lahat ng mga salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito ay gayon sinalita ni Nathan kay David.

Tito 2:11-3:8

11 Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,

12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan (A)at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito;

13 Na hintayin yaong (B)mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng (C)kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;

14 Na siyang (D)nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, (E)upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili (F)ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.

15 Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. (G)Sinoman ay huwag humamak sa iyo.

Ipaalala mo sa kanilang (H)pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa't gawang mabuti,

Na huwag magsalita ng masama tungkol (I)sa kanino man, na (J)huwag makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao.

Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon (K)ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.

Nguni't nang mahayag na (L)ang kagandahang-loob ng (M)Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao,

Na (N)hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi (O)ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan (P)ng paghuhugas sa (Q)muling kapanganakan at ng (R)pagbabago sa Espiritu Santo,

Na kaniyang ibinuhos ng sagana (S)sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas;

Upang, sa (T)pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, (U)ay maging tagapagmana tayo (V)ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan.

Tapat ang pasabi, (W)at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisipanampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao:

Lucas 1:39-48

39 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Maria, at nagmadaling napasa (A)lupaing maburol, sa isang bayan ng Juda;

40 At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet.

41 At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at (B)napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo;

42 At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, (C)Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan.

43 At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng (D)aking Panginoon ay pumarito sa akin?

44 Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.

45 At (E)mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon.

46 At sinabi ni Maria,

(F)Dinadakila ng aking kaluluwa (G)ang Panginoon,
47 At nagalak ang aking espiritu sa (H)Dios na aking Tagapagligtas.
48 Sapagka't (I)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (J)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.

Lucas 1:48-56

48 Sapagka't (A)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (B)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49 Sapagka't (C)ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay;
At (D)banal ang kaniyang pangalan.
50 At ang (E)kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi.
Sa nangatatakot sa kaniya.
51 Siya'y nagpakita ng lakas (F)ng kaniyang bisig;
(G)Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52 Ibinaba niya ang mga prinsipe (H)sa mga luklukan nila,
At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53 (I)Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay;
At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin,
(J)Upang maalaala niya ang awa
55 (Gaya ng sinabi niya (K)sa ating mga magulang)
Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.

56 At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978