Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 38 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 119:25-48' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Amos 8 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 1:17-2:7

17 Nang makita (A) ko siya, bumulagta akong parang patay sa kanyang paanan. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot; Ako ang una at ang huli, 18 at ang nabubuhay! Ako'y namatay, ngunit tingnan mo, ako ay buhay magpakailanpaman. Hawak ko ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.[a] 19 Kaya isulat mo ang nakita mo, kung ano ang kasalukuyan, at kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. 20 Tungkol naman sa hiwaga ng pitong bituin na nakita mo sa aking kanang kamay, at ang pitong gintong ilawan: ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesya, at ang pitong ilawan ay ang pitong iglesya.

Ang Mensahe para sa Efeso

“Sa anghel ng iglesya ng Efeso, isulat mo: Ito ang sinasabi niya na may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay, na naglalakad sa gitna ng pitong gintong ilawan: ‘Alam ko ang iyong mga gawa, ang iyong pagpapagal at ang iyong pagtitiis. Alam kong hindi mo kayang palampasin ang masasama. Sinubok mo ang mga nag-aangking sila ay mga apostol, ngunit hindi pala at natuklasan mong sila'y mga huwad. Ikaw rin ay matiyagang nagpapatuloy at nagpapasakit alang-alang sa aking pangalan, at hindi ka nanlupaypay. Subalit mayroon akong isang bagay na laban sa iyo, na iniwan mo ang una mong pag-ibig. Kaya alalahanin mo ang kinalalagyan mo bago ka nahulog. Magsisi ka, at muli mong gawin ang mga bagay na ginawa mo noong una. Kung hindi, pupuntahan kita at tatanggalin ko ang iyong ilawan sa kinalalagyan nito, at ito'y kung hindi ka magsisisi. Ngunit ito naman ang mayroon ka: kinamumuhian mo ang mga gawain ng mga Nicolaita, na kinamumuhian ko rin. (B) Makinig ang sinumang may pandinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. Sa sinumang magtagumpay, ibibigay ko sa kanya ang karapatang kumain mula sa puno ng buhay na nasa paraiso ng Diyos.’

Mateo 23:1-12

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan at mga Fariseo(A)

23 Pagkatapos nito ay nagsalita si Jesus sa maraming tao at sa kanyang mga alagad. Wika niya, “Nakaupo sa upuan ni Moises ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga Fariseo. Kaya't inyong isagawa at sundin ang lahat ng mga sinasabi nila sa inyo, ngunit huwag ninyong gawin ang kanilang mga ginagawa, sapagkat iba ang kanilang ginagawa sa kanilang sinasabi. Nagtatali sila ng mabibigat na dalahin [at mahirap pasanin,][a] at ipinabubuhat nila sa mga tao; ngunit sila mismo ay ayaw man lamang humipo sa mga ito. Ang lahat ng kanilang ginagawa ay upang ipakita lamang sa mga tao.(B) Pinapalapad nila ang kanilang mga pilakteria,[b] at pinahahaba ang laylayan ng kanilang mga damit. Mahilig silang umupo sa mga upuang-pandangal sa mga piging at sa mga pangunahing upuan sa sinagoga. Nais nilang pagpugayan sila ng mga tao sa pamilihan at tawagin silang ‘Rabbi’. Ngunit hindi kayo dapat tawaging Rabbi, sapagkat iisa ang inyong guro at kayong lahat ay magkakapatid. Huwag ninyong tawaging ama ninyo ang sinuman sa lupa; sapagkat iisa ang inyong Ama na nasa langit. 10 Huwag din kayong magpatawag na tagapanguna, sapagkat iisa ang inyong tagapanguna, ang Cristo. 11 Ang pinakadakila sa inyo ang magiging lingkod ninyo.(C) 12 Ang nagtataas sa sarili (D) ay ibababa, at ang nagbababa sa sarili ay itataas.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.